Entry #6: Fate

318 16 34
                                    

A/N: Dedicated to JSedrano and Kuya Trez!! hahaha.. eto na! eto na! Ang haba neto.. hahahah

Sa mga readers, pagtapos nyong basahin tong chapter na toh, check nyo po yung 'Beauty in a Secret Place' sa works ng BonemanSons :D ahahaha

----------------------------------------------------------------------------------------------

Masyado akong nag-enjoy sa pagsulat ng story ko. In just less than two weeks, malapit ko na syang matapos. At natutuwa ako dahil maraming nakaka-relate. Isa sa mga masugid na tagatangkilik ng pinagsususulat ko ay si Rachel. Nakakatuwang bata, pinapahaba nya lagi ang buhok ko, hahahaha.

"Ako Ate, wala pa akong nakikitang para sakin," aniya, with a sad face.

"Naku 'teh, magdasal ka. Nag-work sakin ang Divine Intervention," payo ko naman sa kanya. Kasi ganun ang nangyari sa'min ni Karl. Pinagdasal ko sya. Kaya kahit nag-aaway kami o kaya dumadaan kami sa matinding pagsubok, hindi ako nakikipag-break sa kanya. Well, sumagi na sa isip ko yun lalo pag matindi ang problema, pero never ko ginawa. Kasi hiningi ko sya kay Lord tapos makikipagbreak lang din ako? Napaka-inggrata ko naman.

"Eh, Ate, ginawa ko na yun eh, kaso wala pa rin," katwiran nya.

Napa-poker face ako." Baka naman kasi hindi ka tumitingin sa paligid mo. Oo nga, nagdadasal ka naman pero wapakels ka naman sa mga tao sa paligid mo, edi wala rin. Di mo alam, nakilala mo na pala, di mo lang pinapansin. Siyempre sasabihin ni Lord, 'Ay, baka hindi pa ready si Rachel para sa gift ko. Next time na lang ulit.' O, diba?"

"Onga naman," nakangiti syang tumango-tango. "Kelan ka mag-update 'Teh?"

"Ahh, baka mamayang gabi, heheh." Nakakagana talagang magsulat pag may nagko­-comment sa bawat chapter. Alam mong may nagbabasa. Kahit isa lang, may nakaka-appreciate ng kwento mo. Sabi ko nga kay Rachel, kahit sya lang ang magbabasa, itutuloy ko pa rin. Naks.

Kaya ayan, balik sa pagsusulat na naman ako. Pero siguro pagkatapos kong mag-type ng isang chapter, magpapahinga muna ako. At ang past-time ko, ayun... bisitahin ang Message Board ng Three Musketeers, lels.

Sa pagkakataong ito, madaldal si Kuya Trezdon. Or let me say, dito sya nagsimulang dumaldal.

miAka_yuKi : @BonemanSons TO Kuya DON: oi ngayon ko lang napansin bakit nasama po ung mare ko @JSedrano sa status mo?? O.O

BonemanSons:  @miAka_yuKi    DON: Who? si Janine? hehe, nameet ko kasi siya kanina lang. :)

Huh? Si Janine? Wut? May wattpad din sya? Enebeyen. At wait, NA-MEET sya ni Kuya Trez? Weh? If anything, I'll call it 'destiny'. What are the odds na magkakakilala sila sa isang computer shop sa Alabang diba?

miAka_yuKi : @BonemanSons TO Kuya DON: uhm yeah siya!! maree ko un ung lage kong kausap sa cell (ung sabi niyong BF ko hindi naman.. >3< )

BonemanSons:  @hunnydew @miAka_yuKi     JED: teka lang, may nakita ako.. KUYA AT SINO YANG KINATAGPO MO AH! IKAW AH, SUMUSUNDOT KA DIN NG CHIX AH. HAHAHAHA

Sumundot? Wataterm naman! Hahahaha. Ano yun? Parang fishball lang?

BonemanSons:  @miAka_yuKi    DON: oh, i see. haha, ang gwapo kasi niya dun sa picture sa fb, ung pinakita...I didn’t know she's a girl. Ganda pala niya kaya pala gwapo kung lalake. :)) haha.

A Watty Kind of LoveWhere stories live. Discover now