Prologue

123 4 2
                                        

~Level Up!

'Tss. Bakit nandito nanaman 'yan.'

'Anong magagawa niya sa loob? Clown.'

'Anong pinag-kaiba niya sa normal? Haha, 'bagay, malakas siya...pwede siyang taga-dala ng mga equipment.'

Year 2030, ang itinakdang panahon na makikita ang iba't ibang technological advancements. Pero dahil sa isang insidente noong taong 2020, nagbago ang lahat. Natalo ang siyensiya. May mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.

~Callings, Gates, Adventurers, Rankings, Monsters...

Ilan lang ang mga ito sa mga naging -normal- pagkatapos sumailalim sa malaking pagbabago ang mundo.

Lakas, ito ang basehan kung sino ang siyang may kapasidad mabuhay. At sa mundong ginagalawan nila sa ngayon, ang mahihina ay hindi pinapanigan ng batas.

Bilang isa sa pinakamahina, hindi naging madali para kay Hiro ang lahat. Pero para sa kapatid, kapalit ng sariling buhay ay handa siyang gawing posible ang imposible.

At dahil sa isang aksidente - o biyaya, nakuha niya ang paraan kung paano lumakas.

Mula sa pagiging mahinang Rank E, hindi naging madali ang landas na tinahak niya, lahat para sa kapatid. At dito nag-umpisang magbago ang buhay niya.

Rank S: Zero [Ongoing]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora