Entry # 9: Of Nightmares and Dreams

232 13 22
                                    

A/N: Alam ko na kung bakit delayed ang UD neto.. tinanong ko si Jed na ikwento ang kanyang pamamaalam in full detail para malagay ko.. pero... anong petsa na.. at wala akong kwentong natanggap -___- nainip ako kaya eto nalang.. hahaha.. peace tayo bebe JED!!! hahaha.

Ahh.. nangyari po pala lahat ng nakasulat dito.. ung bangungot ko.. ung pumunta sila Jed kila Mia.. at totoo ung one-shot ni J.. basahin nyo!! hahahah X3

==================================

Pinapunta ako ng Tita ko sa boarding house nila dahil aalis daw sila at walang mag-o-oversee sa paupahan nila. Kaya kahit tinatamad ako dahil medyo malayo, nagmagandang-loob na rin akong nagtungo dun. Halos same lang kasi ng pamamalakad ang Tita at ang Dad ko since magkapatid sila at obviously, same ang line of business nila. Mas high-end lang talaga ang Second Heaven. Bahay lang kasi na na-convert into a boarding house type yung sa kanila.

Ang hindi ko alam, dalawa lang kaming matitira sa deserted house. As in, ako lang at ang house help nila na may sariling kwarto sa likod ng bahay. Wala pang internet connection. Yung kaisa-isang box-type TV ay nasa sala pa. Buti nalang dala ko ang laptop ko at inaliw ang sarili sa pagsusulat sa isang kwarto dun.

Magdamag akong nakatutok sa laptop hanggang sa maramdaman kong nangangati na ang aking mga mata… senyales na pagod na at kailangan nang matulog. Kaya naman pinatay ko na ang ilaw sa kwarto at humilata sa malaking kama. Mas masarap kasi ang tulog ko kapag madilim.

Himbing na himbing na ako sa aking pagkakatulog, nang maalimpungatan ako at napansin ko ang isang babaeng nakaputi at nakatalikod sa sulok ng kwarto. Mahaba at medyo maalon-alon ang buhok nya na kitang-kita against her long white dress. Nagsitindigan lahat ng buhok at balahibo ko sa katawan.

Holy shet. Wala naman akong third eye ah?? Bakit may nagpapakita sakin?!

Pinipilit kong tumayo para makatakbo at makahingi ng tulong. Pero ni bulong, walang lumalabas sa aking bibig. Hindi ako makagalaw at napakabigat ng katawan ko, parang may nakadagan sa akin. Nagdasal ako na sana magising na ako, ayoko na ng ganito. Ayoko sa mga multo at lalo na kapag mag-isa lang ako at hindi makagalaw!

Mas lalong nagsitindigan ang mga balahibo ko nang makita kong unti-unting humaharap sa akin ang babae. Kitang-kita ko ang maputlang mukha nya at may tumutulong dugong nagmamantsa sa expressionless nyang mukha.  Gusto kong maiyak nang nagsimula na syang humakbang papalapit sa akin…

Gisingin nyo ako!!! Tangna lang please?? Wake me up!!

Dun ko lang muling nagalaw ang mga daliri ko at bumalikwas ako mula sa aking pagkakahiga at dagliang binuksan ang lahat ng ilaw sa kwarto. Humihingal, pagal na pagal sa bangungot.

Simula nun, hindi na ako natutulog nang walang night light man lang. Hindi na rin ako bumalik sa bahay ng Tita ko.

Para makalimutan ang kakila-kilabot na alaalang iyon, nagpakasasa ako sa Wattpad. At ano pa nga ba, nilalapitan ako ng information eh,  hahaha.

Tuluyan ko nang nakalimutan ang takot ko nang mabasa ko ang Facebook status message ng Boneman Sons:

Today October 4, 2012, I'm officially courting Miaka Yuki(Mia/my Miqs).

May the gods be upon me. XD

~Jed

Kung pwede lang magsusumigaw sa kilig, aba ginawa ko na kaso mabubulabog ang buong sambayanan! Waaah!!! Waahhh!! Aatakihin ako sa puso sa balitang ito.. hahahah. To think na kagabi lang, humingi ng tulong sakin si Jed. Kyaaahahahaha!!! Kyaaaa!!!

A Watty Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon