"Sus porket obob tumatahol na, ang ibig ko kasing sabihin Fishing ka!" pinagtaasan niya ako ng kilay at pinagalaw ang panga niya.

"Fishing expedition? An attempt to  discover the facts about something by collecting a lot of information, secretly indirect way? Or Fishing for compliment and attention? That is the act of insulting, or making fun of ones self, with the intention of others dissagreeing or complimenting that person. " napatanga ako dahil sinadya niya na atang nag english at bilisan ang pagsasalita para 'di ko maintindihan.

Palaban talaga 'to pero palaban ako. Pwe, ako 'to si Pintura ang walang inaatrasan na laban.

"Ay ewan ko sa'yo, kaya ayaw kita kausap inis ako, basta ang ibig kong sabihin fishing ka kasi sinasabi mo 'yung tungkol sa boyfriend ko kuno si Roi hindi ba? Kasi gusto mo malaman kung single ba ako o hindi, sus style mo bulok na bulok na. Gamit na gamit nga 'yan ni Lapu lapu noon pa BFF ko 'yun dati eh tinulungan ko pa nga manligaw." tumawa ako ng pagkalakas lakas 'yung tipong aabot na sa kabilang bahay isa mo pang nakitawa si Coco kaya mas lalong sumama nag timpla ni Roks.

"Oh god, you're really---Tss go and wash your face first, may muta at panis na laway ka pa." nagpipigil at prankabg usal nito dahilan para mapahawak ako sa bibig ko dahil napagtanto kong hindi ako naghilamos at nagtooth brush.

Namutla ako sa sinabi niya, nakita n'yang gan'to ang itsura ko at paniguradong naamoy niya rin ang panis na laway ko, shootingstar na anak naman oh!

Tumalikod na ako kaagad at nagtungo sa palikuran namin. Humarap ako sa maliit naming salamin at talagang gulo gulo ang buhok ko, may muta ako at higit sa lahat may panis na laway ako. Inamoy ko ang hininga ko medyo pabulok na pero pwede pa.

Naamoy niya kaya? Nandidiri na kaya saakin 'yun? Mas lalo kayang punanget ang tingin miya saakin? Teka lang nga Pintura Senarya. Bakit ba takot na takot ka sa reaksyon niya? Aba, ngayon ka lang naconsious sa itsura mo tuwing umaga! Ok self kalma, si Captain lang 'yan, wala kang pake sa itsura mo 'diba kasi wala ka rin namang pake sa lalaking'yun.

Napangiwi ako nang makita kong mukhang isang tabo nalang ang laman ng drum. Kung sabagay, apat silang naligo kaya laging nauubos ang tubig na iniigib tuwing gabi.

"Potakte! Wala palang tubig." kailangan kong pagtyagaabn 'to. Binuhat ko amg drum at binuhos ang natitirang tubig sa tabo at pagkatapos ay nagsimula na ako magsipilyo.

Medyo may mga stock kami ng toothpaste, sabon na mabango at panlaba, shampoo, nga pagkaing delata dahil nga binigyan ko nung isang linggo ng pera mula sa pagnakakaw ko si Ella para bumili ng mga kakailanganin dito sa bahay.

Nang tuluyan na akong matapos sa paghilamos, toothbrush at pagsuklay  ay kinuha ko na ang container para makapag igib naman ako. Bali, may dalawa kaming container 'yung lagayan ng gas dati tapos may isang malaking drum.

"Where are you going?" tanong ni Roks na ngayon ay may pinapakita siya kay Coco mula sa telepono niyang touchscreen.

"Obvious naman 'diba? Magiigib lang ako. D'yan ka lang." agad ko siyang iniwanan  at nagtungo sa labas.

KISS ME, CAPTAINWhere stories live. Discover now