String 18: The Confession

Start from the beginning
                                    

"Busy?" aniya.

Nanliit ang mga mata nitong tila nahulaan ang iniisip niya. "Oo. At isa pa, talagang inaantok na ako."

"Inaantok ka dahil?" usisa niyang wala sa loob na inilapit ang mukha kay Charley at hinawakan ang baba nito. Noon lang niya napansin ang nangangapal na eyebags sa ilalim ng mga mata nito. "Ano 'yan? Bakit ang taba ng eyebags mo?"

Gamit ang dalawang kamay ay itinulak nito palayo ang mukha niya. Masyado 'ata siyang malapit. Pero. . . bakit parang namumula ang pisngi ni Charley?

"Charley? Ano 'yan? Bakit ang laki ng eyebags mo?" ulit niya.

Iniiwas nito ang tingin. "Hindi ako masyadong makatulog lately, okay. 'Wag kang pakialamero, sanggol! Hindi eyebags ang pinag-uusapan."

Nagkibit-balikat siya. Eh 'di 'wag pag-usapan ang eyebags kung ayaw nito.

"O, mag-confess ka na. Ano'ng sasabihin mo kay Nadine? Kunwari ako si Nadine," bored na sabi nito. Nakaismid habang nakatingin sa kanya.

Ngumiwi siya. Wala siyang maramdamang aura ni Nadine sa simangot nito. "Hindi snob si Nadine. Hindi siya umiismid."

Naningkit ang mga mata nito sa narinig.

"Hindi rin siya parang Kung Fu master na naniningkit ang mata kapag naiinis."

Umangat ang kilay ni Charley. Namumula na naman ang mukha. Sa asar siguro. Gusto niyang mangiti.

"Hindi rin nagtataas ng kilay si Na—"

Isinupalpal nito ang malaking unan sa mukha niya para putulin ang sinasabi niya. Itinaas naman niya ang kamay sa akto ng pagsuko.

"Ito! Ito sigurado ako na hindi rin ginagawa ni Nadine! Perfect 'yon eh! Ito ang ginagawa ni Charley!" sabi nitong lalong itinulak sa mukha niya ang unan.

Napatawa siya at sinimulang itulak palayo ang unan. Nang makakita nang pagkakataon ay isiningit niya. "Si Charley the Terrorist?"

Umangat ang isang sulok ng labi ni Charley at buong-puwersang itinulak ang unan kasama siya. Pikit-mata siyang nawalan ng balanse sa bigat nito. Una ang likod na nalaglag siya sa tagiliran ng kama kasama ang attacker niyang terorista. Pareho silang pigil na napasigaw. Umuntog nang kaunti ang ulo niya sa carpet bago niya naramdaman ang bigat ni Charley na nakadagan sa kanya.

"Sanggol? 'Oy, okay ka lang? May masakit?" tanong ni Charley na tinanggal ang unan na nakatakip sa mukha niya.

Iminulat niya ang isang mata para sulyapan ang babae. Nasa itaas pa rin niya ito, nakasaklang sa kanya, at nag-aalalang nakatingin. Kunot ang noo nito at hindi pa napapansin ang awkward na posisyon nila.

Mabigat si Charley. Masakit ang likod niya. Baka magkabukol siya bukas. Pero bakit napapangiti siya sa concern nito?

"I like you. . . so much," maamo ang ngiting sabi niya rito.

Pinanood niya nang matigilan si Charley hanggang sa biglang pagkalat ng pula sa pisngi nito. He liked what he saw. Nagba-blush din pala ang mga terorista.

Napalunok ang babae bago tumayo at bumalik sa kama. He heard him cleared her throat. "'Yon na 'yong confession mo kay Nadine?"

Tumayo na rin siya at dampot ang unan na naupo rin sa kama. Ano'ng isasagot niya? His words were unplanned. Para kay Nadine nga ba iyon o. . .

"Is it okay?" tanong na lang niya.

Tumango ito pero iniwasan siyang tingnan. "Oo. Cool na 'yon. But how can you do it like that? Alangan namang mag-wrestling pa kayo ni Nadine bago mo 'yon masabi."

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Where stories live. Discover now