"You can call me I-don't-care," sarkastiko kong tugon saka nilampasan siya.

"I just want you to know that we're not done yet," pahabol ni Abby.

"Halika ka na nga rito, Abby. Don't talk to them,"dinig kong anyaya ng kasama nito.

"I'm just telling them that the water on the dispenser is for the primary students," ani Abby saka nakipagtawanan sa mga kasama.

"Napakayayabang naman ng mga iyon,"natatawang ani Naih, naaasar.

"Oh, bakit na naman?" alistong tugon ni Migz. "Sino na namang kaaway ninyo?"

Walang hingahang ikinuwento ni Naih ang nangyari sa canteen, gayang-gaya ang kaartehan ni Abby. "Wow, ah? Hindi ko alam na pati pala pag-inom ng tubig dito ay may pangmahirap at pangmayaman!"

Natawa ako sa paraan niya ng pagkukwento, walang hinto at galit na galit. Parang bungangerang napaaway sa kanto.

"Iyon 'yong pumatid sa 'kin kaya ko natapunan ng juice si Aimee," uubo-ubo kong kwento.

"Baliw rin pala siyang tulad ni Aimee," asik ni Naih.

"Anong itsura?" na-curious si Mgz.

"Maganda at nuknukan ng arte, syempre. Muntik nang umabot sa kalingkingan ko," umirap si Naih. "Sabi niya, siya raw ang leader ng cheering squad. Eh, bakit mukha siyang mascot? Psh."

"Si Abby?" sabay-sabay na anina Migz, Michiko at BJ.

Ngumiwi si Naih. "Sikat talaga 'yong mga feeling dito, 'no?"

"Kapatid ni Aimee 'yon," ani Michiko.

Gulat namin siyang nilingon ni Naih. "What?"sabay rin naming tanong.

"Baka kaya tayo inaasar no'n ngayon, Max dahil gusto nyang iganti ang kapatid niya?" ani Naih.

Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ang mga ganoong nilalang ang ookupa sa maliliit na bahagi ng isip ko.

"That's not possible. Kasi, hindi rin magkasundo sina Aimee at Abby. Baka nga kaya pinatid ni Abby si Max dahil alam niyang matatapunan si Aimee," ani Michiko.

"What? Ano ba yan? Ano bang klaseng ugali meron ang mga seniors dito? Ang mga kaaway ni Max, lahat seniors! Bakit ganon sila?" hindi makapaniwala si Naih.

"Ewan ko rin. Hindi ko alam."

Sa halip na makinig ay nahiga na lang ako sa mahaba at sementadong bench kung saan ako nakapwesto. Ginawa kong unan ang bag ko. Naglagay ako ng earphones at saka nagbasa ng libro.

Mas may mapapala pa 'ko rito.

DEIB'S POV

Mula paggising ko hanggang sa pagpasok ko dito sa school, pinagdadasal ko ng sana ay huwag kong makasalubong si taguro. I don't wanna see her. Pakiramam ko ay siya ang dahilan kung bakit nagalit sa 'kin si Kim. Gusto ko siyang sisihin.

Tch! Kahit mga kaibigan niya ayaw kong makita. Lahat ng may kinalaman kay Taguro ay ayoko.

Inis kong nilukot ang hawak kong bond paper at basta na lang iyong itinapon sa kung saan. Kumuha ulit ako nang bago at saka nag-drawing.

Narito kami ngayon sa Bio laboratory at kailangan naming i-drawing ang microscope.

Nakakainis!

HE'S INTO HER Season 1Where stories live. Discover now