Pabalang ko siyang binitawan bago lumabas ng ring na parang wala lang. Nakaamba ang kamay ni Jotham na umapir pero inignora ko lang iyon at mabilis na lumapit sa may bench kung nasaan ang mga gamit ko. I clench my jaw nang makalapit sa gawi ko si Jotham.

“Sorry na, hindi ko alam na siya pala makakalaban mo ngayon!”

Knew it. Kahit kailan talaga.

“Tubig ko?” nagtitimping sambit ko.

Ramdam ko ang mabilis na reflexes niyang naglakad sa kabilang bench. Psh.

“Water?” pagsulpot ng isang lalaki sa harap ko habang nakalahad ang isang bottled water. Nagpupunas ito ng pawis sa leeg niya at sa kanyang braso na nakabalandra, marahan niya akong pinapasadahan ng tingin.

Bumuga akong hangin bago hablutin ang bottled water para ibuhos sa umaagos na dugo sa braso ko. Pansin ko sa peripheral vision ko ang pagtigil niya sa pagpunas, direkta itong nakatingin sa may bandang sugat ko.

“Arquita, tubig mo.” Pagsulpot ni Jotham. Nagtataka pa itong nakatingin sa gawi ni Lunare. Psh. “Bakit mo binigyan ng tubig si Aya?”

Napataas ang kaliwang kilay ko dahil do’n.

“Because she needs it,” sagot naman ni Lunare habang nakatingin pa rin sa sugat ko.

Psh. Ano bang meron sa sugat ko at nakatingin siya rito? May gold ba rito, o masyado bang maganda braso ko? Psh.

“Hindi naman kayo close. Hindi ko nirereto sa ’yo ’yan.”

I simply rolled my eyes. “Shut up, Jotham. Get the first aid kit bago pa kita mabalibag.”

Busangot naman siyang naglakad palabas ng room, nakasalubong pa niya si Cash kaya mabilis niya itong hinila palabas, psh.

Naupo ako sa may bench at napatingin sa loob ng squared circle, may dalawang lalaki do’n na naghahanda na maglaban. Napatingin pa sa akin ang isa sakanila, tinanguan ko lang nang ngumiti ito sa akin. Pansin ko sa peripheral vision ko ang pag-upo ni Lunare sa tabi ko.

“So you are--”

“What do you want?” pagputol ko sa sasabihin niya. Binalingan ko siyang tingin, seryoso ang hitsura nitong nakatingin sa akin. “Stop staring.”

Nag-iwas siyang tingin atsaka bumuga ng hangin, hindi nakaiwas sa akin ang munting pagngisi niya.

“Hindi mo ako hahamunin para lang sa wala. What do you need from me?” muling pagtanong ko.

“I’m looking for someone who are capable of fighting. Someone who’s capable in anything.”

Natawa akong bahagya. “I’m good at anything, Lunare,” I said playfully. Muli ko siyang binalingan ng tingin. His upper lip rose. “You just found someone who exceeded your expectations,” mayabang kong saad.

Napapailing naman siya, pero hindi nakaiwas sa akin ang pag-ngisi niya.

“Jotham told me that you’re fighting for injustice and corruption too. Why?”

Napayukom ang kamao ko. Everytime naririnig ko ang mga kataga na ’yon, there’s still inside me na nadudurog.

It’s been 4 years since that incident. Tumuntong akong tamang edad, I gathered evidences and traces about the incident, pero wala talaga. I’m disappointed at myself, hindi ko man lang magawang ipakulong ang mga taong walang awang pumatay sa mga magulang ko. As I dreamt those scene every night that sent me away to had therapy, while the real criminals walked free, living the life.

Moonlight TouchWhere stories live. Discover now