CHAPTER 1:

532 39 2
                                    

JOSHUA P.O.V.

"Minsan darating kasa punto ng buhay mo na kung saan hihilingin mo na sana hindi mo na lang nalaman ang isang sikreto dahil mas mabuti ng paniwalaan ang kasinunggalingan kaysa sa katotohanan na mas masakit palang tanggapin." Yan ang palaging tanong sa aking isipan dahil seguro kung hindi nalaman ang sikreto ng aking mama ay seguro hanggang ngayon buo pa ang aking pamilya. Isa ako sa takot na baka isang araw pag gising mo hiwalay na ang magulang nyo pero tama nga ang katagang "Hindi lahat ng sikreto ay natatago habang buhay dahil minsan darating na lang ang araw na mabubunyag din ito." Pero bawat sikretong tinatago ay may malalim na dahilan kaya hindi nila masisisi ang isang tao kung gagawin nya ito o hindi.

Ako nga pala si Joshua Ignacio. 19 years old, Philippines. Charot! Aaminin kung bakla ako pero natatakot akong umamin na bakla ako dahil alam kung hindi nila ako matatanggap dahil nag iisa lang akong anak ng aking mga magulang. Maraming nag sasabi sa akin na mukha akong babae na napunta sa katawan ng lalaki dahil napaganda ko daw sabi nila pag naging tunay na babae ako. Naniniwala ako sa Fairy Tale na may nakatadhana sayong Prince Charming na makakasama mo habang buhay.

"JOSHUA! KANINA PA KITA INUUTUSANG MAG LUTO. LITSHE KA TALAGANG PALAMUNIN KA!?" Sigaw sa akin ng aking lola.

"Opo lola." Sagot ko naman.

"BILISAN MONG LITSE KA!" Kaya pumunta na ako sa kusina para simulang mag luto ng ulam namin pero pag karating ko walang kahit na anong pag kain na lulutuin.

"Lola nasaan po ang lulutuin ko." Sabi ko kay lola.

"AKO PA BA ANG MAG HAHANAP BAKIT HINDI IKAW!?" Sigaw nya nanaman sa akin kaya lumabas ako sa bahay namin at pumunta sa isang tindahan para mangutang.

"Aleng Rose pautang nga po ng itlog at tuyo." Sabi ko kay Aleng Rose.

"Hay Joshua! Bakit pinag titiisan mo ang lola mo para ka nyang ginagawang katulong sa bahay nya." Sabi ni Aleng Rose.

"Okay lang naman po sa akin Aleng Rose basta may matitirhan lang ako." Sabi ko naman pero sa loob loob ko gusto kuna talagang lumayas sa bahay ng lola ko dahil pagod na pagod na ako at napakasakit na ng mga salitang sinasabi nya sa akin.

"Ohh! Ito ang itlog at tuyo at dagdag na pera itago mo yan para may madudukot ka pag walang wala ka." Sabi naman ni Aleng Rose.

"Aleng Rose wala po akong pangbayad." Sabi ko naman sa kanya dahil binigyan nya ako ng 5k.

"Bigay kuna lang yan sayo at libre narin ang ulam na yan para wala kanang problemahin." Sabi nya sa akin.

"Salamat po talaga. Dyos napo ang bahalang mag bayad sa inyo kabutihan." Sabi kosa kanya at umalis na.

Pag karating kusa bahay ay niluto kuna ang itlog at tuyo.

"Lola! Kain napo tayo." Sabi ko sa kanya at pumasok na sya sa kusina namin.

"LITSENG ULAM NA YAN!" Sigaw ni Lola at sabay tapon ng ulam sa sahig. "KUNG GUSTO MONG KAININ PULUTIN MO!" Pag kasabi nya ay pumunta na kaagad sya sa kwarto nya.

Naiyak na lang ako sa ginagawa nang lola ko sa akin pero wala akong .agawa kung hindi pulutin ang ulam dahil kagabi pa ako hindi kumakain. Pag katapos kung kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko at umiyak ng umiyak.

Nagising ako ng Alas dose ng madaling araw dahil sa ingay na nang gagaling sa sala.

"Ma! Bakit hindi muna lang palayasin yang si Joshua." Sabi ng anak nyang lalaki nasi Tito Jhon.

"Saan naman yan tutuloy." Sabi naman ni Lola.

"Ma! Tandaan mo hindi naman anak ni Kuya yang batang yan." Pag kasabi ni tito non ay pumatak na ang mga luha sa aking mukha.

"Wag kang maingay baka marinig ka ni Joshua!" Sabi naman ni Lola.

"Bakit ka natatakot Mama kung totoo naman na ampon lang ang batang yan." Sabi nanaman ni Tito. "Bukas nang maaga ako ang kakaladkad sa batang yan para lumayas sa bahay natin ma!" Sabi ni tito at nag sara ng napakalakas ng pinto ng kwarto ni Tito.

Hindi na ako nakatulog ng maayos na napag pasyahan kung lumayas na lang sa bahay at pumunta sa lugar na malayo sa amin. Pero naisip kung wala akong pera gagamitin ng maisip ko ang binigay na pera ni Aleng Rose kaya gumayak na ako para lumayas na at umalis na sa bahay nila lola.

●Bus Station●

Pag karating kusa Bus Station ay isa na lang ang Bus na hindi pa umaalis at nakita ko ang lugar na RIZAL yun pero hindi ko alam kung saan yun kaya nag tanong ako sa kundoktor.

"Kuya ilang oras po ang byahe papunta dyan." Sabi ko naman kay kuya.

"Mga 13 hours ang byahe adeng." Sabi ni kuya.

"Hmm, Ganon po ba!?" Pag kasabi ko ay sumakay na ako sa Bus.

Makalipas ang ilang Oras ay dumating na kami sa Rizal.

"Sana maganda ang maging bagong buhay ko sa Lugar nato." Sabi ko sa sarili ko.

Nag tanong tanong ako kung saan pwedeng makahanap ng mauupahang bahay at buti na lang may nahanap ako. 1,000 ang bayad sa bahay kaya kinuha kuna agad dahil mura naman sya.

Pag kapasok kusa bahay ay maayus naman ito dahil kumpleto na dahil may kusina, CR, kama at aparador. Buti na lang at mabait ang may ari ng bahay binigay nyang kumpleto ang mga gamit sa bahay.

Kaya nilagay kuna ang gamit kusa Aparador at nag pahinga na.

Author Notes:
             Maraming salamat sa Lahat ng mag babasa at mag vovote sa story naito at isama narin natin ang mag cocoment. Sana magustuhan nyo guys. Thank you!

TILL THE END [M2M] [✔] BOOK 1Where stories live. Discover now