Chapter 6

69 10 0
                                    

Lola Rebecca's Pov

Habang ako ay naghahanda ng makakain ay may kung ano ako naririnig sa kwarto sa itaas kaya  isinintabi ko muna ang aking ginagawa at minabuting akyatin muna ito sa kwarto.

"Hay... Ano nanaman kayang nangyayari don"

Mga hakbang ko ay medyo mabagal dahil sa lakas ng pag tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang bubungad sa akin, hindi ko din alam kung ano ang nangyayari.

Mga tanong sa aking isipan na nakapag patayo ng aking mga balahibo.

Nang hahawakan ko na ang doorknob ng pintuan ay marinig akong malakas na sigaw. Itinapat ko ang aking sa pintuan at hindi ko maintindihan ang kaniyang sinsabi.

"Los mataré a todos!! Los mataré a todos!!" Sigaw nito.

"Este cuerpo es mio!!"

Hindi ko maintindihan kung ano ang kaniyang nais iparating. Naglakas loob na akong buksan ang pintuan ng dahan dahan kahit pa may naririnig ako galing sa kaniya na nakakatakot talagang pakinggan.

Sinasapian na ito ng kung sino mang demonyo dahil sa kaniyang boses at pananalita pero natatakot ako na baka anong gawin sa akin.

Nag lakas loob na akong buksan ang pinto at dahan dahan kong iniangat ang aking ulo habang pangiwi na ng pangiwi ang aking ekspresyon dahil sa dami ng dugong nakakalat ngayon sa sahig at ang kaniyang katawan ay nakalutang.

Makikitang parang kinakayod na buko ang kaniyang hita at hindi ko na ito masikmura kaya nagkandarasuka na ako.

Halos maiyak ako dahil sa sitwasyon ng aking apo na si Ava. Lumabas na muna ako ng kwarto at iniwan panandalian si Ava para matawagan ko si Father Melino.

Pagkalabas ko ay agad kong sinarado ang pintuan, kaya inilabas ko na aking cellphone at agad na tinawagan si Father Melino.

"Hays salamat sa Diyos, Father kailangan mong mag punta agad dito dahil ang aking apo ay sinasapian ng kung sinong demonyo at nandito po siya sa loob ng kwarto"

Sobra akong kinakabahan at nanginginig din ang aking mga kamay pati narin ang aking pananalita ay nginig nadin sa takot.

"Kumalma ka muna, darating ako sa oras pero wag ka munang papasok sa loob ng kwarto dahil baka kung anong mangyari sa iyo" sabi nito sa akin.

"Maraming salamat po, aasahan ko po ang inyong pagdating" sagot ko habang ikinakalma ang aking sarili.

Pagkapatay ko ng tawag ay huminga ako ng malalim at dahan dahang pinawawala ang tensyon sa aking sarili.

Nag sign of the cross ako at nag dasal nang mataimtim. Hinihiling na matapos na ng maaga ang lahat ng mga nangyayari sa aking apo.

Hindi na ako mapakali pabalik ballik ang lakad ko sa aking pwesto halos nanginginig nadin ako dahil sa takot at walang ibang inisip kundi ang aking apo na si Ava.

Ngayon ko lang napagtanto na walang sinasanto ang mga demonyong ito kahit pa ang matatalim na salita ng Diyos ay parang bang hindi uubra pero sa lakas ng pananalig sa kaitaasan ay siguradong burado ang mga demonyong ito.

††††††††††

May kumatok na sa pintuan at dali dali na akong bumaba para pagbuksan ito ng pintuan.

Sa sobrang pagmamadali kong bumaba ay kamuntikan pa akong madulas.

"Ay jusko! katangahan!" sabi ko sa aking sarili.

Nang marating ko na ang pintuan ay agad ko itong binuksan at binati ko muna ito.

"Magandang hapon po Father Melino at Father Ambin" pagbati ko sa kanilang dalawa.

Possession Of Ava Emilia [Completed]Where stories live. Discover now