Chapter 4 🌾

611 17 2
                                    

'POLICE in Bohol province sought to ease fears about supposedly a spate of abductions of children for their internal organs that has fuelled paranoia among parents

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'POLICE in Bohol province sought to ease fears about supposedly a spate of abductions of children for their internal organs that has fuelled paranoia among parents...'

Nilamukos ko ang hawak na pahayagan. Pagkatapos kong mabasa ang ulat tungkol sa mga nawawalang bata at sinabayan pa ng panaginip ko kagabi, hindi na ako mapakali. The dream was about me. I was running for my life because I was chased by an old woman holding a jungle bolo. Kaya kaninang almusal ay wala akong ganang kumain kahit masarap pa ang amoy ng sinaing at mga napakasariwang gulay. Ngayon ay narito ako sa likod-bahay ni Mang Abel habang humihithit ng sigarilyo. Sa paligid ko ay mga malalago at sariwang gulay. Halos lahat ng matanaw ko ay taniman. Kapansin-pansin din ang mga bulaklak sa kapag umihip ang hangin ay langhap na langhap ang halimuyak.

"Pst!"

Natigilan ako. Iniligid ang mga mata upang alamin kung saan galing ang sumisitsit.

"Pst!" Muli kong narinig. Ngunit wala naman akong makitang ibang tao rito. Tumayo ang mga buhok sa batok ko. Malakas kong hinithit at binuga ang usok mula sa aking bibig. I need to get out of here.

Bago ako nakahakbang ay halos mapatalon ako dahil may humila sa laylayan ng aking t-shirt. Nahigit ko ang aking hininga sa nakita. Isang batang babae.

"Sino ka?" tanong niya. Marusing ito. May bahid ng putik ang mahabang buhok. Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. Sobrang kupas na ng suot niyang bestidang kulay itim. Nakayapak ang mga paa at punong-puno ng putik ang hanggang itaas ng kanyang binti.

Kumabog ang dibdib ko. Hindi kaya isa siya sa mga nawawalang bata?

"Ne, anong pangalan mo? Nasaan ang mga magulang mo?" May sampung taon na marahil ang edad niya.

Hahawakan ko sana ang braso niya ngunit mabilis siyang umilag. "Ayoko sa 'yo! Umalis ka rito!" sigaw niya.

"Sandali, Ne. Kilala mo ba si Mang Abel? Saan ka nakatira?" muli kong tanong.

Subalit unti-unti siyang umatras. Pailing-iling din ang kanyang ulo. "Umalis ka rito. Ayoko sa 'yo!" Tumakbong bigla bata. Sinundan ko siya ngunit nadulas ako sa putik na natapakan ko at agad na natumba. Pagbangon ko ay hindi ko na nakita ang batang babae. Naglaho siyang parang bula.

Hindi ko maipaliwanag ngunit may kakaibang takot akong naramdaman. Sanay akong nakikipag-usap sa iba't –ibang klase ng tao. Kaya kong makibagay kahit sa mga bata kapag kinakailangan sa trabaho ko. Ngunit ngayon ay tila natuliro ang utak ko. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula sa isusulat kong artikulo tungkol sa mga nawawalang bata.

Mar Mojica
Copyright 2020

Matabang Lupa (Short Story)Where stories live. Discover now