Chapter 1

102 22 15
                                    

Rose

“Today is your time to shine. Show them what you got, okay?” Saad ng punong maestro na siyang nagtuturo sa amin kung paano tumugtog.

“Yes señora!” Sabay-sabay naming sigaw ng mga kasama kong pianista.

Kiniskis ko ang magkabilaang kamay ko dahil sa panlalamig nito. Di dapat ako pwedeng kabahan. Di ako pwedeng mag-kamali. Nakasalalay sa debut ko as a pianist ang maging donasyon ng Pianist World Organization.

“Oh? Lucy? Kinakabahan ka ba at baka masapawan ko ang performance mo?” Napalingon ako nang marinig kong kinakausap ako ni Sophie.

Isa sa taong hate na hate ako at di ko alam kung bakit.

“Namumutla ka na oh?” Aniya at tumawa. May nakakatawa ba doon? Di ko alam kung may mental disorder ito o sadyang papansin lang.

“Maputi lang ako. Ikaw nga e nangingitim na.” Saad ko pa. Bwesit na to. Kabado na nga ako, gaganyanin pa niya ako. Isang maling key ko lang, malilintikan na ako.

“By the way, I will be your page turner so, goodluck!” Aniya at iniwan akong nakatulala. What? Akala ko si Lorraine ang magiging page turner ko since siya naman always.

Di malinis mag laro si Sophie. Siguradong may binabalak ito, kelangan kong maging handa.

“Uy!” Napalundag ako nang may biglang humawak sa balikat ko. “Shit naman, Marc. Wag mo naman akong gulatin.” Reklamo ko pa. Si Marc ay ang kababata ko. Para na kaming mag kapatid dahil sa closeness namin.

“I came here to give you this...” bigay niya sa bouquet of roses. Tinanggap ko naman ito saka inamoy “...at may gustong makita ka.” Aniya saka iniharap ang cellphone niya.

“Lucy!” Sigaw ni Alisha mula sa kabilang linya. Nakasuot pa ito ng kanyang ballet attire, di ko alam tawag doon e. Basta yung pang ballet na damit. Halatang kakatapos lang niyang magpractice base sa kanyang itsura.

“Ali! Sayang, di ka makakapunta.” saad ko pa sa kunyareng malungkot na tono. “Baliw. Sinong nagsabing di ako makakapunta? I'm coming!” Aniya kaya nanlaki naman ang mata ko.

She was my bestfriend. Siya ang kauna-unahang nakilala ko nang pumasok ako dito sa South Eden Academy. Well, nasa kabilang building lang naman siya. Ang school kasi na ito ay para sa may talent at gustong matuto na may kinalaman sa music and dance.

I am a pianist, and Alisha is a ballerina. Si Marc? Di siya dito nag-aaral. Basta, sa isang prestigious school since ang daddy niya ang CEO ng AND Network, isa sikat na station sa telebisyon at maging radyo.

Sa katunayan, ang event na ito ay ipapalabas sa kanilang station kaya kinakailangan kong maging maingat.

Nagpaalam na ako kina Alisha at Marc nung pinaghanda na kami ni Señora.

Unang lumabas si Sophie, tahimik ang mga manonood ang naka dim ang lights. Ang napili niyang piyesa ay ang  Kiss in the Rain na obra ni Yiruma.

Nagsimula na siyang tumugtog at kita sa kanyang expression na tila ba siya nalulungkot at nasasaktan.

Nakakadala. Nakakahanga. Sa bawat pag play niya ng mga nota, ay may tamang lakas at hina. Masyadong malinis.

Di naman ito competition ngunit bakit parang kinakabahan ako? Si Sophie ay pinsan ko kaya di ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa akin.

Nang matapos na ang kanyang pagtugtog ay maraming nagsigawan at nagsipalakpakan. Kumaway si Sophie sa kanila at nag vow. Matapos ito ay pumunta na siya sa gilid ng grand piano.

Ako na ang susunod, at siya ang page turner ko.

Kinakabahan ako.

“And for the main event of the night, let's welcome, Ms. Lucy Lei Chan.  And her page turner, Ms. Sophie Cyy Chan.” Pag papakilala pa sa amin.

Missing Key (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon