"Sama ka na kasi sakin!!" Ayan nanaman po sya.. Sumigaw nanaman sya.. Isang isa na Lang mananapak na ko!
"Ang kulit! Ayoko nga! " sigaw ko din.
"Sige na kei, please ..wala kasi akong kasama na mag-aaral dun, di kaba naaawa sa bff mo?" Nag teary-eyed Pa sya . Nilagay ko muna yung damit ko sa close set ko bago ko sya hinarap
"Bat ba kasi gusto mo mag-aral dun?" I said while stare at her

"Uhm..dahil gusto ko"

Oh wow! Ayus na sagot yan

"Yan Lang?yan lang yung dahilan mo?" Inis na tanong ko
"Oohm" tango tango nyang sagot.. Ang sarap, ang sarap pektusan ng babaeng to..
"Kung yan Lang ang dahilan mo? Bahala ka dyan?" Saad ko at lumabas na ko ng kwarto ko
"Huy! " dinig Kong sigaw ni kat habang hinahabol ako
"Umuwi ka na Lang" sambit ko habang tuloy tuloy parin sa paglalakad pababa ng hagdan
"TEKA LANG,HINTAY!!" Halos mabasag eardrums ko dahil sa sigaw nya.. dahilan kaya napahinto ako sa pagbaba ng hagdan hingal na hingal sya ng makarating sa mismong kinatatayuan ko

OA be, OA!!

"Ano?! Apaka ingay mo naman!" Asik ko sa kanya
"Ang bilis bilis mo kasi maglakad!" as usual nanigaw na naman sya
"Bat ka naninigaw?!" Mas nilakasan ko yung sigaw ko makaganti man Lang sa hinayupak na to!
"Aray namn! " tinakpan nya yung tenga nya dahil sa lakas ng sigaw ko. Timang kasi eh, ang ingay ingay nakakarindi na..

Tsk

Naglakad na Lang ulit ako at nagtungo sa kitchen. Naabutan ko dun si mama na nagluluto alangan namang naglalaba? Eh kusina yun..

"Hi ma" bati ko kay mama
"Hi tita....! " sigaw ni-alam nyo na kung sino, edi ni doorbell..

Arghh isang isa na Lang sasapakin ko na talaga to!

Pati si mama napa takip narin sa tenga nya, see.. Sabi sa inyo para kaming magkakalayo dahil lagi syang nakasigaw

"Ang taas naman ng energy mo kat" pagrereklamo ni mama habang hinahalo yung niluluto nya.
"Sorry po tita" sorry? maibabalik ba ng sorry mo yung nabasag Kong eardrums kingna ka!!
"Naku mama, dika Pa ba na sanay sa energy nyang babaeng yan.. To the highest level lagi"
"Hay.. Sabagay laging naka full volume" sambit ni mama dahilan ng pagtawa ko

Hahahaah buti na Lang alam ni mama

"Ouch!" Reklamo ko dahil ang siraulo Kong bff. binatukan ako, di Lang sya doorbell malakas din ang saltik!
"Saya ka? Kala mo natutuwa ako sayo? Di mo na nga ako sasamahan sa queeniry, tapos tatawanan mo Pa ko" naka pout nyang sambit
"At bakit ayaw mo namang samahan Yang si kat, anak?" Mama ask
"Undecided Pa daw po sya" sambit ni kat. Humarap sakin si mama na may hawak ng sandok. Agad Kong tinkapan yung tenga ko dahil di ko kakayanin yung susunod na mangyayari.
Read and see!

"At bakit undecided ka Pa? wag ka nang magaral mag lakwatsa ka na Lang tapos pagpaka tamabay gawin mong patapon Yang buhay mo gayahin mo yung ibang bata dyan na naging tambay na Lang tapos mag Pa buntis ka ng maga para bigyan mo ko ng kahihiyan lintek kang bata ka may nalalaman ka pang undecided di mo na Lang sabihin na ayaw mo talagang mag -aral Hindi ka na Lang mag aral kung saan may eskwelahan naku naku nang gigigil ako sayo......!!!" Pagrararap ni mama. Habang dinuduro sakin yung sandok na hawak nya, ang galing di ba? Rapper na chef Pa hahaha. Pinagalitan nya ko ng sobrang haba tapos sinabi nya Lang yun ng isang hingahan lang

War LoveWhere stories live. Discover now