Business Law & Obligations & Contracts
Top 1: Sulivan de Lopezes
Top 2: Princess Celline Zaman
Top 3: Luisa San Jose
Top 4: Yohan Carlamente
Top 5: Victor John Makasagi

Muli akong naptulala. I'm out of the top five again. How could this happen? How did this happen?

Top 6: Oliver Tan
Top 7: Xyrene Ursua
Top 8: Kylamae Ramos
Top 9: Diana Fabio
Top 10: Aphra Danine Pantorilla

Nahihirapan na akong huminga. Para akong sinasakal habang tiningnan ang pangalan kong konti na lang ay mawawala na sa screen. Napahawak ako sa ulo ko, hindi makapaniwala sa nangyayari.

The screen flashed again, revealing the top performing students in taxation.

Ang akala ko'y wala na akong ikagugulat pa ngunit nang makita ang resulta ng taxation ay halos mapaluhod ako sa sobrang panghihina.

N-no.. This can't be.

Income & Business Taxation
Top 1: Sulivan de Lopezes
Top 2: Victor John Makasagi
Top 3: Yohan Carlamente
Top 4: Oliver Tan
Top 5: Xyrene Ursua
Top 6: Francisco Velasco
Top 7: Luisa San Jose
Top 8: Van Paolo Hermoso
Top 9: Princess Celline Zaman
Top 10: Airah Grace Ferrer

Paanong.. paanong wala ako sa top ten? Paano..

Tumingin ako sa maliit na screen kung saan nakalagay ang iba pang rankings.

Top 11: Rica Mae Taluban
Top 12: Aphra Danine Pantorilla

Top twelve.. top twelve? H-how? why?

Ang huling ipinakita sa screen ay ang over-all ranking. Gusto ko nang umalis dahil ayaw ko nang makita pa ito pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Para itong nanigas at tuluyan nang dumikit sa semento.

Over-all Ranking
Top 1: Sulivan de Lopezes
Top 2: Victor John Makasagi
Top 3: Oliver Tan
Top 4: Princess Celline Zaman
Top 5: Yohan Carlamente
Top 6: Luisa San Jose
Top 7: Xyrene Ursua
Top 8: Airah Grace Ferrer
Top 9: Kylamae Ramos
Top 10: Aphra Danine Pantorilla

Pagkatapos kong makita ito ay mabilis akong umalis. Narinig ko ang reklamo ng mga nababangga ko pero wala na akong pakialam. I just need to stay away from this place. I just.. need to be alone. Pinigilan kong pumatak ang luhang gustong-gusto nang kumawala.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa likod ng accountancy building. Ito lang ang naisip kong lugar dahil siguradong marami ng umiiyak ngayon sa cr. Tanghaling tapat naman kaya walang magbabalak na pumunta rito.

Bahagya kong tinapik ang naninikip na dibdib. Pumunta ako sa madamong parte at doon na tuluyang napaluhod. Tuloy-tuloy na bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigil. Tumatama ang matinding sikat ng araw sa mukha ko pero wala akong pakialam. Gusto ko lang umiyak nang umiyak nang umiyak.

Kumawala ang hikbi sa bibig ko. Sa takot na marinig ito ng iba pang estudyante ay kinagat ko ang kamay ko.

Hindi ako makapaniwala. I already prepared myself for this. Heck! I even prepared for the worst. Sa kapalpakang ginawa ko noong exam, inisip ko na na baka tuluyan na nga akong matanggal sa top ten.

I should be thankful because I've made it to the top ten. I should be thankful, really, but all I felt is regret. Pagsisisi na hindi naman makakapagpabago sa mga nangyari. Hindi ko lang talaga matanggap. Sa buong buhay ko, pangalawa na ang pinakamababa kong nakuha. Pero ngayon, muntikan pa akong mahulog. Sumabit lang ako sa top ten.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now