"Come on Fidez, wag mong tingnan ng ganyan si Sera" suway sa kanya ni Kenzo. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking palapulsuhan.

Sandali akong sumulyap kay Fidez. Kita ko pa din ang kanyang pagdisgusto sa akin. Tangina neto para namang gusto ko din siya. Nirerespeto ko siya kahit papaano dahil bestfriend siya ng boyfriend ko.

"Nalate ka dahil sa kanya" akusa ni Fidez. Marahang umiling si Kenzo sa kanya. "Nakatulog kami, hindi ko namalayan ang oras..." pagod na paliwanag ni Kenzo sa kaibigan ngunit tumawa si Fidez ng pagak.

Nalipat ang tingin ko sa kararating lamang na si Andrew. Hindi katulad ng dati ay seryoso din siyang nakatingin sa akin na para bang may mali sa akin. "Sino sa tingin mo ang maniniwala sayo Kenzo. Tingnan mo nga yang itsura ng girlfriend mo, parang kagagaling niyo lang sa sex" laban pa ni Fidez at parang diring diri pa siya sa pagkakasabi niya nuon.

Napatingin ako sa aking sarili. Duon ko lang naalala ang lukot kong palda na hindi na naplantsa dahil sa pagmamadali namin. Bayolente akong napalunok at tsaka marahang inayos ang aking buhok. Hinawi ko iyon sa isang side para hindi masyadong sabog, nakalimutan ko ding magsuklay.

Sumulyap ako kay Kenzo pero sa iba siya nakatingin. Lumipat ang tingin ko kay Fidez nakita ko ang matalim niyang tingin sa aking leeg. Nagtaka ako. Nang hindi na siya nakapagpigil ay kaagad siyang lumapit sa akin para makita iyon. Muli siyang natawa ng pagak. "Nagiwan ka pa ng marka sa batang ito. Really Kenzo?" mapanuyang tanong niya dito kaya naman kaagad akong napahawak sa aking leeg na itinuro niya.

Sandali lamang iyong tiningnan ni Kenzo bago niya muling binalingan ang kaibigan. "Normal lang iyon, magkarelasyon kami" sagot niya kay Fidez kaya naman napanganga siya.

"Ayoko ng pagawayan natin ito. Walang kasalanan si Sera kung bakit ako na late. Tapos na, babawi ako sa susunod na exam" pinal na sabi niya kay Fidez bago ako hinila ni Kenzo paalis duon.

Matapos ang pangyayaring iyon ay mas naintindihan ko na si Kenzo. Kahit minsan ay hindi kami nagkikita sa isang araw o kaya naman ay hindi siya nakakapagtext ay naiintindihan ko na lalo pag may mga exam sila.

"Congrats Sera, ang taas ng exam mo. Ikaw ang sumunod kay Valerie sa mataas" tuwang tuwa pang sabi sa akin ni Abby kaya naman tipid ko siyang nginitian.

Palabas na kami ng room dahil kakatapos lang naming magquiz. Inayos ko ang pagkakatupi ng aking test paper, ipapakita ko iyon kay Kenzo. Sigurado akong matutuwa siya dahil siya ang inspirasyon ko kung bakit na ako nagaaral ng mabuti ngayon.

"Congrats Sera. But hanggang diyan ka lang. You can never go over me...makakalapit ka pero hindi mo ako mauungusan" mataray na sabi sa akin ni Valerie. Sa kanyang likuran ay ang kanyang mga kaibigan na minamaliit din ako sa pamamagitan ng tingin nila sa akin.

Nginisian ko siya. "Hindi naman ako nakikipagkumpitensya sayo Valerie. Sasak mo sa baga mo yang highest score mo" nakangising sabi ko pa sa kanya kaya naman napapadyak nanaman siya sa kanyang kinatatayuan. Malas lang niya dahil hindi niya ako kayang saktan dahil sa iniingatan niyang pangalan ay deans list.

Inaya ko na lamang si Abby na umalis kaagad duon. Panay ang reklamo niya tungkol sa ugali ni Valerie. Hindi ko naman siya pinansin dahil wala naman talaga akong pakialam kay Valerie. Mula sa may dulo ng hallway ay nakita ko si Kenzo. May kausap itong tatlong lalaking kasing tangkad lamang din niya. Nakatalikod ang mga ito sa akin kaya naman ganuon na lamang ang gulat ko ng makita kong halos magkakamukha na sila.

"Girlfriend ko si Sera" pakilala niya sa akin duon sa mga kamukha niya. Napangisi si Kenzo ng makita ang aking naging reaksyon.

Quadruplets pala ang mga hayop. Halos magulantang talaga ako dahil duon. Iba din ang dating ng kanyang mga kapatid na sina Tadeo, Cairo at Piero. Matapos akong ipakilala ay umalis din kami kaagad. "Ok lang ba sa kaibigan mo?" tanong niya sa akin dahil humiwalay nanaman si Abby sa akin.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now