"Kale?" tawag ko sa kanya. I waved my hand at him. He won't even blink.

Siguro nga, wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin.

"Fine! Just forget it!" sabi ko at tatayo na sana pero hinali niya ako ulit at hinalikan sa labi. My eyes widened from shock, pero unti-unti ko rin itong sinara.

He held my face gently, as I responded with his kisses. I felt the butterflies in my stomach emerging and my heart beating erratically. I didn't feel this when I had my first kiss before.

He broke free from the kiss and placed his forehead against mine. Hawak niya pa rin ang mukha ko habang matalim na nakatingin sa mga mata ko. Hindi naman ako makatingin pabalik ng dahil sa kaba.

Nilayo ko na ng konti ang sarili ko dahil pakiramdam ko'y aatakihin na ako dito. What the hell did just happen? Did I suddenly make out with him on my little brother's 1st birthday?

"What did you say?" he said with a smirk. "Paulit nga."

I rolled my eyes. Si gago, pinapaulit pa sa akin. Hindi na nga ako makahinga ng ayos dahil sa sinabi ko tapos papaulitin niya pa?

"Bakit ko gagawin 'yun?" sabi ko at ginala ang tingin sa garden.

He held my chin, forcing me to look at him. Tinanggal ko naman 'yung kamay niyang 'yun, dahilan para tumawa siya.

"Ang gulo mo, gusto mo naman pala ako." sabi niya na may ngisi. Mula nung sinabi ko sa kanya na gusto ko siya, ay hindi na mawala ang ngiti sa kanyang labi. He suddenly held my hand and kissed it.

"Excuse me?" sabi ko. "Maka-asta ka parang sinagot na kita ah, sabi ko lang I like you, not I love you, hindi pa kita mahal, okay?"

He stared at me before chuckling. Kung noon, balewala lang sa akin ang bawat galaw sa kanya, ngayon naman parang nagwawala ang sistema ko sa mga pinagagawa niya.

"Babe, doon din naman 'yun papunta." sabi niya, sabay hinawakan at pinaglaruan ang kamay ko. "I'll make sure you'll fall in love with me again, just like before."

Tumingin ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko. Sinusubukan kong hindi ngumiti, pero wala na. Bumigay na ako. Napangiti nalang ako bigla.

"Gusto mo pa rin ako?" mahinang tanong ko, kahit alam ko naman 'yung sagot.

He laughed. Grabe, pati pagtawa niya iba na rin ang epekto sa akin.

"Hindi lang gusto, mahal kita." sabi niya na nakatingin sa mga mata ko. "Did you really think I could get over you kung kasama na kita halos araw-araw? That just makes it so much harder for me. I had to conceal my feelings just so you wouldn't be uncomfortable with my presence."

Hinaplos niya ang mukha ko at ngumiti. "I'm deeply in love with you, Liliana. Wala nang iba."

Napangiti ako sa sinabi niya at ginala ang paningin sa paligid. Hindi ko alam kung bakit pero sa pagkasabi palang niya na 'yun ay natutuwa ako. Dati naman, madalas niya rin sabihin 'yan sa akin, pero para akong bato na walang maramdaman. Siguro, dahil iba ang gusto ko 'non. Ang gulo lang din talaga 'no?

Bigla ko na naman naalala 'yung nangyari sa kanila ni Hanako. Inalis ko ang hawak niya sa akin, making him confused. Ewan ko, pakiramdam ko paulit-ulit nalang na rerehistro 'yung image na 'yun sa utak ko.

"Talaga? Bakit ka nagpahalik sa iba? Tsk." I said, with crossed arms and one brow raised.

Kumunot naman bigla ang noo niya sa sinabi ko.

"Huh? What do you mean?"

Inirapan ko siya. "Si Hanako! Yung goodnight kiss niya sayo! Wala ka man lang ginawa, you just stood there!"

Rule #1: Rule of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon