Paulit-ulit akong nagkakamali, hindi ko maintindihan. May talento ako sa pagdo-drawing, pero sadyang wala ako sa mood ngayon.

Nang muling magkamali ay nilukot ko na naman ang papel saka itinapon sa kung saan. Inis na naman akong kumuha nang bago at nagsimula.

"Mr. Enrile!" bigla ay umalingawngaw ang boses ni Miss Agaser.

"Yes, miss?" nagugulat ko itong nilingon.

"May natatapos ka pa ba?"

"Miss?" nautal, kabado kong tugon.

Lumapit siya sa akin at itinuro ang sahig sa harapan ko. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung gaano karaming papel na ang naitapon ko.

"Tignan mo kung gaano karami na ang pupulutin mong kalat," itinuro ni miss iyon. "Isang oras na ang nakalilipas mula nung ibigay ko ang seatwork ninyo, mukhang hindi ka pa desidido sa drawing mo. Ano 'yan, layout?"

"Pupulutin ko naman po 'yan mamaya, miss."

"Pupulutin..." hindi siya naniniwala sa 'kin. "'Yang arte mong 'yan, pupulot ng basura? You're kidding me, Mr. Enrile!" sabi niya habang naglalakad palayo. "Thirty minutes left!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Miss naman?"

Muli niya akong hinarap, napailag ako. "Kanina ko pa iyan ibinigay, Mr. Enrile. Parang ikaw lang ang walang natatapos."

Nakanguso, kunot-noo kong sinilip ang ginagawa nina Lee at Tob, patapos na ang drawing nila.

"What's wrong with you, Deib Lohr?" si Lee. "Nasa'n na naman ba ang isip mo?"

Tch! Kasalanan talaga 'to ni Taguro! "Tinatamad akong mag-drawing," inis kong sabi. "I-drawing mo naman ako, oh?"

"Mr. Enrile!" umalingawngaw na naman ang boses ni miss.

"'Eto na nga po, miss," inis kong sabi. Bad trip!

Nang sandaling iyon ay sinisi ko ang pinagdaanang bangungot kagabi. Kahit kailan yata ay hindi ko 'yon malilimutan. Mukhang dadalhin ko hanggang sa pagtanda.

Kung bakit naman kasi naisip ko pa ang Taguro na 'yon? Pati tuloy panaginip ko, pinasok niya na! Bad trip!

~FLASHBACK~

"Deib! Deib! Si Kim!" nag-alala ako sa paraan ng pagtawag ni Tob.

"What happened to Kim?" gulat kong tanong.

"Nasa rooftop siya at may dalang baril! Magbabaril daw siya sa sarili—" hindi ko na siya pinatapos.

Tumakbo na agad ako. Pero nasa tapat pa lang ako ng building nang harangin naman ako ni Lee.

"Dre, 'wag kang aakyat do'n," nag-aalala, takot na banta niya.

"What, why? Are you crazy? Paano kung may masamang mangyari kay Kim?" sagot ko.

"What if sa 'yo may masamang mangyari? Kim is crazy, dre. Baliw na si Kim. Baliw siya! Baliw na ang pinsan ko, Deib! At ayaw kong madamay ka!"

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo dyan, Lee?!"

"Baliw na si Kim, Deib..." napapaluhod siyang umiyak. "Pinatay niya ang mga alaga nilang biik..."hindi makapaniwalang sabi niya. Gano'n na lang ang gulat ko. "Lahat 'yon ay pinatay niya at wala syang itinira maski isa!"

HE'S INTO HER Season 1Where stories live. Discover now