String 18: The Confession

1.1K 96 58
                                    

***

"NADINE. . ."—lumunok si Harvey—"I want to grab this chance to tell you. . . to tell you. . ."

Disappointed siyang nagbuga ng hangin. Pinanlalamigan siya ng kamay. Isama na ang paa at singit niya. Napakamot siya sa ulo.

"Nadine. . ."—he cleared his throat—"I want to tell you. . . that I—I mean. . . I. . ."

Iginalaw-galaw ni Harvey ang leeg. Parang giraffe na pinahahaba iyon. Paano siya makapagsasalita nang tuloy-tuloy kung hindi maalis ang nakabara sa lalamunan niya?

"Nadi"—may lumipad na unan sa ulo niya—"Aray!"

Muntik siyang mauntog sa kaharap na computer kung saan nasa screen ang mukha ni Nadine. Matalas ang matang nilingon niya ang nagbato ng unan—si Charley na prenteng nakaupo sa kama niya.

"Bakit?" angal niya.

"Nakakatamad ka panoorin! Sirang plaka ka ba? Nadine ka nang Nadine, jeez!"

"Gabing-gabi na, Charley. 'Wag kang masyadong maingay!" sita niya at ibinato pabalik ang unan sa tagiliran nito.

Alas-onse na. Pangatlong gabi na iyon ng praktis nila sa confession niya para kay Nadine sa parating na Sabado. Pangatlong gabi pero hindi pa rin niya mabuo ang sasabihin.

"Kung ayaw mo akong mag-ingay, ayusin mo 'yang mga pinagsasasabi mo! Ang gulo mo eh. Ang simple-simple lang ng sasabihin mo, hindi mo maituloy-tuloy. Ano ba 'yan?"

Bata itong nakangiwi sa inis. Kunot na kunot ang noo at mapula ang mukha. Parang batong-bato na sa panonood sa kanya. Napangiti tuloy siya.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan, torpe?"

Nawala ang aliw niya rito. Cute na sana ito. Muntik na niyang makalimutan ang pagiging terorista.

"Hindi ako torpe. Mahirap lang mag-internalize na sa computer ako nakaharap," sangga niya.

"No'ng isang gabi, hindi ka makapag-internalize kahit idinikit natin sa salamin 'yong picture ni Nadine! Kagabi, hindi ka pa rin makapag-internalize no'ng nasa unan ang picture niya. Ikinabit natin sa mukha ni Penguin, hindi mo pa rin matapos ang speech mo. Picture pa lang 'yan, nauutal ka na. In short. . . torpe ka. Sayang lang ang date mo kung puro ka Na-na-na-na-nadine. . ."

Sinimangutan niya ang terorista. "Okay. Torpe nga siguro ako. Pero 'wag mo 'kong gawing abnormal! Hindi naman ako gano'n kautal!"

"Na-na-na-na-nad-nadine. . ." pang-aasar nito saka pumalatak.

Napakamot siya sa ulo. Hindi niya rin alam ang problema. Walang direksyon ang gusto niyang sabihin kay Nadine. Marami iyon. Pero nabablangko siya na kahit nag-prepare siya ng speech, ni hindi siya makausad mula sa greeting.

Nagbuntonghininga si Charley. "Okay, come here! Dito ka sa 'kin mag-confess at bakasakaling matapos 'yang speech mo."

May duda siyang tumingin dito. Kagabi nang yayain siya nitong mag-internalize ay muntik na siyang malunod sa gatas. Tuwing mabubulol kasi siya ay pinapalagok siya nito ng gatas mula sa rasyon. Nang maubos ang rasyon niya ay nagtimpla pa uli ito ng bago. Noong isang gabi naman ay nanakit ang katawan niya sa hampas nito ng unan. Kada maling banat niya ay hinahampas siya nito. Naiisip niya tuloy ngayon na baka may panibagong trip ang terorista.

"Wala akong gagawin, promise. Tapusin mo lang 'to dahil inaantok na 'ko. Maaga pa 'ko bukas," sabi nitong napapahikab habang umiisod ng upo sa kama.

Sumunod naman siya at nakasimangot na nag-indian sit sa kama paharap dito.

Pinipigilan niyang pumalatak. Sa loob lang ng tatlong araw ay na-conquer ni Charley ang university nila. Dinaig nito ang pagiging Mr. Popular niya sa bibo nitong magpakilala. Day 1 ay naka-bonding nito ang lahat ng kaklase niya. Day 2 ay kabiruan na nito ang mga dean at professors. Day 3 ay nakiki-jamming at nakikipraktis na ito sa club ng music, ballet, at swimming team.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Where stories live. Discover now