Chapter Fifty-three

Start from the beginning
                                    

Nag-iwas ako ng tingin at ihinanda ang kan'yang paboritong kape.

"You coming with me today, girlfriend?" Pagbabasag niya sa katahimikan.

Nilingon ko siya at naglakad patungo sa mesa para mapagsaluhan na namin ang pagkain. "Anong meron?" Inilapag ko ang kape sa mesa at umupo sa tabi niya. Inayos ko na rin iyong plato niya at nilagyan na iyon ng sinangag na niluto ko rin kanina.

"You don't remember?" Aniya at humigop mula sa kan'yang tasa ng kape.

Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan sa araw ngayon.

"Corporate party. May mga darating na investors." He said.

Shit. Bakit ko nga ba nakalimutan na ngayon 'yon?" Yumuko ako at nakaramdam ng hilo. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa umiikot kong paningin.

"Hey... You ok, baby?" Agad akong dinaluhan ni Tyrone. Tumango ako at inabot iyong tubig. Mabilis akong uminom dito at binalik ko ang tingin ko sa kan'ya.

"Hindi yata kita masasamahan. Masama ang pakiramdam ko." Kinagat ko ang labi ko at agad na-guilty nang bumagsak ang balikat ni Tyrone.

"I'll have to stay here with you, then," bumalik siya sa kan'yang upuan.

Mabilis akong umiling. "No! Kailangan ka doon, Tyrone. Kaya ko naman dito. Pahinga lang ito."

Bumuntong hininga siya. I know he's torn between two decisions at alam kong gustong gusto niya rin akong samahan dito, pero malaking event ang naghihintay sa kan'ya ngayon. He can't risk that.

"You sure?" Nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti ako at tumango to give him an assurance. Pahinga lang ito. Masyado lang akong napagod sa mga iniisip ko sa mga nagdaang araw.

Pero n'ong umalis na si Tyrone at naging tahimik muli ang kan'yang unit ay hindi ko maiwasang  malungkot. Kahit anong lipat ko sa channel sa TV ay tumutulo pa rin ang luha ko. Kahit na si Spongebob na ang kasalukuyan kong pinapanuod ay ramdam na ramdam ko pa rin ang paninikip ng dibdib ko.

Nilingon ko ang phone kong tahimik din. Bumuntong hininga ako at nag-type ng text message.

To: Tyrone

Kumusta ka d'yan? Nagsimula na ba? Punta na lang ako.

Bumangon ako, naligo at nagsimulang mag-ayos ng aking sarili. Pinili ko iyong dress na kulay puti. Mabuti na lang at kahit papaano ay natuto akong magmake up dahil sa mga naging trabaho ko.

Inabot ko ang phone ko at nalungkot na walang reply si Tyrone. Mukhang busy na siya roon.

Nang makarating ako sa matayog na building ng mga Feledrico ay agad akong nagtaka nang makitang paalis na ang mga tao. Malulungkot ang kanilang mga mukha at ang iba ay nag-uusap usap pa. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso sa elevator paakyat ng floor ni Tyrone. Wala akong nakasabay pataas dahil lahat sila ay pababa na. Ramdam ko rin ang kakaibang tinginan nila sa akin habang nakakasalubong ko sila.

Tapos na ba iyong event? Alas tres pa lang naman ah.

Bumukas ang elevator sa isang floor at nakita ko ang dalawang babae. Ang isa ay pulang pula ang mukha dahil sa kakaiyak. May dala siyang box ng kan'yang mga gamit at ang isa pang babae ay pinapatahan siya.

"Bakit kailangan nila ako tanggalin sa tabaho? Maayos naman ang performance ko," Hagulhol niya sa kasama habang papasok ng elevator. "Anim na taon na ako dito. Syempre napamahal na ako dito. Tapos mahirap maghanap ng regular na trabaho ngayon lalo na't finire nila ako. Ano'ng ipapakain ko sa anak ko?"

Nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. Gan'yang gan'yan ang naramdaman ko noong tinanggal ako sa trabaho. Alam na alam ko ang hinagpis kapag wala ka nang ibang makakapitan pa.

IntoxicatedWhere stories live. Discover now