Summer 1

234 128 72
                                    

"I'm really sorry Cy! Hindi ko naman alam na si Kairox yung client. I should have just asked Mom first"


Kanina pa paikot ikot si Thalia dito sa loob ng office niya pagkatapos naming makipag usap sa isang manlolokong kliyente na dumating kanina


"Heyy Thalia wala yun okay? Di naman natin alam na yung hinayupak na yun pala yung kliyente natin ih!"


I was really shocked knowing that Kairox was our client. Kung alam ko lang na siya yun edi sana nag no na agad ako. Sa dinami dami kasi ng pwedeng kliyente bat yung ex ko pa?


"Nakakainis naman kasi ih! Bakit ba ikaw pa yung kinuha niya?"


Thalia was right. That's the question that I was thinking since he came. Bakit ako pa yung kinuha niyang Interior Designer? 


"KSP lang siguro siya"


Natawa naman si Thalia ng sabihin ko yun.


"KSP o nagpapapansin sayo? Hindi kaya..... mahal ka pa nun?"


Parang nabingi naman ako sa sinabi niya. Si Kairox mahal pa ko? Asa naman noh! Maging green man ang langit alam kong di na ko mahal nun


"Ha?" Tanong ko sa kanya para ulitin yung sinabi niya kanina dahil baka mali lang yung pagkakarinig ko

"Hatdog" Kahit kailan walangya talaga tong si Thalia eh, kinakausap mo ng ayos tapos ganyan isasagot sayo.


Sinamaan ko naman agad siya ng tingin. Habang siya tawa ng tawa


"Pero seryoso Cy,  bakit kaya ikaw yung kinuha niya?"


"Sa tingin mo alam ko din?" I asked her sarcasticly


Inirapan niya lang naman ako dun.


"Gwapo sana nung ex mong yun, kaso sabi mo manloloko"


Napailing na lang ako dun. Manloloko naman talaga.


"You know what Amyah wag na nga natin pag usapan yung kupal na yun"


"The hell Cyra! I told you not to call me Amyah"


Natawa naman ako ng sabihin niya yun. 


"Ang ganda kaya"


"Whatever Kairox"


Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Kakasabi lang na wag ng pag usapan yun eh


The Lies Of Summer (Estaciones Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon