First: Quote & Advices

550 31 7
                                    

   "Wala mang forever pero ipaparamdam ko naman sayo na may happy ever after" -Linya ng mga taong manloloko.

    Wag kayong uto-uto kung ayaw nyong maloko. Kasi kapag naloko ka sa pagmamahal, mahirap ng mag-move on. Minsan nga may mga taong nagpapakamatay dahil hindi sila mahal ng minamahal nila, maswerte kayo kapag yung taong mahal mo, mahal ka rin. Andaming naloko ng mga pangako yan, mga pangakong palaging napapako. Sabi nga ng nanay ko, kung mahal mo yung tao, ipaglaban mo. Paano naman kung ipaglaban mo sya tapos ikaw yung nanalo pero hindi ka naman mahal ng taong iyong minamahal? Diba ang saklap!.Sayang din yung effort mo kung wala kang matatanggap na reward, kahit man lang kasing laki ng mota na pagmamahal nya. Ang sakit kaya nun. Pero bilib din naman ako sa mga taong nagsusumikap para mahalin sila ng kanilang mga minamahal, kasi kapag hindi mo sinubukan, hindi mo magagawa at makukuha ang gusto mong mangyari. Para din naman yan sa ikasasaya mo.

Kapag naka-move on ka na, ikaw ang pinaka-matatag na tao kapag nalagpasan mo yun. May mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag, mahirap ipadama kapag di totoo yung nararamdaman mo. Learn to let go, and find another guy/girl who will love you back until infinity.

~~~

VOTE&COMMENT ^___^

× ♥ Quotes & Advices ♥ ×Where stories live. Discover now