𝙼𝙾𝚁𝚃𝙴𝙼 𝚇

66 17 0
                                    

𝐇𝐢 𝐇𝐨𝐨𝐦𝐚𝐧𝐬!

𝐄𝐧𝐣𝐨𝐲 𝐑𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠!

♡´・ᴗ・'♡

__________________❤︎__________________

Huminto na ako sa pag lalakad nang napansin ko, nasa tapat na ako ng lugar na tinutukoy sa riddle na binigay sa akin. Nag unat unat muna ako habang naka ngisi.

"Let's go." Bulong ko sa sarili ko bago pumasok sa loob.

Ano nga bang lugar yung tinutukoy ng riddle?

'What building has the most stories?'

Ofcourse!

The answer is Library, basic baby.

Pag pasok ko sa loob ng library bigla naman ako sumimangot.

"Parang ang sarap i failed yung task ah." Reklamo ko habang nililibot ko yung buong paningin ko sa loob nang Library, sobrang laki at puro may matataas na bookshelfs ang makikita mo at kung susukatin ay mahigit 10 feets yun.

"Pano ko kaya mahahanap yung papel na yun?" bulong ko sa sarili ko at napakamot sa likod nang right ear ko.

Pumunta ako sa Information table para mag tanong, di ba nga, 'wag mahiyang mag tanong'.

"Excuse me po, ilang bookshelfs po ba ang meron po dito?" Magalang na tanong ko, tumingin naman sa akin si Mrs. Lee na mahigit 40 years old na at ang Librarian namin.

"40 bookshelfs iha" nakangiting sagot niya

What? 40 bookshelfs? Pano ko mahahanap yun?

Napa bumuntong hininga nalang ako.

Nag thank you ako kay Mrs.Santos at sinimulan ko na hanapin yung yellow paper na sinasabi sa task ko.

Sinimulan ko yung pag hahanap sa 1A bookshelfs na puro about Literature yung libro, ini-scan ko nang mabuti yung mata ko baka mamaya inipit lang sa isang libro yung hinahanap kong papel. Wala kasi akong idea kung anong klaseng yellow paper yung pinapahanap nang Mortem, baka mamaya yung yellow intermediate pad yung tinutukoy nun hmmm. Maloka na ako.

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang wala akong makitang yellow na paper, Binabawi ko na yung sinabi ko. Hindi sya Easy!

Pinag patuloy ko yung pag hahanap, talagang sinisikap kong hanapin yung papel na yun at inabot na ako nang ilang oras sa pag hahanap pero wala talaga akong nakitang yellow na paper.

Naka 10 bookshelf na ako sa pag hahanap, pero nganga pa rin, walang yellow paper akong nakita. Nararamdaman ko na yung pawis sa noo ko dahil sa pressure at irita. And actually pagod na ako.

Nandito na ako ngayon sa 11B bookshelf na puro Math books naman at ngayon ko lang din napansin na by 10 pala yung counting nang letter dito sa bookshelf, like 1A- 10A tas ang susunod na is 11B - 20B and so on. Wala lang, nabilib lang. I bilid!

Tamad kong naman ini-scan ang buong shelf dahil pagod na ako, malamig naman dito sa library pero pinag papawisan ako.

Matiyaga akong nag hahanap nang may isang bagay na napaagaw sa paningin ko, naka ipit sya sa isang libro nang Math, Algebra ata.

Wait

Yellow Paper yun at na may maliit na Mortem na nakalagay! Nandyan ka lang naman pala! Dali dali ko naman kinuha yung yellow paper. Isa syang art paper na naka tiklop by 3 at sa font naman niya ay may maliit na Mortem na nakalagay.

Mortem (Mobile App)Where stories live. Discover now