String 17: Operation Happy Thoughts

1K 83 49
                                    

***

PRRRRTTTT. . .

Isang matinis at malakas na pito ang nagpahinto sa flashback ni Harvey. Nasa basketball gym siya sa eskuwela dahil nagkataong tinamad uling pumasok ang kabuteng professor nila sa ikalawang subject para sa araw na ito. Ang flashback niya ay nasa tagpo kung saan ninanamnam niya ang yakap ng alien. Kasabay ng pito ng coach sa gym ay ang pito sa flashback niya.

Sabay na nagmulat sina Harvey at Charley sa tunog ng pito. Saka nila naramdaman ang malalamig at payat na kamay ni Lala na pinaghiwalay sila mula sa yakapan.

"Foul!" malaki ang mata na sita ni Lala habang papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. "And wat ish da meaning op dish?"

Nagkatinginan sila ni Charley. Mapula ang pisngi ng alien na parang hinalikan ng araw. Nang magtama ang mga mata nila ay parehas silang napaso at nagbawi ng tingin. Saka niya nakita ang pagngiti nito nang malaki kay Lala. 'Yong ngiti na parang natatawa na rin. 'Yong ngiting pang-toothpaste commercial. 'Yong ngiti na kung bibilhin niya araw-araw ay mamumulubi siya. 'Yong ngiti na gusto niyang bilhin araw-araw.

"Nagkakamali ka ng—"

Agad-agad lumapat ang hintuturo ni Lala sa nguso ni Charley. Mistula iyong stopper. "Doncha lie to me, gorl! I know wat you did last minute!" Nang ialis ni Lala ang daliri ay sa kanya naman ito bumaling. "And you, my Prince! I cannot bilib dish! I cannot bilib it!" Eksaherada itong umiling-iling. "You were an inosens, you know dat? You were an inosens! And you did dish? To me? Betraying, ha?"

Parehas sila ni Charley na nagpipigil tumawa. Artista kasi sa telenovela si Lala na with blocking sa pagkilos. Tumalikod pa ito habang naglilitanya.

Pagharap ni Lala ay mataas pa rin ang tono nito. "And you want me bilibing dat hug is no meaning? Wat do you thought is me? A pool?"

Nagkatinginan sila ni Charley at sabay na inilabas ang pinipigilang tawa.

Pagkatapos niyon ay inihatid niya si Charley sa pinto ng kuwarto nito at nag-good night. Masarap ang yakap niya kay Pong nang matulog. Buong gabing nakadikit sa kanya ang masarap na pakiramdam ng yakap at simpatya ni Charley. At masarap sanang magpayakap uli pero. . . Umiling-iling siya. Erase, erase! Puro siya Charley mula nang magising. Hanggang sa unang subject nila kung saan katabi niya si Nadine, ang alien ang naiisip niya. Erase. Hindi tama. Si Nadine ang dapat na. . . Umiling-iling uli siya. Hindi dapat nangyayari ang nangyayari ngayon na parang may competition sa pagitan nina Charley at Nadine sa isip niya. After all, si Nadine ang. . .

Si Nadine ang. . . Hindi niya madugtungan ang nasa isipan.

'I am getting weirder, too.'

Nag-ring ang cell phone niya mula sa bag na dala. Kinuha niya ang gadget sa bulsa ng backpack at sinagot ang tawag ni JM.

"Hey, bro? Nasa'n ka na?" tanong nito.

"Sa gym. Bakit, bro?"

"Gutom na 'ko, bro. Matagal ka pa ba diyan?"

"Ha? Lunch time na ba?"

"Kanina pa."

Napahawak siya sa batok. Gano'n ba katagal ang pagpa-flashback niya at ni hindi niya namalayan ang oras?

"Saka, bro, may kilala ka bang Charley?"

Kinutuban siya. "What?"

"May babae rito sa canteen. Maganda pero mukhang rakista. Tatlo kulay ng buhok, nakabonggang boots at kakuwentuhan si Nadine. Hintayin ka raw namin mag-lunch."

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]On viuen les histories. Descobreix ara