Chapter 22 . Back

Start from the beginning
                                    

"Is she okay? Sila Tita wala pa ba?" tanong ko pero umiling lang si Zicko.

One answer to my two questions.

"Nasa states sila tita" ani Zicko at napaupo din ako.

Hinawakan naman ni Travis ang kamay ko.

"She will be ok." sabi niya at tumango ako. I know he was only trying to make me feel good.

Lumabas ang doctor kaya lahat kami ay napatayo. Ngumiti ng mapait ang doctor kaya kinabahan ako.

"Caly is really fighting so we should be happy but I'm sorry to say that her condition is getting worse." sabi ng doctor.

Napahagulgol si Bea kaya pinuntahan ko siya at yinakap. I hugged her and she hugged me too.

"Caly needs us. We need to be strong." sabi ko at pumasok kami sa kwarto.

Lalong bumigat ang puso ko nang  makitang nakangiti si Caly.

"Hi guys. I'm glad na buo tayo. Ay! wala pala si Kuya Brian" aniya at tumawa kahit halatang nahihirapan na siya.

Lumapit si Zicko sakanya at hinawakan ang kamay niya pero nagulat kami nung bawiin ni Caly ang kamay niya kay Zicko.

"Caly" sabay sabay naming sabi.

"Anong ginagawa mo dito? Malubha na ang sakit ko! Wala ka ng mapapala sa akin! You will never be happy! Tanga ka ba?!" sigaw ni Caly kahit nahihirapan na siya.

Napahawak ako kay Travis at yinakap naman niya ako.

"Caly!" sumigaw si Kuya Chand pero tumawa si Caly.. well a sarcastic laugh to be specific.

"BAKIT?! TOTOO NAMAN DIBA? MY CONDITION IS NOT GETTING BETTER! IIWAN KO DIN KAYO!" sabi niya at mabilis na napahagulgol.

"YOU ARE MY HAPPINESS CALY! DON'T SAY THAT PLEASE" sabi ni Zicko. Naawa tuloy ako kay zicko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Travis.

"Please go" ani Caly at napatingin sa amin si Zicko na para bang humihingi ng tulong.

"Zicko umalis ka na muna" sabi ko na ikinagulat nila.

"Hindi pwedeng mastress si Caly. If this is what she wants, kailangan natin gawin." sabi ko kaya umalis si Zicko. Doon na nag break down si Caly.

She was crying so hard kaya lumapit si Bea sakanya. She hugged her. Hindi siya pwede sa strong emotions kaya pinapatahan niya ito. Napahawak si Caly sa puso niya habang humihinga ng malalim.

"Guys ayoko na. Sobrang sakit na. Namamanhid na ako" sabi niya kaya yinakap namin siya.

"Rest.."sabi ko at hiniga ko na siya. Nag presinta si Kuya Third na maiwan na muna at umuwi na muna kami para makapagpalit. Nangako naman kami na babalikan namin siya.

Pagkatapos ko makapagpalit ay sinundo ulit ako ni Travis. Kaming dalawa ay bumalik ulit sa hospital. Naunang nakarating sa amin si Bea at Kuya Chand. May kausap si Kuya Third sa phone at after niyang makausap yun ay nagmadali siyang kunin ang coat niya.

"Kuya saan ka pupunta?"tanong ko sakanya.

"Sa bar.. si Rean" galit na galit na sabi niya. Hindi niya na mabuo ang sasabihin niya sa sobrang galit.

"Sasama ako" saad ko.. hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sakanilang dalawa.

"Maiwan na kami ni Bea" sabi ni Kuya Chand at tumango naman ako.

"Travis ikaw mag drive. Wala sa katinuan si Kuya Third" wika ko at ngumiti naman si Travis.

Dumeretso kami sa club na sinasabi ni Kuya Third. Pagkapasok palang ay makikita na maraming tao talaga dahil sobrang sikip. Hinawakan naman ako sa bewang ni Travis at kumapit ako sakanya. Hinanap namin si Ate Rean hanggang makita namin ang isang babae na nakikipagsayaw sa isang lalaki. Side view palang ay alam ko na si Ate Rean yun. 

Napalingon siya sa amin at ngumiti ng matamis. Tumakbo siya at yinakap ako.. naamoy ko ang alak galing sakanya.

"Alina! I missed you sister!" Aniya habang tumatawa pa at para bang hindi na niya kayang itayo ang sarili niya.

Hinila naman siya ni Kuya Third palabas kaya sumunod kami sakanya.

"Third! Ano ba?!" Ani Ate Rean habang hinihila ang kamay niya. Binitawan naman siya ni Kuya at mukhang matutumba na pero hinigit siya ni kuya sa bewang.

"What do you think you're doing?!" pagalit na sabi ni Kuya Third. Tumawa naman si Ate Rean.

"Oh please Third! Wag mong sabihing nag-aalala ka dahil alam kong hindi!" Galit na wika ni Ate Rean habang nagpupumiglas kay Kuya Third.

"I do! I freaking care!" sigaw ni Kuya Third. Tumakbo naman si Ate Rean at sumuka. Pagkatapos niyang sumuka ay hinarap niya si Kuya Third.

"No you don't, because if you freaking do.. you won't leave me like this!" Ani Ate Rean at tumakbo.

Hinabol ko naman siya hanggang sa tumawid siya. Tatawid na sana ako pero may mabilis na sasakyan na tumigil sa harapan ko. May naramdaman akong humawak sa kamay ko at nakita ko si Travis. Nasa likod ko na rin si Kuya Third.

Muntik na akong mapaupo nung nakita ko kung sinong lumabas sa kotse. Travis held me tightly and he was whispering things to me pero hindi ko maintindihan.

"Son.. you didn't tell me that you are together again. Merry Christmas" napatingin naman ako kay t
Travis.

"Dad" lalo naman akong nanghina.

He is back.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now