DALAWAMPU'T-ISA

Magsimula sa umpisa
                                    

Napakagwapo nito sa salamin nitong bilugan at maayus na pagkakahawi ng buhok.

Bagay ang outfit nilang dalawa. Meant to be.

Kinilig siya sa isiping iyon, pero hindi niya pinahalata.

"Sakto kasing nasa malapit lang ako ng tumawag ka, kaya 'ito." Nagkibit balikat ang binata.

"So let's go?." Kinuha ng binata ang kanyang maleta.

"Ako na Josky, I can naman." Muli niyang kinuha ang maleta, pero agad 'yung napigilan ng binata.

"No, let me."

"Ako na."

"Cilla."

"I can naman." Sa pag-aagawan nila sa maleta ay nagkakatinginan na ang mga body guards ng dalaga at ang ilang katulong.

Isang agawan pa nila ay nahawakan ng binata ang kanyang kamay, napatigil silang pareho ng maramdaman ang napakalakas na kuryenteng dumaloy sa kanilang katawan.

"K-kuya, ikaw na nga lang." Agad na tumango ang bodyguard at kinuha ang kanyang maleta, sabay silang napabuntong hininga at sumuko ng sabay.

"Now? Let's go?." Nang tumango siya ay agad siyang inakbayan ng kaibigan. The small electricity run through her veins, nakakainis naman ang binata. Mamamatay ata siya sa mga kuryenteng ibinibigay nito sa kanya.

Nang makalabas sa kanilang bahay ay napatingin siya sa deportiva na kulay itim na nakaparada sa kanilang parking lot.

"Want to experience something new?." The excitement ate her system.

"Is that yours?." Agad na tumango ang binata, sunod-sunod ang ngiting pinakawalan niya.

"Hell yeah! I want to try that!." Agad na inabot sa kanila ng bodyguard ng binata ang dalawang helmet. Sumakay na ito at sya naman ay inalalayan ng mga bodyguards.

Humanay ang mga katulong, at yumuko sa kanya.

"Mag-iingat kayo Young Lady." She genuinely smiled at them and nod.

"I will, kayo din. Pasasalubungan ko kayo." Agad na ngumiti ang mga katulong sa kanya at muling yumuko.

Josky started the engine, yumakap siya sa bewang nito. This is exciting!

"Hold tight, Cilla. We're gonna rock the road!." Sinunod niya ang kaibigan at sinabihan ang mga guards.

"Meet us in the port bye!." Hindi nga nagbibiro ang binata, napakabilis nitong magpatakbo. And it was hella exciting! She want to try it everyday, with Josky....

Ang hampas ng hangin ay ramdam na ramdam niya, she was so happy. Dahil naranasan niya ang ganitong bagay with this man who make her heart beat so fast.

Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango ng kaibigan, it was so sweet though bold.

Naramdaman niya ang paghawak ng kaibigan sa kanyang kamay, imbes na kabahan dahil inalis nito ang isang kamay sa manibela ay nakaramdam siya ng kilig.

Naalala niya noong nagbakasyon sila sa Palawan, bago siya mawalan ng malay.

'Hindi totoong gusto kong friend lang tayo Cilla.'

May iba bang nararamdaman sa kanya si Josky? Katulad niya?

Natigil siya sa pag iisip ng naramadaman niya na inangat nito ang kanyang kamay at ilapat iyon sa malambot at malamig na bagay.

She realize that Josky kissed her hand!

Nagwala ang kanyang puso, nagbigay 'yun ng senyales sa nga natutulog na paru-paro para maglikot.

The Billionaire's Daughter | I'm a Brilliantes (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon