Prologue

20 6 0
                                    

Mikyla Lumie Mercadejas' POV

"BESSSS!!!"napalingon ako sa may kanan ko nung marinig ko si Tracy na tumatakbo palapit sakin.

Si Tracy ang bestfriend ko noong isang buwan lang. Wala eh. Nag click agad kami nung nalaman namin ni pareho kaming kpop fan at otaku.

At sa isang buwan na yun hindi ko pa nakikilala ang crush nya at hindi nya parin nakikilala ang boyfriend ko ng isang taon. Si Jaycee or Jace for short.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Nakakataka naman talaga kasi ang pagsigaw nya ng malakas

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" bigla nalang syang tumawa ng malakas! Alam mo yung tawang kinikilig at na eexcite.

"Ikakasal na kami ni Crush!!!" biglang sabi nya kaya nanlaki din ang mata ko.

"Omo!!! Totoo?! Ikaw ah! Hindi mo pinakilala sakin yung crush mo tapos ikakasal na pala kayo" nanunuksong sabi ko sa kanya at tinusok tusok pa ang gilid ng katawan nya.

"Ano ba? Stop it, HAHAHAHAHA ikakasal na kami ni crush! Ikakasal na kami ni Crush!" para syang baliw sa pagkanta nya kaya natawa nalang ako.

Niyakap ko sya at tinignan sa mata.

"Im happy for you"naluluhang sabi ko.

"Hahahaha, Im happy for myself too. Basta walang magbabago kapag kinasal na ko ah! Tayo parin ang magbestfriend dalawa!" sabi nya at itinaas ang pinky finger nya. Itinaas ko din ang akin at pinagkabit namin ang mga iyon.

"I promise na hindi tayo magbabago hanggabg sa huli. Promise?"

"Promise"

+×÷=

Napahinga nalang ako ng mabigat at pinigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Umayos ako ng tayo at inayos ang necktie ng lalaking nasa harap ko.

Ikakasal na sya. Ikakasal na ang lalaking mahal ko.

Ikakasal na ang lalaking crush ng bestfriend ko at ako ang kanyang makeup artist

"Kyla. Kung ayaw mo kong ikasal sa iba sabihin mo lang at tatanggi ako"sabi ni Jace.

Napatingala ako sa kanya at nagsimulang tumulo ang luha ko ng makitang tumulo na din ang luha nya.

"Hindi ka pwedeng tumanggi at masasaktan si Tracy. Pinaghandaan nya ang gabing ito" naluluha at gumagaralgal ang boses na sabi ko.

"Pero paano ikaw?! Kyla, ikaw ang mahal ko! Paano kung ikaw ang masaktan?! Paano na ko?.." napatigil ako sa pagaayos ng neck tie nya nang sinabi nya ang huling linya ng sinabi nya.

Tinungo ko nalang ang ulo ko at ng matapos na sa paglalagay ang necktie nya ay tumalikod ako at iniayos ang bulaklak na isasabit sa coat nya.

Habang inaayos iyon ay nagsimulang magbagsakan ang mga luhang pinipigilan ko.

Kaya mo to, Kyla. Kakayanin mo to.

Mas lalo lang lumuha ang mga mata ko ng marinig ko syang kumanta.

"I don't care what they say,

Im inlove with you"malungkot pero maganda ang pagkakakanta nya niyon.

Lalo lang tumulo ang luha ko

Hinga ng malalim, Kyla.

Tumulo na din ang luha niya kaya kinuha ko agad ang foundation ko at pinunasan ng tissue ang luha nya at nilagyan na ulit ng foundation ang muka nya.

Pagkatapos ay tinignan ko sya at nginitian.

"Ikakasal ka na! Congrats.. sana tumagal k-kayo"pilit na ngiti kong sabi sa kanya.

Tumango naman sya kahit na nagbabadyang tumulo ang mga luha nya.

Tumalikod ako at iniayos ang mga makeup at inayusan ang sarili.

"Where is the groom? Jace iho magiistart na ang kasal. Halika na" nabigla ako ng may nagsalita at nakita ko naman si Tita Trixie na ang sama ng tingin sakin.

Napailing nalang ako at pumunta na sa simbahan at umupo dun sa dulo.

Pinagmamasdan ko ang mga abay na lumakad sa gitna hanggang sa si Tracy na yung naglalakad.

Naluha ako ng pinatugtog ang Canon sa piano at malungkot na tinignan ang mga ngiti ni Tracy kay Jace na ngumiti din pero halatang umiyak.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Ikaw yung bestfriend ni Tracy diba?"napatingin ako sa nagsalita at tumango.

Tumango nalang sya at nanood nalang ulit.

Ang gwapo gwapo ni Jace sa suot nyang suit.

At ang ganda ganda ni Tracy..

Napabuntong hininga ako hanggang sa dumating na yung oras kung saan sasagot na ng I do silang dalawa.

"Tracy Denisse Mendez, Do you take Jaycee Karl Vendoza as your lawfully wedded husband?"tanong nung pari kay Tracy.

"I do," naeexcite na sabi ni Tracy.

Nung si Jace na ang tatanungin ay agad akong tumayo na hindi naman masyadong nakaagaw pansin.

"Jaycee Karl Vendoza, Do you take Tracy Denisse Mendez as your lawfully wedded wife?"

Napatingin naman yung taong nagtanong sakin kanina ng may pagtataka.

"Sorry I can take this anymore" mahinang sabi ko ng biglang magsalita si Jace.

"Im sorry" napa gasp silang lahat na halatang hindi inaasahan ang isasagot ni Jace. Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na din sakin.

Iniling ko ang ulo ko then mouthed, 'continue your wedding, Jace. I love you' and then pasimpleng lumabas sa simbahan.

Pero bago ako makalabas ay narinig ko ang sunod na sinabi ni Jace.

"Im sorry but yes, I-i do" halatang nagaalangan pa syang sabihin ang I do pero nasabi na nya.

Nang makarating ako sa parking lot ay umiyak ako ng umiyak.

Ang sakit..


Ang sakit sakit..

Letting You Go Was The Hardest PartWhere stories live. Discover now