Chapter 7

56 12 0
                                    

Ava's POV

Iminulat ko ang aking mata at sobrang labo ng aking paningin kaya ginusot gusot ko ang aking mata at tsaka ipinahinga ng saglit.

Wala akong maalalang sunod na nagyari sa akin bago ako sapian. Hindi ko alam kung ano ang mga kagimbal gimbal na pangyayari.

Nang maramdaman kong medyo maayos ayos na aking pakiramdam ay muli kong binuksan ang aking mga mata pero nakakagulat ang bumungad sa akin. Sobrang daming mga krus sa loob ng aking kwarto, may maliliit at medyo malalaking krus ang nakadikit sa bawat sulok ng silid.

Nanayo ang aking mga balahibo dahil dito siguro malakas ang demonyong sumapi sa akin kaya nagdikit sila ng katabi daming krus.

Habang iginagala ko ang aking paningin nang igalaw ko na ang aking ulo ay nakaramdam ako ng kirot banda sa aking leeg kaya bigla akong  napahawak sa aking leeg.

"Bakit parang ang bigat ng aking katawan na para bang may sakit ako na kada ikikilos ko ang aking ulo ay siyang kirot naman ng aking leeg" kunot noo kong sabi.

Sobrang na curious ako sa mga nangyayari at gusto kong malaman kung bakit dahil hindi ko pa ito nararanasan. Sa ibang napapanood ko ang mga sinasapian ay nag sasalita lang ng ibang lenggwahe at mga walang kabuluhang sinasabi at gusto nilang pagharian ang mundo.

Hindi ko muna pinilit na tumayo dahil ramdam ko ang bigat ng aking katawan na para bang may nakadagan sa akin halos hindi ko rin maigalaw ang aking ulo.

Nanlalaki na ang mata ko sa takot dahil dito hindi ko talaga maigalaw ang aking katawan kahit bumuka man ang bibig hindi ko rin magawa.

"Ava masyado ka pang bata at napakasariwa pa ng iyong balat, mukhang mapapaaga ang pagdalo mo sa impyerno hahahahaha!!"

Nagulat ako ng biglang may nagsalita hindi ko ito nakikita at siguro ay siya ang dahilan ng hindi ko pag galaw at ang kamay niya ay nakatakip sa aking bibig.

"Napakaganda mong dalaga at sa pagkakaalam ko kasama na namin ang iyong mga magulang hahahahaha!!. Pero sa ngayon pag pipiyestahan muna namin ang iyong katawan" 

Humihigpit ang bawat pagkapit nito sa aking buong katawan. Hindi ko alam kung isa lang ba siya o marami sila. Natatakot ako ng sobra sapagkat kahit na sobrang daminang nakapalibot saking krus ay hindi ito tatablan.

Tang inang tong demonyong to pag eto sinuntok ko sa mukha eh.

Halos magbiro na lang ako sa aking isip para mawala ang takot sa demonyong nakapatong sa akin.

Dati naman hindi ako takot sa demonyo at sa kung anong mga bagay pero nung maencounter ko ang ganitong pangyayari nawala lahat ng lakas ng loob ko.

May bumubulong sa akin at hindi ko masyadong maintindihan ang kaniyang sinasabi.

"Puede tener tu alma" 

Paulit ulit niya itong sinasabi habang nararamdaman ko ang hangin sa kaniyang bibig habang binabanggit ang mga salaitang ito.

Halos maburyong na ako sa aking naririnig at padami na sila ng padami at paiba iba ng mga sinasabi.

"Vas a morir ava!"

"Tu alma será llevada al infierno"

Spanish ang kanilang salita at hindi ko maintindihan kung ano ang kanilang mensahe para sa akin.

Siguro ay isinusumpa nila ang aking buhay at maging isang alagad ng hari ng mga demonyo pero malay ko ba kung iyon ang kanilang sinasabi.

Halos namamawis na ako at sobrang init, feeling ko wala akong katawan dahil hindi ko ito maramdaman.

"Ava?! ayos ka na ba?! may dala akong pagkain para sa iyo!"

Rinig ko ang pag tawag nito sa akin at ang mga yabag ng paa nito na tinatahak ang daan papunta sa akin.

Sinubukan ko ulit na kumilos at labanan ito pero nabigo ako. Sobrang nag papanic na ako, hindi narin mapakali ang aking mga mata at ang aking paghinga ay mas bumibilis pa.

Gusto kong kumawala para salubungin ng yakap ang aking lola pero bigo akong magawa ito.

"Ava?! gising kana ba?!"

Natataranta na ako dahil ayokong makita ako ng lola ko na nasa sitwasyon akong ganito dahil ayokong makita siyang sobrang nag aalala sa akin. Bumibilis na ang pagtibok ng aking puso para na itong nangangarerang kabayo sa bilis.

Rinig ko na ang mga yabag ng paa nito na malapit na sakin.

"I will open up your mouth" sabi ng demonyong nakapatong sa akin.

Kita kong dahan dahang bumubuka ang aking bibig at sobra na akong natatakot dahil baka ito na ang aking katapusan.

Pabuka na ng pabuka ang aking bibig hindi ko na alam ang aking gagawin.

Papalapit na si lola at nararamdaman kong nananakit na ang aking panga dahil sa pag buka at feeling ko ilang saglit pa ay mapupunit na ang bibig ko.

Nilingon ko ang pintuan at nakayukong pumasok si lola. Biglang gumaan ang aking pakiramdam na kanina ay sobrang bigat na para bang may nakadagan sa aking dalawang bag na punong puno ng bakal at sobrang bigat nito kung tutuusin.

Tinignan ko kung may nakapatong pa sa aking demonyo.

"Oh gising kana pala apo, halika ka humigop ka muna ng mainit na sabaw at---"

Nagulat ito ng yakapin ko ito agad at kamuntikan pang tumapon ang dala dala nitong pagkain.

"B-bakit may nangyari ba ulit? tatawagan ko ulit si Father Melino!" sabi ni lola na medyo kinakabahan.

"Wala po lola wala po, salamat lola i love you so much!!" malambing na sabi ko.

Bihira ko lang itong magawa kahit nung nabubuhay pa si mama at papa hindi ko nagawa sa kanila ang ganto.

"Hay nako kang bata ka! akala ko naman kung ano nang nangyari sayo. Pinakakaba mo ako" kunot noong sabi ng aking lola.

The best talaga ang aking lola pagdating sa pag aalaga. Nung nawala sina mama at papa para mag trabaho sa ibang bansa si lola ang aking nakasama kaya napaka swerte ko na may ganito akong lola na mabait at sobrang maalaga.

Nagaalala parin ako sa mga susunod na mangyayari ayoko ng madamay pa sila dito iniisip ko na lumayo nalang at mag punta sa hindi mataong lugar pero inaalala ko parin ang aking mga kapatid dahil sino nalang ang mag aalaga sa kanila kapag nawala na ako at sino narin ang magiging tagapagtanggol nila kapag may mga nang aapi sa kanila. Ayoko namang masira ang mga pangakong binitawan ko sa kanila kaya lalabanan ko ito palalakasin ko ang pananampalataya ko sa Diyos at haharapin ko ito ng buong tapang at lakas.

Sana hindi nalang ako nabuhay dahil papahirapan din pala ako ng ganito at kasalanan ko din naman na naging curious ako sa isang bagay na hindi ko naman pag mamay ari.

††††††††††

Nag iba ang kulay ng mata nito at habang nakayakap ito sa kaniyang lola ay napakalapad ng ngiti nito sa kaniyang labi.

Tumawa ito ng tumawa at humihigpit na ang kaniyang pagkakayakap sa kaniyang lola makikitang nahihirapan na ito sa pag galaw.

Pinilit pumiglas ng kaniyang lola pero wala itong nagawa dahil sa higpit ng pagkakayakap nito.

Lumalakas ang bawat tawa nito at dahan dahang iniaangat sa ere ang kaniyang lola.

Napasigaw na lamang ang kaniyang lola sa sakit pero 'di kalaunan ay binitawan din siya nito at parehas silang sumalpak sa lapag.

Dali dali namang tumayo ang kaniyang lola upang tawagin ang dalawang pari upang dasalan ulit ang walang malay na katawan ni Ava Emilia.






Possession Of Ava Emilia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon