"May gusto ka kay Ethan noh?"

(O.o)

"A-ano?! H-hoy saan mo naman nakalap yang fake news na yan?!"

'Grabi siya...At bakit niya naman kaya naisip yun? Gosh kinakabahan ako!'

"Kay Darryl..."

"What the----!.Dun? Tsk at naniwala ka naman? Alam mo namang parati kaming nag-aaway diba kaya sinabi niya lang yun para siraan ako. Siraan ako sa maraming tao at lalong lalo na kay Ethan!..."
Inis na sigaw ko.

"Hahahah kung ganon edi sige...
Hindi mo naman kailangang sumigaw...."
Sabi niya habang sa daan lang tumitingin.

"E-eh ano ba kasing gagawin niyo dun sa bahay ni Ethan?"
Pag-iiba ko nalang sa usapan dahil baka kung saan pa mapunta ang usapang yun!
" At bakit naman kayo mag-papractice ng sayaw? Wala naman siguro kayong sasalihang contest hehehe!"

"Yeah wala...Pero kinausap kasi kami ni Dean sabi niya may intermission number daw kami---."

"Talaga?! OMG sobrang cool naman..."
Biglang sapaw ko.

"Hehehe pero kasi ang pinagpapraktisan naming sayaw ngayon ay para sa darating na Ms.University at hindi ngayong Ms.Campus...."

"Ayy, ganon ba?"

"Ang sabi pa kasi ni Dean ang lahat ng school na sasali ay dapat may ipepresent para sa break dahil para hindi daw mainip ang manonood habang nagbibihis pa ang mga Candidates..."

"Grabi bongga din talaga ang araw na yun noh? Sobrang daming event!
E-eh siya nga pala saan ba gaganapin yun? Sana sa school natin hehhehe..."

"Pero hindi eh, sa EIS daw dahil ang school nila ang may pinakamalaking auditorium sa lahat ng Universities dito sa Pinas."

Namamangha naman akong napapatango nalang sa pinagsasabi niya.

"Inggrande kasi ang event na yun,
Kaya ang EIS ang ginawang host dahil madaming schools ang pupunta at manonood.
Kailangan ng mas malaking space."

"Eh bakit hindi nalang sa Philippine Arena gaganapin yun kung gusto nila ng malaking space?"
Sarkastikong sabi ko.
"Tiyak don kasya ang lahat! Heheheh.."

"Oo nga noh? Bakit hindi mo sabihin sa coordinator ng event yun? Baka maaprove."
Sarkastikong sabi din niya.

"Ay hindi na nahihiya ako eh."

"Grabi marunog ka palang mahiya noh?"

( O_O)

"Joke lang syempre! Hahahahah...."

"Hahahaha alam ko naman!"

'Grabi ang sakit din ng joke na yun ah...Tagos sa puso'

Lumipas ang ilang minuto at nakarating nadin kami sa bahay ni Ethan!

(*o*)

"Wow dito na ba ang bahay ni Ethan? Ang laki ah!"

"Syempre anong akala mo sa pamilya ni Ethan cheap? Hahaha tara na at baka kanina pa tayo hinihintay ng mga yun..."
Sabi niya at nagtungo na pagpasok sa loob.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang mag-ikot ng paningin sa kabuoan ng bahay nila dahil sobrang laki at ang ganda naman talaga!! Ang linis ng buong paligid at pati sa loob ang kinis kinis din ng bawat gamit! Pati ang sahig kita ko ang reflection ko! Heheheh....

"Manang si Ethan po?"
Tanong ni Lesther sa isa sa mga kasambahay siguro dito.

"Nasa playground ho niya.
Pati narin yung mga kaibigan niyo andoon narin..."

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now