Nakapwesto kami sa tabi ng bintana. Walang imikan. "Siya nga pala. Anong pangalan mo?" pagbasag ng katamihikan ng babaeng pula ang mata.

"Ah I'm Shanselle" tipid na sabi ko. Nagkatinginan naman silang dalawa saka sabay na tumango. "What's wrong?" sabi ko dahil napaka weird ng ginagawa nila.  "Ah eh wala. By the way I'm Flerida Kisha Montereal" sabi ng babaeng dilaw ang mata habang nakangiti. Tumango nalang ako saka sumipsip sa orange juice na nasa harap ko ngayon.

"And I'm Clarisha Benshi Cortez. Nice to meet you" nakangiting sabi ng pula ang mata. Ngumiti nalang din ako. "Ano palang schedule mo?" pagpapatuloy nito. Oo nga pala hindi ko pa nakikita ang schedule ko. Binigay sakin ni Master Philip kahapon iyon pero hindi ko tinangkang tignan. "Ah eh hindi ko pa nakikita eh" pagsagot ko na ikinatango naman niya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Masasarap din ang mga pagkain dito at mukhang mamahalin.

Pakatapos namin kumain ay pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto para makapaghanda na dahil 7:30 raw magsisimula ang klase at hindi dapat mahuli dahil may punishment. Hindi ko pa alam ang punishment kaya naman agad akong nagmadali dahil magsisix na. Kailangan ko pa kaseng hanapin ang kung saan ang classroom ko dahil meron kaming sarisariling schedule.

Tinignan ko ang schedule ko na nakaukit sa isang patag na ginto. Itakas ko kaya ito saka ibenta sa labas sigurado madadagdagan pa ang yaman namin ni mommy. BWAHAHAHA!!

Apat lang ang subject namin kaso tag dadalawang oras. Hindi kaya ako mababagot dito?

Ang nakasulat sa schedule ko ay mauuna ang Statistics. Wow buti naman favorite ko pa naman ang math. Unang una palang gusto ko na ang subject. Susunod naman ang experimental. Pero rito naman sa pangalawa ay parang hindi ko gusto kase para din itong science. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko ng science. Pangatlo ay ang Sports. Hmmm okay nadin. At ang panghuli ay ang skills. Eh? Ano namang gagawin dito.

Humarap ako sa salamin upang siguraduhing maayos ang itsura ko bago pumasok. Bagay na bagay rin ang uniform namin sakin. Ang ganda nga eh. Maiksing palda na kulay azul na stripes. Ang pantaas naman ay coat na kulay azul din na sinasamahan ng kulay puti na panloob at pulang laso nito. At nasasamahan pa ito ng puting high sock at black shoes. Sila lahat nag provide nun. Hindi ko rin ito binili kaya siguro ay hiram lang ito pero okay narin. Pero ang nakapagtataka, meron na rin ang aking pangalan sa uniform ko na nakaukit sa isang pilak. Na nagsisilbing name tag ko. Ngunit ang nakalagay lang ay ang aking apelyido Monteverde S.C. ang nakalagay.

Nag ayos lang  ako ng kaunti. Naglagay lang ako ng kunting pulbo, maputi rin naman kase ako kaya hindi rin mahahalata. Naglagay rin ako ng liptint upang kahit papano ay magkaroon ng kulay ang mukha ko. Sinuklay ko rin ang mahaba kong buhok na abot hanggang bewang, deretsong deretso rin ito at may pagkakulay kape. Nang makuntento ako ay umalis na ako sa harapan ng salamin.

Inayos ko na ang mga gamit ko. I only have binder and a ball pen. Ayoko rin naman kase iyong madaming binibitbit. Pati nga bagpack ko ay maliit din.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng mansion oh it's not look like dormitory naman kase. Sosyal naman kase ng paaralan na ito.

Pagkalabas ko ay sariwang hangin ang bumungad sakin. Madami narin ang naglalakad papunta sa kani kanilang classroom. Buti nalang at may 30 minutes pa ako para hanapin ang first subject ko. Nagsimula na akong malakad papunta sa malalaking building. Oh o mukhang mahihirapan akong maghanap neto. Baka kulang pa ang 30 minutes ko. Dapat pala ay inagahan ko nalang.

Patuloy lang ako sa paglalakad pero hanggang ngayon ay hindi ko parin mahanap ang classroom para sa first subject ko. Gosh what am I going to do? Tsaka 10 minutes nalang ay magsisimula na ang klase. Ayokong malate gayong first day ko palang ngayon. Hindi pala ito school for girls dahil madami akong nakikitang lalaki na naglalakad. O, maybe iba 'Yong dorm nila. Iyong iba ay tumitingin sakin pero hindi ko nalang pinansin. Ang kailangan ko lang talaga ay mahanap ang classroom ko dahil kung hindi ay magkakaroon ako ng punishment. Waaah ayokong mapunish noh. Newbie tas mapaparusahan agad. Hindi magandang balita 'yon. Tsaka isa pa bakit ba napaka nega ko. Hayyss...

Magia University (On-going)Where stories live. Discover now