𝙼𝙾𝚁𝚃𝙴𝙼 𝚇𝙸𝙸

41 8 0
                                    

𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐦𝐞! ᕕ( ᐛ )ᕗ
𝐄𝐧𝐣𝐨𝐲 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠!

__________________❤︎__________________

Papasok na kami sa room ni Kenzo nang hinila ako nila Eli, napahinto at tumingin naman sa amin si Kenzo na may halong pag tataka.

"Sige na Kenzo, kakausapin lang namin tong frienny namin." Sabi ni Eli kay Kenzo, kaya tumango nalang ito at dumeretsyo na sa loob nang classroom.

Bigla naman sinundot ni Eli yung balakang ko kaya napatingin ako sa kanila.

"Ano ba?" Iritang tanong ko, ayoko kasing may nanunundot sa balakang ko. Hindi sa nakikiliti ako ah, nagugulat kasi ako.

"Kanina ka pa namin hinahanap ni Keona, yun naman pala kasama mo si fafa Kenzo." Malanding sabi ni Eli.

Inirapan ko naman si Eli at nag crossarm

"Nag chat kami sayo at tumatawag pero 'di ka naman nag rereply." Sabat naman ni Keona

"Busy nga kasi s'ya kay fafa Kenzo." Kilig na sabi ni Eli habang hinahampas si Keona.

Mayroon talaga kamo tayong kaibigan na pag kinikilig sila, nananakit.

"Alam n'yo? ang iissue n'yo" Sagot ko.

Iniwanan ko na sila doon at pumasok na sa loob nang classroom, sumunod naman sila Keona sa akin.

Naka upo na ako sa upuan ko nang lumapit sa akin si Shawn.

"Hinahanap ka namin nila Keona ah para sabay sabay tayo mag lunch, saan ka nag punta?" Tanong ni Shawn na naka tayo sa gilid ko. Wala pa yung subject teacher namin kaya medyo makalat pa yung mga classmate ko.

"Sorry, 'di ako nag paalam kumain na kasi ako sa labas eh." Sagot ko naman kay Shawn. Tumango naman siya at ngumiti.

Sumaklay naman si Eli sa braso ni Shawn. "Happy naman s'ya babe kaya hayaan na natin, malaki na s'ya may sarili na s'yang decisions sa life." Mapang asar na sabi ni Eli sa akin kaya hinila ko siya kay Shawn, pero ang gaga hindi bumitaw.

Feel na feel.

Tuko ka ghurl?

"Happy naman kasi talaga si Via, eh ikaw Eli? Happy ka rin ba?" Sarcastic na tanong ni Keona kay Eli.

Ngumiti naman si Eli kay Keona at hinigpitan ang kapit kay Shawn, at ang gaga sinandal pa ang ulo sa balikad si Shawn.

"Super happy sis Aw-" Napahawak naman sa buhok si Eli

Hinila kasi ni Keona yung buhok ni Eli kaya napabitaw siya sa pag kapit kay Shawn at napahawak sa buhok niya, tumawa naman nang malakas si Shawn dahil sa mga kabaliwan na ginagawa nang kaibigan ko.

Pailing naman akong natatawa sa pinag gagawa nila at aksidenteng napatingin sa pwesto ni Kenzo na nakatingin sa amin.

Muka siyang nagulat kasi napatingin ako sa kanya bigla, kaya ngumiti ako sa kanya, tumango lang siya bago isubsob yung muka sa table niya.

Sungit ah.

Dali daling nag sibalikan sa kanyang kanyang upuan yung mga classmate ko nung dumating na yung subject teacher namin, kaya inayos ko na yung sarili ko at tumayo para mag lead nang greetings.

𓂸𓂸𓂸𓂸𓂸𓂸

Naka upo ngayon kami sa sahig nang classroom at nag latag nang puting kartolina sa sahig, mayroon kasi kaming group activity sa Entrepreneurship na subject namin. Gagawa kami nang 'Maslow's Hierarchy of Needs', kung paano yung pag kakasunod niya at yung mga meaning niya. Bawat group iba iba ang activity kaya walang kopyahan or gayahan na mangyayari.

Mortem (Mobile App)Where stories live. Discover now