"Darating pa ba 'yon?"
"Darating 'yon. Kilala ko siya, maghintay pa tayo."
Bakas na sa mukha ng ilang tao ang pagka-inis. Siyam na tao, lahat ay nakasuot ng mga protective equipments at sari-saring armas. Hindi gano'n kataas ang kalidad pero sapat na para sa isang E-Rank Gate.
"Pasensya na kung nahuli ako ng kaunti."
Sabay sabay na lumingon ang mga tao sa pinanggagalingan ng boses. Nagmula iyon sa isang lalaking nasa 20's and edad. Hindi sa payat, pero hindi rin kalakihan, matuturing mong athletic kung miyembro ng kahit anong sports organization... pero iba ang linya ng trabaho nila.
"Siya ang hinihintay natin? Sigurado kayo?"
Halatang nadismaya ang lalaking kanina pa naghihintay. Siya ang pinakaunang dumating sa usapang lugar. Isang Rank E Adventurer, bakas sa suot nito na isa itong Knight, balot ang katawan ng metal armor at may isang hindi kamahalang espada.
"Pasensya na talaga kayo."
Sabi ng kakadating lang na lalaki sabay yuko. Hindi naman siya late kung tutuusin, 10:08 ang oras na dumating siya, at 10:00 ang usapan.
"Sa itsura niyang 'yan makakatagal ba sa loob ng gate 'yan? Ni wala nga akong nakikitang kahit anong armor o weapon sa kanya."
Dismayado sila na parang wala sa harapan nila ang pinag-uusapan.
"Kilala ko si Z, at kaya niya."
Kahit nakayuko ay kilala niya ang boses, galing iyon kay Anne, isang Rank C Healer. Sa halos isang taon niya na bilang Adventurer ay madalas siya gamutin ni Anne sa loob ng gate. Sa tuwing may mga mission ang local Guild na nakukuha nila Anne, lagi niyang kino-contact si Z
'Tsk '
Hindi maiwasang pagtinginan siya ng ibang Adventurer, naiiba siya sa lahat. Walang armor, weapon o kahit skills. Para maging isang Adventurer, kailangang sumailalim sa 'Calling', bagay na hindi isang propesyon o isang aktibidad.
Ang Calling ang magdidikta kung kanino at kailan ito magaganap. Hindi lahat ng tao ang sumasailalim sa Calling, isa sa isang libong tao lamang ang nakakaranas nito. Samakatuwid, sa isang maliit na lugar, sampu hanggang dalawampu lamang ang nagiging Adventurer.
Isa itong mahirap na trabaho. Dahil sa paglabas ng mga Gates, nalagay sa panganib ang buhay ng mga tao. May mga halimaw na lumabas sa mga ito, halimaw na hindi naninirahan sa mundo. At ang trabaho ng mga Adventurer ay pigilan 'yon.
Mas malaki ang kita sa pagiging Adventurer, pero para sa isang Rank E kagaya ni Z, hindi ito ramdam.
Masuwerte na siya kung makapag-uwi siya ng sampung libo, pagkatapos no'n ay maghihintay ulit siya ng isa o dalawang linggo, minsan higit pa, bago may tumawag ulit mula sa local Guild.
Ang local Guild ang siyang nagtatakda ng trabaho ng mga Adventurer, pero puwede ka rin namang pumunta sa kanila at kumuha ng mission. Ang problema ay may minimum na tao ang dapat, at walang gustong kumuha sa kaniya.
Masuwerte siya dahil lagi siyang tinatawagan ni Anne. Isa itong Rank C Healer na sumasama sa mga mababang Rank kagaya niya. Kasama nito si Darylle, isang Rank C Knight. Kung hindi dahil sa kanila ay wala siyang trabaho mula sa guild.
Mahirap ang maging Adventurer, bukod sa hindi madaling makahanap ng squad na tatanggap sa'yo, hindi mo din alam ang maaaring kahinatnan mo sa loob.
Marami ng adventurer ang nagretiro dahil sa hindi magandang karanasan.
May mga muntik ng mabawian ng buhay, may mga naputulan ng parte ng katawan at may mga nakaranas ng bangungot sa loob.
Isa lang ang rason kung bakit niya piniling maging Adventurer, ang kapatid niya.
YOU ARE READING
Rank S: Zero [Ongoing]
FantasyIsang Fantasy/Adventure kung saan nag-interlap ang realidad at ibang mundo sa pamamagitan ng mga portal na kung tawagin ay 'Gate'. Isang mundo kung saan ang siyensiya at teknolohiya ay hindj mataas ang halaga.
![Rank S: Zero [Ongoing]](https://img.wattpad.com/cover/229183850-64-k64971.jpg)