💕 NOBODY'S BETTER 39 💕

Start from the beginning
                                        

Nandito pala ako ngayon sa classroom. Nagrereview na para sa UPCAT. Charr lang! Nagrereview ako dahil next week na ‘yong final examination namin. Sabi ko wala akong iniisip na problema eh! Charr lang pala ‘yon! After naman na kasi ng final exam namin ay preparation na for our graduation ceremony. Di ko alam kung magiging excited ako o hindi. Sa totoo lang, ayaw ko pang grumaduate ng senior high. Kung pwede nga lang na iextend tong senior high eh! Mas gugustuhin ko pa. Napamahal na kasi ako sa mga kaklase ko mas lalo na sa mga kaibigan ko. Iniisip ko pa nga lang na maghihiwalay hiwalay kami eh, naiiyak na ko, pano pa kaya kung tuluyan na kaming grumaduate.

Besseu, patingin nga yang binabasa mo?” napatigil ako sa pagmumuni muni ng narinig ko si Cela na nagtanong kay Momo. Pinakita naman ni Momo ‘yong librong binabasa niya. Napailing na lamang ako. Akala ko kasi notebook ‘yong binabasa niya since halos lahat ata kami ay nagbabasa at nagrereview. Either notebook or textbook hawak pero siya ang binabasa niya ay pocketbook.

“Bakit di ka nagrereview?” tanong ko naman kay Momo pagkababang pagkababa ko sa binabasa kong notebook at pagkatapos na pagkatapos niyang ipakita 'yong binabasa niya kay Cela. Pinahiram niya na kasi ngayon kay Cela ‘yong binabasa niyang libro so si Cela na ngayon ang nagbabasa ng pocketbook. “Kapag malapit na ‘yong exam besseu, magrereview na ko.” Napa iling na lamang ako sa sagot niya.

Biglang nagring ang bell. Naghuhudyat na tapos na ang time at pwede na kaming kumain ng lunch. Kaya agad agad na naming inayos ang gamit namin at pagkatapos ay bumaba na kami. Gutom na rin kasi ako eh.

❌❌❌

Uwian na. Hindi ko kasabay na umuwi sila ate Resse, Cela, Momo at Diana dahil nauna na sila. Gusto ko sanang sumabay sa kanila kaya lang kasabay ko kasi si Kelso na uuwi ngayon. Tuwing hapon na lang kasi kami nagkikita. Since busy na kaming dalawa sa aming pag-aaral, ay hindi rin kasi parehas ang schedule namin. Minsan nga, siya ‘yong naghihintay sa akin tuwing uwian. Hinihintay niya ko dito sa may bench pero kadalasan ako ang naghihintay sa kanya. Katulad na lang ngayong araw.

Twenty minutes. Twenty minutes na ang nakalipas at nandito pa rin ako sa bench naka upo, naghihintay sa kanya. Kapag kasi ako ‘yong naghihintay ay binibilang ko o minomonitor ko ‘yong oras. Para kasi sa akin napakahalaga ang oras. Kung ano anong mga idea ang bumabagabag sa akin especially kapag hindi ko pa siya nakikita sa loob ng oras ng aking paghihintay. Pero itinutuon ko na lang ang inip ko sa paglalaro sa cellphone ko. Baka kasi may ginawa pa siyang importante eh.

“Sorry Anae! Natagalan ako!” hingal na hingal na sabi niya sa akin pagdating na pagdating niya dito sa pwesto ko. Pinagmasdan ko naman siya. Pawis na pawis at halatang stress na siya kaya ngumiti na lang ako ng maliit. Alam ko may rason naman siya kung bakit siya nalate eh at handa ko namang pakinggan kung ano man ‘yon.

“Okay lang Kelso. Bakit ka pala late?” tanong ko sabay pat doon sa space sa upuan na nasa tabi ko. Sign na gusto kong umupo siya sa tabi ko. Napansin naman niya at nagets ‘yong tinutukoy ko kaya agad siyang naupo sa tabi ko. “Nagmeeting kasi kami about sa last activity naming para sa subject ni sir Japs. Magkakaroon kami ng mini exhibition kung saan ilalagay namin doon lahat ng mga artworks na ipinass namin sa kanya.” Na amaze naman ako don sa sinabi niya.

“Uy! Kailan ‘yan at ilang araw? Gusto kung pumunta!” napa tingin naman siya sa akin dahil siguro ramdam niya yong excitement sa tono ng boses ko at sumagot. “Sa Monday hanggang Wednesday next week. Punta ka Anae ah! Kailangan kasi naming ng mga bibisita. Kailangan din kasi naming maibenta lahat ng mga artworks at iba pang stuff don sa exhibition na ‘yon. Padamihan kasi ng kikitain. Parang iyong sainyo dati? Parang ganoon ang mangyayari kaya sana matulungan mo ko.”

“Oo naman Kelso. Tinulungan mo nga ko noon eh, kaya tutulungan din kita ngayon. Sasabihan ko 'yong mga kaibigan at kaklase ko tungkol diyan. Alam ko sasama din sila. Sure ako don.”

“Talaga?” excited na tanong niya. Tumango naman ako. Ilang saglit pa kaming tumabay doon. Nag kwentuhan at nag usap ng random stuff. At pagkatapos non ay nag umpisa na kaming maglakad palabas ng gate, papunta sa sakayan ng jeep kung saan ako sasakay pauwi.

“Alam mo Kelso, natatakot ako,” panimulang sabi ko sa kanya habang naglalakad. Ramdom at bigla kong sabi sa kanya. Nag humm lang siya bilang sagot kaya tinuloy ko ulit ‘yong gusto kong sabihin. “Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa atin sa future. Pano kaya kung hindi talaga tayo para sa isa’t-isa? Paano kaya kung pinagtagpo lang tayo para makilala natin ang isa’t-isa pero in the end, hindi naman pala talaga tayo ang tinakda? Paano kaya kung magkaibigan lang pala tayo? Ano kayang mangyayari talaga sa tin sa future?” malungkot na tugon ko. Hinawakan naman ni Kelso ang mga kamay ko at pinisil to ng dahan dahan. Pakiramdam ko mas gumaan ‘yong loob ko dahil sa ginawa niya.

Bakit mo laging iniisip ‘yan?” tanong niya na parang may halong inis. “Hindi pa ba sapat ‘yong pagmamahal na pinapakita at binibigay ko sa’yo? Hindi pa ba sapat lahat ng mga sinasabi ko sa’yo at pinapakita ko sa’yo? Para kasi sa akin, sapat na ‘yon eh. Tinadhana man tayo o hindi, nasa sa atin na ‘yan kasi alam ko, tayo ang gumagawa ng ating tadhana kaya wag mong isipin ‘yang mga bagay na ganyan.”

“Ano man ang mangyari sa future basta kasama kita ngayon sa present, mas masaya na ko non.

Napangiti naman ako. Narating namin ang sakayan ng jeep at nakasakay na ko ng safe. Kasabay ng mga worries ko, naglaho dahil sa sinabi niya. Hindi na talaga ako magpapakain sa worrires ko. Hindi na talaga.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now