Chapter 5

13 3 0
                                    

Authors NOTE:

Sorry kung maikli lang ang chapter 4. Sorry na. Enjoy reading!!




Date with a Stranger

Naglalakad lakad ako dito sa labas ng bahay habang naghihintay ng taxi nang may makasalubong akong bata na nagtitinda ng candy.

Lumapit ako sa kanya at bumili,

"Hello, anong pangalan mo?" Tanong ko sa batang babae.

"Ako po si Leila. Gusto nyo po bang bumili ng kendi at tubig?" tanong nya. Ang cutee:<

"Hi Leila. Pabili naman ng isang tubig at uhmm... Snowbear" nakangiting sabi ko.

"Sige po!"masayang sabi nya at inabutan ako ng bottled water at candy.

Nakangiti ko namang inabutan si Leila ng 1000.

"Uhh.. a-ate. Napaka laki naman po nito. Hindi ko po kayang suklian sapagkat sampung piso lang po ang kinita ko"malungkot na sabi nya.

Mas lalo akong napangiti.

"Kung ganon, sayo na iyan pati na din ang sukli."

"Hala ate! Maraming salamat po! Mapapagamot ko po ang aking kuya dito!"sabi nya at niyakap ako.

Napayakap naman ako ng wala sa oras.

Ng makaalis sya ay napangiti ako
dahil sa simpleng tulong na naibigay ko.

Nalilimutan ko ang sakit kapag may nakikita akong masaya sa naitulong ko.

Its like my remedy.

Naglakad nalang ako at nakakita ng taxi kaya sumakay na ko.

+×÷=

Ano kayang masarap kainin?


Kanina pa ko naglalakad lakad dito sa loob ng mall pero wala parin akong makitang masarap.

Napailing nalang ako at pumunta sa isang stall na walang masyadong customers.

"Hello, pwede malaman kung ano ang itinitinda nyo?"nakangiting tanong ko sa nagtitinda

"Hala Miss Kyla ikaw po pala yan! Uhm. . Hindi po masarap ang mga luto namin kaya pagpasensyahan nyo po kung hindi malasa"sabi nung isang babae na may name tag na 'Hailey'.

"Okay lang. Maghihintay ako doon"sabi ko at itinuro ang isang upuan na hindi masyadong malayo sa stall.

"Sige po"sabi nya at nagsimulang magluto.


Lumipas ang minuto ay isinerve sakin ang isang cake na may colors na peach, red and pink.

Itsura palang ay masarap na

May nakita naman akong note sa tabi ng platito niyon.

'Miss Kyla, isang napakalaking karangalan po ang kumain kayo sa hindi masyadong sikat na stall namin. Sana po magustuhan ninyo :)

-Hailey and Caren


Napangiti nalang ako at ibinulsa ang note.

Habang kumakain ako ay may umupo na lalaki sa harap ko.

"Hi miss"sabi nya

Letting You Go Was The Hardest PartWhere stories live. Discover now