Chapter 2

113 19 25
                                    


WARNING: R18 READ AT YOUR OWN RISK THANK YOU ENJOY READING.

----------------------------

"Ava anak gising na!"

"Ava gising na"

May kung sinong tumatawag sa akin at napakalambing ng boses nito at ang isa naman ay panlalaki ang boses.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil sa aking nakikita.

"M-mama? p-papa?" nauutal na sabi ko.

Nakangiti lang ito sa akin habang hawak hawak ang aking kamay.
"Halika nak sumama kana samin" nakangiting sabi ni mama.

"Oo nak para habang buhay na tayong mag kakasama" sagot naman ni papa.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang aking dalawang kapatid na naglalaro sa aking loob ng kwarto. Napangiti naman ako ng dahil don pero nagtataka ako dahil patay na sila at ang mga kapatid ko ay buhay pa.

Tinitigan ko sila ng matagal at habang tumatagal ay napaka creepy na nang kanilang mga ngiti at dahan dahang nasusunog ang kanilang katawan.

Ginalaw-galaw ko ang aking mga kamay pero para bang mga bakal ang kanilang mga kamay dahil hindi ko ito maialis.

"Tulong! tulong!" sigaw ko.

Nang makita ko ang kanilang mga mata ay nagiging itim na ito at ang king paligid ay tinutupok na ng apoy.

"Pakawalan niyo ako!!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa kanilang pagkakahawak.

Pero nakangiti lang ito sa akin at hindi ako binibitawan nakikita ko na nasusunog na ang aking binti kaya at napapatili na ako sa sakit.

"Tang ina nyong mga demonyo kayo!! arrrghhhh!!" sigaw ko habang nakalapit ang muka sa kanila.

Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at nag dasal ng mataimtim. Nang matapos ang aking pagdadasal ay bigla na lamang akong nagising at para nakong naligo dahil tagaktak ang aking pawis at hinahabol ang paghinga.

"Buti na lamang ay panaginip lang iyon" hingal na hingal na sabi ko.

Kaya tumayo na ako at hinawakan ang rosaryo at taimtim na nagdasal para sa akin, sa mga kapatid ko pati narin kay mama at papa.

I wish na nandito pa sila na buo pa kaming pamilya. Sobrang hirap dahil wala sila sa tabi mo hindi mo manlang naipakita sa kanila ang mga napaghirapan mo. Kapag may nakikita ka sa daan at sama sama silang nag bobonding naiinggit ako kaya iniiwas ko nalang ang aking mga mata.

Ang unfair ng mundo dahil maaga silang kinuha ng itaas but still may little angels naman akong kasama dito sa ibabab kaya kahit wala na sila may nagpapasaya at bumuo palagi ng araw ko.

Sobrang creepy ng pangyayaring iyon na para bang pinag lalaruan ako ng mga demonyo.

Nag vibrate yung phone ko at pagkatingin ko ay tumatawag si Mika na agad ko namang sinagot.

"Besh! kita kits mamaya huh" sabi ni Mika.

Nagulat ako dahil sa taas ng energy nito na tinalo pa ata ang nakainom ng enervon.

"Oo sige masyado ka namang excited" sabi ko habang ginugusot ang aking mata.

"O siya sige na besh mamaya ah! byeee!" sabi ni mika.

"Babye" malamyang pagpapaalam ko.

Pagkababa ng call ay tumayo na ako at nag banat banat ng buto.

Possession Of Ava Emilia [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon