String 17: Operation Happy Thoughts

Start from the beginning
                                    

"What?!"

Wala sa loob na napatay niya ang cell phone. Sa lakad-takbo ay mabilis siyang nakarating sa kantina. Malayo-layo pa siya ay natanaw niya sa pang-animang mesa ang makulay na buhok ni Charley. Nakaupo ito patalikod sa panggagalingan niya.

Present sa mesa ang tatlong taong malalapit sa kanya—ang chinitong si JM na malapad na nakangiti, si Nadine na katabi ni JM at may alinlangan sa mukha nang mapatingin sa kanya, at si Charley na agad lumingon nang maramdaman ang presensiya niya.

Ang laki ng ngiti ng alien. Hindi nakahahalata sa pagkailang ng mga kadulog sa mesa. "Ang tagal mo, Harvey. Kanina pa 'ko gutom!"

***

"ANG ganda mo pala talaga, Nadine," sabi ni Charley.

Kumakain na dapat sila. Pero naaalarmang tumingin si Harvey sa katabi. Nabitin sa ere ang kutsara ng hinihigop niyang sinigang. Higit niya ang hininga sa paghihintay kung may idudugtong pa ang alien sa compliment. Dahil kung mayro'n, pahihigupin niya ito ng sabaw.

Sweet na ngumiti si Nadine sa narinig. Wala itong ideya sa pagkaterorista ni Charley at hindi na rin dapat pang magkaideya. "Thank you, Charley. You're pretty too," anito.

Bahagyang nakahinga si Harvey kahit pinagpapawisan. Dapat ay hindi na mag-interview pa si Charley. At dapat yata ay siya na ang magtanong kung bakit ito naroon. Pero hindi niya ito direktang mausisa, lalo pa at sa tabi nito ay namamahinga ang isang kulay pink na lunch box na may design ng mga fairy tale princesses.

"May boyfriend ka na?"

Inubo siya sa sabaw ng sinigang at bumaling kay Charley. "Hey. . ."

"Okay ka lang?" nakangiting usisa nito na hinagod pa ang likod niya. "Tinanong ko lang kung may boyfriend na si Nadine, masyado ka namang affected!"

Patuloy ang ubo niya. Hindi siya makasingit para humingi ng dispensa kay Nadine na nakatingin lang sa kanya. Nakangisi naman nang malapad si JM. Ni hindi man lang siya tulungang sawayin ang kasutilan ni Charley.

"So, Nadine. . . may boyfriend ka na?"

Pinilit niyang magsalita kahalo ang kaunting ubo. "Ano ka ba naman, Charley? You're making Nadine uncomfortable!"

Ngumiti lang ang alien bago tumitig kay Nadine. "Totoo? Am I making you uncomfortable?"

Umiling si Nadine. "No, it's okay." Bumaling ito sa kanya. "It's okay, Harry."

Ngumiti siya rito. "I'm sorry. Medyo makulit kasi tong al—friend ko."

Nagbalik ito ng ngiti. 'Yong ngiting tumutunaw sa puso niya at nagme-mesmerize sa kanya.

"So, kung okay lang naman palang magtanong. . . may boyfriend ka na ba?"

Masama ang ipinukol niyang tingin sa teroristang ayaw paawat. Of course ay walang boyfriend si Nadine. Kung mayroon ay nagkaroon na sana ng welga sa university nila.

"Nope. Wala pa."

Sumubo siya. Sana naman ay tama na ang sagot na iyon kay Charley.

"Eh 'di, puwede ka pang ligawan?"

This time ay nalaglag naman ang kutsarang hawak niya. Agad siyang tumungo at hinagilap sa paanan ang kutsara.

"Charley!" sita uli niya habang nasa ilalim ng mesa ang ulo.

Nagkindatan lang sina Charley at JM.

"I. . . I guess so. . ."

Tumatango-tango si Charley at JM nang bumalik siya sa maayos na pagkakaupo. Napansin niyang hindi na masyadong makasubo si Nadine. At siya man ay kinakabahan na sa susunod na itatanong ng alien.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Where stories live. Discover now