I shook my head repeatedly while tears were falling nonstop from my eyes.

Ayaw ko man ay unti-unting bumalik ang mga alaalang iyon. Noon pa man ay pangarap ko nang makapag-aral sa isang napakasikat na unibersidad sa Manila. Masyadong mahal ang bayarin kaya halos mawalan na ako ng pag-asa. Nabuhayan lamang ako nang malamang sasagutin ng school namin ang bayarin sa unibersidad na ito kapag nagtapos kang valedictorian during senior high school years. Iyon lang ang pag-asa ko pero naglaho itong muli nang agawin na naman ni Sulivan ang dapat na sa akin.

This time, he's the valedictorian of our batch. Ang mas nakakainis? He easily left the offer that I was dying to hold. Pagtuntong namin sa kolehiyo ay hindi siya nag-aral doon. Alam kong choice naman niya iyon pero hindi ko mapigilang mainis. Iyon na lang kasi ang kinakapitan ko kaya hindi ko maiwasang isisi sa kanya ang pagkadismayang naramdaman.

"Sinasabi ko sayo, Aphra, wag na wag ka nang lalapit pa sa lalaking iyon! Iba umatake ang mga de Lopezes! Hindi mo pa namamalayan, nalason ka na pala! Hindi mo pa nararamdaman ang pagtuklaw nila, duguan ka na pala!"

Pinalis ko ang luha ko at dahan-dahang tumango.

Ang galit na handa ko na sanang pakawalan ay muling bumalot sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay mas matindi. Gusto ko mang hindi paniwalaan si Papa ay hindi ko magawa.

Anong plano ni Sulivan sa akin? Dati naman ay hindi niya ako kinakausap ah? Pitong taon kaming hindi nag-uusap maliban na lang kung kinakailangan pero bakit bigla na lang niya akong kinakausap ngayon? Anong binabalak mo, de Lopezes?

Ang galit kong iyon ay muli pang nadagdagan nang kumalat sa buong unibersidad ang nangyari noong sunday. Someone also tagged me in facebook with a caption — This is when you thought the water is shallow but is actually too deep.

Isa itong video kung saan kitang-kita ang pagkatumba ko kasabay si Sulivan, pagtanggap ko sa kamay niyang nakalahad nang walang pag-alinlangan, at ang pagdapo ng mga kamay niya sa bewang ko. Ang mas nakakagulat? Sa buong pangyayaring iyon ay nakangiti lang ako at tumatawa na para bang ang saya-saya ko. Maging ako ay kumbinsidong mukha akong malandi doon.

"Anong feeling, Aphra?" tanong sa akin ni Yanna pagkaupo ko galing sa report.

She raised her eyebrow and turned to her book. I could certainly say, however, that she's still observing me.

"Anong feeling na nakakapag-report ka nang maayos samantalang ang tunay na girlfriend ay ni hindi makapag-aral nang mabuti?"

Sa sinabi niya ay muli akong nakaramdam ng galit para kay Sulivan. Kung hindi pala makapag-aral nang maayos ang girlfriend niya dahil sa issue, bakit hindi niya linawin? Bakit di niya kausapin si Elleanor at sabihing wala lang ang mga nangyari noong sunday? Ito ba ang gusto niya? Ang kaayawan ako ng mga tao?

Maging sa paglalakad ko sa corridor ay hindi maiwasang may magparinig sa akin.

"May girlfriend na nga, pinatos pa.." medyo malakas na sabi ng isang babaeng minsan ko nang nakitang kasama ni Elleanor.

"Ni hindi makangiti ngayon pero pag hawak na ni Sulivan, parang kung sinong kinikiliti."

Hindi ko sila pinansin pero nagulat na lang ako nang bigla nila akong hilain papunta sa classroom na walang tao. Malakas na sinarado ng isa ang pinto samantalang itinulak-tulak naman ako ng nasa harap ko.

"Matapang ka, ha? Matapang ka?"

Sa pangatlong tulak niya ay ginantihan ko siya. Halos matumba siya sa ginawa ko pero blangko ko lang siyang tiningnan. Mabilis siyang sinaklolohan ng apat na kasamahan.

Para siyang sinapian nang lumapit siya sa akin dahil sa mulat na mulat niyang mga mata at namumula niyang mukha. Itinaas niya ang kamay niya para sampalin ako. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now