Nasa tabi kong matuwid na naglalakad si Sora na may ngiti sa labi. Paminsan minsa'y tumatango siya sa mga estudyanteng bumabati sakanya. Siguro ganito talaga kapag isa kang prinsesa, there will be so many people to admire you. Not that I'm interested on that.

"Pasensya ka na kay Lucien kanina, ganoon talaga iyon kapag may maganda sa paningin niya. You know, elves are fast fascinated by beautiful things." paliwanag niya habang nakatingin sa harap.

Beautiful things, huh? Aaminin kong maganda ang pamana ng mga magulang ko at marami talagang humahanga sa mukha ko pero ibang-iba naman yung kagandahan ng mga tao dito. Mas mahigit at nangingibabaw at nakakairita iyong isipan. Parang hindi tama..

"Elves lived in forests and they are very good at fightning and archery. Madalas, sila yung mga pinapadala sa mga malalayong misyon. They are very good tracers considering, they can speak to animals. Other than that, elves are very breathtaking creatures." paliwanag pa niya.

"There they are!" biglang sigaw ni niya at kinaladkad ako.

Tiningnan ko naman yung direksyong tinutukoy niya at doon ko nakita ang grupo. Nasa unahang bahagi sila ng hall at yung lamesa nila ay ang pinakamalapit sa lamesa ng mga professors at instructors.

Nahawig rin ng mata ko si Headmaster Sullivan na nasa sentrong nakaupo sa hapagkainan ng mga profs. Bahagyang napatigil ito sa pag-uusap nang makita ako.

Tumango siya ng isang beses sakin at nagpatuloy ng kumausap sa mga proffesor. Umiwas nalang ako ng tingin at binalik ang atensyon ko sa grupo.

Nang makarating kami sa harap ng grupo ay napatingin silang lahat samin. Kumpleto silang anim ngayon. Si Dalia ay agad na kumuway sakin at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. Agad naman akong lumapit at umupo sa tabi niya.

"You're welcome, sister." sabi ni Sora kay Selera. Tango lang ang nagawa sa kanya ni Selera habang nagbabasa ito ng libro.

Tinanguan muna ako ni Sora bago siya tuluyang umalis.

Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa grupong nakapalibot sakin. Si Selera na tahimik lang at seryosong nagbabasa ng libro. Si Arawn na bored na tinignan ang pagkain niya. Si Enoch at Dalia na nag-uusap. Si Vaia na pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok niya at si Laurent na nakayuko sa lamesa at nakatiklop ang mga kamay na parang may malalim na iniisip.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan ko. Tinitigan ko ang pagkain sa harap.

Paano ako kakain sa harap ng mga nilalang na ito? Para akong batang hinihintay utusan kung ano ang  gagawin. Lalo't na't nasa harapan ko ang tila mga butuin.

"Saan ba pupunta si kuya Lucien, ate Vaia?" tanong ni Enoch na nasa isang tabi ko.

"Why?" tanong pabalik ni Vaia na nakataas ang isang kilay.

Enoch just shrugged, "Gusto ko lang malaman."

Tumalim naman bigla ang tingin ni Vaia, "Bata ka pa, Enoch. You shouldn't be wondering about missions yet!" umirap siya. "Especially, my brother's!"

Napatingin ako kay Vaia sa bigla niyang pagsigaw, ganoon din ang iba maliban kay Laurent.

"It's just a question, Victoria." mariing sabi ni Selera habang nakatitig sa kanya, "There's no need to shout."

Napabaling ang tingin ni Vaia kay Selera.

"What did you just called me?" madiing tanong ni Vaia, "You dared to call me by that name!"

Hindi sumagot si Selera at nanatiling nakatingin lang kay Vaia.

Nagkatinginan silang dalawa ng matagal na para bang naiintindihan nila yung titig ng bawat isa. Ilang sandali pa ay tumayo bigla si Vaia at tinapuan ng masamang tingin si Selera.

"You witch!" sigaw niya at galit na hinampas ang kamay sa lamesa at nagmadaling umalis. Pero bago siya tuluyang umalis ay biglang siyang lumingon sakin at binigyan ako ng masamang tingin.

Kumunot noo ko dahil sa pag-aasal niya. Napabaling naman ang tingin ko kay Enoch ng bigla siyang tumawa ng malakas, nakangiti rin si Arawn habang nakatingin kay Selera. Tumatawa tawa rin si Dalia at si Laurent naman ay nakakunot noo lang na nakatingin kay Selera.

"Fairies.." natatawang sambit ni Enoch, "Nice one, ate." sabi niya kay Selera.

Ngumisi lang si Selera at bumaling sakin. Nalilito ko naman siyang tinignan dahil wala akong maintindihan sa mga inaasal nila.

"What's going on?" mahinang bulong ko kay Dalia na natatawa parin.

Ngumiti siya sakin. "Telepathy. We can talk inside our heads if we let each others to.." bahagya siyang tumawa ng mahina, "..and it seems like, mabilis nainis si ate Vaia kapag ang iniisip ay ikaw at si—aw!"

Napatigil si Dalia nang pinalo siya ni Enoch sa kamay.

"Ingay mo." bulong niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Telepathy?" nalilitong tanong habang nakatingin kay Dalia.

"It's a skill that every student and teacher in this school can do.. as long as you'll study how to master it. We usually use telepathy to communicate with each other through our thoughts and it really comes in handy in our trainings as a group, minsan sa pangba-back stab rin.." sabi niya at natatawang tumingin kay Selera, "..or pamimikon."

Kumunot naman ang noo ko. Maaari pala silang may mag-uusap usap sa utak lang. Parang nalulula na ako. Anong klaseng mga nilalang ito?

Napatingin naman ako sa direksyong saan umalis si Vaia.

"Don't worry, ate. She'll get over it. Fairies are just so defensive and maarte." sabi ni Enoch sakin at nag-arte na parang babaeng nag-iinarte.

Napangiti naman ako at napalunok rin sa sinabi niya. "Fairies?" kunot-noong tanong ko.

"Fairies ay yung tawag sa mga nilalang na kayang kontrolin ang nga elemento. Hangin, tubig, lupa, apoy. Nga tagapangalaga rin sila ng mga ito. Nakatira sila sa lugar na nakadepende sa elemento na meron sila. Sa dagat, gubat o sa mga bundok. May mga pakpak rin sila kaso may mga iba na hindi pa napapalabas ang mga ito." Mahabang paliwanag ni Dalia.

"Masyadong madaling mapikon rin." singit ni Enoch at saka tumawa ulit.

"Akio thinks they are very irritating." usal naman ni Arawn at humikab.

Tumango-tango lang ako, "Payo ko sayo, ate, wag kang masyadong makipaghalubilo sa kanila. Fairies are tricky and teritorial. In my opinion, they are the bitches here." bulong niya sakin.

Napaayos naman ako ng upo sa sinabi. I am definitely not going to mess with anyone here. Wala akong balak. Isa lang ang paalala ko sarili habang nandito ako at iyon ay ang manatiling buhay.

Hindi sinasadyang napabaling ako kay Laurent at sa gulat ko ay nakatitig rin siya sakin. After that, I couldn't take my eyes off on his silver ones. Wala na akong naging ideya kung gaano kami katagal nagtitigan bago ako unang umiwas.

***

-kimsyzygy

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Where stories live. Discover now