Chapter Two: Logging Out Problems

Start from the beginning
                                        

Kinuha ko iyon at itinabi. There's nothing here at all other than one item and a storage tab. I frowned and tried to think kung paano mabuksan ang system interface o di kaya'y ang character profile ko man lang.

"Hm... system. Open system interface." wala. "Open profile..."

The inventory is replaced by a hologram screen. Nakapaloob ang character profile at statistics ko at sa gilid nito'y mga tabs na profile, map, friends, guild, locality at ang log-out button. Lahat ay locked except sa profile.

-¤-¤▪▪▪¤-¤-

Name: Solace

Level: 5

Class: Fighter

Job: (locked)

Strength: 18

Endurance: 10

Perception: 9

Dexterity: 10

Intelligence: 9

Charisma: 26

Luck: 30

HP: 100

MP: 95

-¤-¤▪▪▪¤-¤-

Ang taas ng luck ko. My charisma is higher too. Kumunot ang noo ko sa nabasang 'job'. Locked pa siya. I don't know what this is, hindi ko din ito narinig sa discussion nina Rase.

Hayaan na nga.

"Close."

Tumayo ako at kinuha ang Beginner's Knife. Maghahanap na lang ako ng baby wolves dahil mukhang madali silang mamatay at mas makakatulong sa paglevel up.

Okay, Reverie! Ang tanging mission lang natin ngayon ay makaabot sa Level Twenty-Five at makalog-out!

HINIHINGAL AKO ng matapos ang pagpatay sa mga wolves. I leaned and sat down on a tree trunk.

[Congratulations! You have reached Level 10!]

[Quest: Go to the Blacksmith and help him in defeating the Wolf King.]

[Drops: HP Potion (13), MP Potion (12), Cursed Ring, Monarch's Cloak, Zeus Dagger.]

"Open profile..."

-¤-¤▪▪▪¤-¤-

Name: Solace

Level: 10

Class: Fighter

Job: (locked)

Strength: 28

Endurance: 16

Perception: 18

Dexterity: 15

Intelligence: 15

Charisma: 38

Luck: 36

HP: 250

MP: 200

-¤-¤▪▪▪¤-¤-

"Huh? bakit ba ang taas nitong charisma ko! Bakit hindi ka na lang napunta sa strength!" I cried out.

Tiningnan ko ang ibang tabs at nakitang locked pa rin sila. Anong level ba magbubukas itong map? Ang hina ko pa naman sa directions.

"Close."

Tumayo ako at pinagpagan ang damit. Well, ang mas mabuting gawin ngayon ay hanapin kung saan ang labasan. Sigurado akong kapag tinahak ko ang isang direksiyon lang ay makakalabas din ako sa gubat na 'to.

Tama, Reverie! Fighting lang!

That was thirty minutes ago. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalabas sa gubat. Hindi ko nga alam kung nadaanan ko na itong puno na katabi ko o wala.

"Paano ako makakakain ng hapunan nito! Ang sarap pa naman no'n!" I whined.

Pinadyak ko ang paa sa lupa at tinadyakan ang malapit na bato. Frustrated, I sat down on the tree root. Nakakainis! Parang nagugutom pa itong character ko!

Nawala lahat ng inis at galit ko nang may marinig na ingay. Immediately, I look around the place. Ang dating napakaginhawang gubat ay naging mapagsikreto. The forest went eerie. Narinig ko ang pag-ingay ng bush sa likod ko kaya napatayo ako.

A sound of a branch being stepped on. Biglang tumaas ang balahibo sa likod ng leeg ko nang maramdaman ang isang malamig na presensiya. Hala! Isa ba itong beast o ano?! Nakakatakot kahit hindi ko pa nakikita!

A pair of feet entered my view. Nasundan iyon ng makisig na katawan ng isang lalaki. Mahaba at hanggang leeg ang itim niyang buhok. Ang itim nitong mga mata ay mapanganib. His face was so cold and stoic that I had to step back from his overwhelming presence. Napalunok ako.

"What are you doing here?" he asked, and my heart thundered.

-chapter end-

▪▪▪

[NEW!]

1. Reach Level 25 to log out. Reason: I DON'T LIKE GAMES!

2. Get out of the forest qui-

[UPDATE!]

1. Get out of the forest as quickly as possible.

2. Reach Level 25 to log out. Reason: I HATE GAMES!

▪▪▪

Welcome, PlayerWhere stories live. Discover now