Prologue

11 8 1
                                        

Jham Zell PoV
"Ano ba naman to Zell? Pang apat na eskwelahan na itong napasukan mo? Bakit hindi ka manlang tumatagal ng isang linggo? Pasaway ka na bata ka! Ano bang pinagagawa mo sa eskwelahan at palaging nalang sinasabing ng mayorda na puro pasa ka pag-uwi?" Tanong ng aking ina. Hays! Ito na naman kami. Diyan na naman sa lintik na pag-aaral na iyan.

Totoo yon, Pang apat na pasok ko na ito sa ibat ibang espwelahan sa loob lamang ng isang buwan. Sadyang hindi lang ako type ng mga estudyante doon at ganon din ako, hindi ko din aila gusto.

"Mom, sila ang problema. Kasalanan ko ba na idepensa lamang ang sarili ko?" Sabi ko sa aking ina na ngayon ay nakaupo na sa sofa at pinapakalma ng sarili.

Oo, basagulera ako. Alam ko na iyon pero hindi naman ako nakikipag-away ng walang dahilan. Wag lang nila akong galawin kung mainit ang ulo ko, baka masapak ko sila isa-isa.

"So anong gagawin natin para magtino yang anak mo Lloyd?" Tanong ng ina ko sa mahinahong paraan na ngayon. Napatingin ako sa ama ko na nakaupo din sa sofa at sumisimsim ng kape.

"Naka-usap ko na ang tito mo. Doon ka sa eskwelahang siya ang namamahala, karamihan sa mga guro na andoon ay kamag-anak natin. Wala na yang kawala doon." Napabagsak ang ulo ko sa sofa. Pakiramdam ko ay hindi na kakayanin ng katawan ko dahil sa sakit ng likuran at ibat ibang parte ng katawan ko.

Bagong galing palang ako sa school---i mean sa gyera nanumbat kaagad ang mga leon. Hindi ko naman kasi inexpect na andito tong mga to.

"Mas mabuti na iyon. Nak. Magtino ka na, please? Ano bang dapat naming gawin. Lahat naman ginawa namin-." Naputol ang sasabihin niya ng tumayo ako. Wala na akong pakialam kung nagiging bastos ako sa harapan nilang dalawa. Hindi lang talaga kakayanin ng mga tenga ko kung ganon ang maririnig ko mula sa kanila.

Lahat ba talaga ginawa nila?
Nagtanong pa sila kung ano ang kulang. Mahirap ba talaga akong bigyan ng oras? Kahit konti? Mga kasalanan ko nalang ba ang palaging nakikita? Yung tipong umuuwi talaga sila kapag may bago na naman akong nagawang pagkakamali? Pero sa tuwing luhaan at nasasaktan ako ay hindi ko makita ni anino nila?

Malakas kung sinara ang pintuan saka nagtungo sa banyo. Hinubad ko lahat ng kasuotan ko saka lumusong sa mainit-init na tubig. Ramdam ko ang ibat-ibang kirot sa buong katawan ko habang nakababad ang katawan ko doon.
Lintik na Stacey yun, lakas ng trip. Sarap kalbuhin eh no?

(FLASHBACK)

"Tang*na lumayo ka nga. Bwiset!" Sabi ko saka lumayo kay Rico na ngayon ay sunod ng sunod sa akin. Kanina pa to eh! Punong puno na ako sa lintik na lalaking to. Kahit mag cut ako ng classes ay nandiyan parin siya sa labas ng classroom namin, kulang nalang sundan niya ako hanggang sa loob.

"Gusto nga kita." Sabi niya habang nakasunod parin. Mas binilisan ko ang lakad hanggang sa makapunta sa labas ng canteen.

"Bwiset ka! Nakikita mo tong bag ko, kahit walang laman to ihahambalos ko to sayo hanggang sa masira yang lintik na bungo mo!" Sigaw ko habang nakaturo sa bag. Wala akong paki-alam kung nakatingin ang mga tao sa kapaligiran namin.

Luh kawawa naman si Papa Rico.

Ako nalang sana.

Bakit kaya ganyan si Jham?

Kung ako sa kanya ay sasagutin ko na si Papa Rico.

Hindi siya worth sa paghahabol ni Rico.

Yan lang ang mga naririnig ko mula sa loob canteen. Kadiri naman talaga kasi. Kapag hindi to tumigil matutuloy ko talaga ang sinasabi ko.

Hala si Stacey.

Change Of HeartStories to obsess over. Discover now