Prologue

105 3 1
                                        

Tahimik akong nagpapahangin sa may dalampasigan, the waves always makes me feel at peace. Kahit gaano pa kabigat ang problema ko, makita ko lang ang dagat parang tinatangay na nito lahat ng sakit at pagod.


"Ben.."


Lumingon ako sa paligid , ako lang mag isa. Pero hindi ako nakaramdam ng kalungkutan, hindi ako nakaramdam ng pagiisa.


"Bennett.."


Mas gugustuhin ko na lang din ang buhay na ganito kaysa sa magulong mundo sa syudad, dito malaya akong nakakapag isip at dito makita ko lang ang sumisikat at lumulubog na araw sa repleksyon ng dagat masaya na 'ko.


"Bennett Johnson!"


Napalingon ako sa kapatid kong niyuyugyog ang balikat ko, tumingin ako sa paligid. Nasa sala ako ng bahay habang nanonood ng balita. Wala ako sa tabing dagat, hindi ako nagpapahangin sa may dalampasigan.


"Ano na Ben, kanina ka pa tinatawag ni Mommy kakain na raw tayo, nakatulala ka nanaman diyan sa tv." Nauna na si kuya papunta sa lamesa habang ako ay natulala lang ulit. Akala ko totoo na 'yun, natulala lang pala ako sa tv. Sobrang gusto ko na ata mag swimming sa init ng panahon, napakamot nalang ako sa ulo at sumunod kay kuya


"Oh, kain na kanina pa kita tinatawag akala ko tulog ka na bukas ang mata" pang aasar ni Mommy


"Mamsh naman, pero pogi ko pa rin 'di ba" nag pogi sign pa ako pero hindi man lang ako pinansin ng pamilya ko. Tsk tsk, hindi talaga nila kinakaya ang kaguwapuhan ko. Habang kumakain kami hindi ko mapigilang maisip yung panaginip ko kanina, oh kung ano man 'yun, mukhng totoo e. Inalis ko nalang sa isip ko 'yun at nagpatuloy kumain.


Wala lang naman siguro 'yun....

________________________________
   💛

Hidden Gem of Quirvania (COMPLETED)Stories to obsess over. Discover now