Chapter Two: Logging Out Problems

Start from the beginning
                                        

"But, let's not talk about that! Let's finalize your character customization. Hmm~"

Bagot ko siyang tiningnan habang may ginagawa siya sa imahe at may mga lumabas na letra at numero. Wala akong naintindihan sa mga 'yon. And everytime I open my mouth to ask something, she cuts me off. Hanggang sa naggive-up na lang ako at hinayaan siya sa ginagawa.

"'Kay~! Done!" she smiled at me. Biglang may malakas na magic circle ang namuo sa lupang kinauupuan ko. "Until we meet again, Reverie."

I stared at her in shock. "Wait! How did you know my-!"

Naputol ang sasabihin ko nang mahulog ako! Malakas akong napasigaw lalo na nang blurred lines na lamang ang nakita ko. May mga lumabas na letra at lumabas din ang imahe ko. Then my skin started to light up, making me shriek. Naramdaman ko ang paghaba ng buhok at kung ano mang kawirduhan sa katawan ko!

And everything ended as quickly as it started.

[Dew Forest, City of Gaea⁠—]

"Aray..." daing ko habang nakaupo. My butt hurts!

Napakagat ako ng labi. Ang sakit talaga! Lalo na kapag tatayo ka! Huminga ako ng malalim at pinuwersa ang sarili na tumayo. I looked around. Trees filled my view. May sapa sa harap ko. Naririnig ko ang mumunting ingay na ginagawa ng kalikasan. It looks like I'm in the middle of a... forest?

So, I'm inside the game already. Pero bakit nasa gubat ako? Ano ba ang pumasok sa isip no'n at dito niya ako nilagay? Hindi ko alam kung nasaan akong parte ng gubat at kung paano makalabas!

A map! Right, I can navigate my way through a map. Pero paano mo ba makikita kung nasaan ang mapa dito? I haven't read the instructions. Hell, I don't even know the game description. Ang tanging nagpapakita lang sa harap ko ay ang pangalan ng gubat. How am I going to survive when I don't know even a single thing?!

Hindi rin ako marunong magbasa ng mapa!

Bumuntong-hinga ako dahil sa nagbabagang galit sa loob. I walked closer to the lake. Lumuhod ako at tiningnan ang repleksiyon ko sa tubig. My hair cascaded and gently touched the clear waters. Hinawi ko ang buhok at mas nadepina ang tainga ko. I stared at a pair of crystal blue eyes.

Now, what am I gonna do? Hindi ko alam kung saan magsisimula-

"Aray!" sigaw ko nang makaramdam ng matinding sakit mula sa puwet.

Tears started to form in my eyes because of the excruciating pain. I gritted my teeth as I slowly looked back. Nakita ko ang isang maliit na lobo na kagat-kagat ang puwetan ko. What the-!

"Hayop ka!" I cried and immediately went to attack it.

Furious strikes after furious strike. Hindi ko ito tinantanan hanggang sa maglaho ito ng tuluyan. May lumapit na dalawa pa at hindi ko sila hinayaang atakehin ako. The battle ended with me breathing heavily.

[Congratulations! You have reached Level Five!]

[Drops from Baby Wolves: MP Potion (2), HP Potion (2), Beginner's Knife. Check bag interface.]

Nagulat ako nang may lumabas na mga letra sa harap ko. Level Five? I'm already level five just from killing three baby wolves? Siguro madali lang magpalevel-up kapag bago. I look at the drops. Bag interface?

"Open bag interface." saad ko pero walang nangyari. Kumunot ang noo ko.

"Open bag." saad ko ulit at sa ngayon ay may lumabas na.

Nagpakita sa akin ang isang inventory na maraming empty slot. Tatlo lang ang nandirito. Dalawang capsule na kulay pula at asul. Sa pinakahuli naman ay isang kutsilyo. Absentmindedly, I clicked it and it vanished from the bag. The knife then appeared on the grass.

Welcome, PlayerWhere stories live. Discover now