Prologue

283 45 148
                                    


1. An airplane accelerates down a runway at 3.20 m/s2 for 32.8 s until is finally lifts off the ground. Determine the distance traveled before takeoff.

2. A feather is dropped on the moon from a height of 1.40 meters. The acceleration of gravity on the moon is 1.67 m/s2. Determine the time for the feather to fall to the surface of the moon.

"Okay kaya ko to!" lakas loob kong sinabi sa sarili bago binasa ulit ang unang tanong sa aming takdang aralin.

Teka nga, ano bang pakialam ko sa eroplano nato? Bakit kailangan ko 'tong pag-aralan? Di naman ako magpipiloto at paano naman napunta ang feather sa moon? May manok ba dun? Bakit kailangan ko pang I-determine yung time na na-fall yung feather? Nung ako yung na-fall pina-determine ko ba sa iba? Hayp ka Physics. Bahala nanga, kokopya nalang ako bukas.


Ting!*

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at binuksan ang messenger.

Powerpuff Girls squad💪🌹❤️

Blossom: Hi guys! Still awake?

Blossom: Wala talaga akong maintindihan. Review lang to sa physics natin diba? Nakalimutan ko na lahat e.

Blossom: Pa kopyaaaaa nalang ng assignment natin labyuuu all! 😂 ❤️

Ayun, di lang pala ako ang bobo sa barkadahang to, marami pala kami. Panu nato bukas? GG kami neto.

Powerpuff Girls squad 💪🌹❤️

Me: I feel yuh Som! 😂

Me: I'm still alive, alert, awake, and enthusiastic!! 😂

Me: Pero paano nato bukas? 'San tayo kokopya?

Blossom: Only prayer can save us all. 1like=1prayer.

Me: Tangina ka!

Blossom: Goodnight din.❤️

Blossom: Si Thunder na bahala sa'tin. 👍

Tignan mo itong adik nato. Bakit kaya naging kaibigan ko to? Wala akong makukuha dito e. Paano ako gagraduate wala akong source. Buti nalang naging kaibigan namin si Thunder.

Si Thunder na matalino. Si Thunder na malakas. Si Thunder na masipag. Si Thunder na... Basta tao siya.

I was about to go to sleep and just leave everything behind, but I noticed that I had a message request from someone. I check the label and it's NIDO, charot! I check the message pala dapat yun.

Nagcheck ako ng mga message request at nang seen, seenrist iz meh. Isa-isa kong binasa mga message nila na puro
'Hello. I'm looking for individuals who are willing to earn. For Fresh grad, Student, Unemployed, and Employed. We offer weekly income and flexible schedule...'  or 'Open minded ka ba?'. Puro ganyan lang naman. Ang gagwapo pa ng mga profile mukhang mababango. Akala ko nga minsan lovelife na e, networking lang pala. Nasa panghuling message na ako na di pa nabubuksan, nang buksan ko ay isa itong Voice Message. Napansin ko rin na kakarating lang ng message na'to. Nagsimula kasi ako sa pinaka-ibaba sa pagchicheck ng label, charot ulit.

I'm hesitant to play the VM, baka kasi maprank ako at ungol lang to ng babae or baka nakakatakot na boses. Naku ayaw ko na, ilang beses na akong nakatanggap ng ganung mga messages.

"Hhmm! Na wrong send kaya to or sinadya talagang i-send sakin para manakot."
In the end, I clicked the play button,
and the voice message started to play.

(Play the video para sa malawakang imahenasyon😂)

🎶Malay mo tayo by TJ Monterde🎶

Napapaisip
Nananaganip
Baka sakaling tayo sa huli
Ayaw silipin
Na alanganin
Nagpapaniwalang 'di natin masabi
Ang plano sa 'tin ng tadhana
Ba't ba parang may pag-asa?
Klarong wala
Kaso baka...


Akala ko simpling VM lang to o prank nanaman. Hinanda ko pa ang sarili ko para sa maaaring mangyari pero napahanga ako sa ganda ng kanyang boses. Shit! Feeling ko hinaharana niya ako.

His voice amazes me. He has this angelic voice that's very pleasant to my ears. Kaya naisip ko na I-accept ang message at magreply.

Manex Alvarado

Me: You have a very wonderful voice, so anong nag-udyok sayo para sumali dito sa the voice? Who's your inspiration? Lmao.

HAHA! Kala n'ya siya lang marunong mantrip? No way! Prankster din ata to no. Malay mo di niya pala boses yan. Itutulog ko nalang to...

Pero parang nang-aakit ang boses n'ya. So, I decided to continue the song until I fell asleep.

Malay mo, tayo sa dulo
Hindi natin masabi kung
Ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig
Handa 'kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan
Kasi malay mo, tayo
Malay mo, tayo...

THE VOICE MESSAGE🎶

_______

Credits to: The Physics Classroom for the sample Physics problem.


giNeerFiasco 🧡

The Voice Message [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon