"Pano na ngayon? Gagawin mo pa din ba yung project na yun?"


Napaisip naman ako dun sa tanong ni Thalia. Nakausap na namin siya kanina at ang sabi ko sa kanya pag iisipan ko muna. Okay lang naman sa kanya so bahala siya sa buhay niya.


"Kagaya ng sinabi ko kanina pag iisipan ko muna okay?"


"Sa tingin ko kailangan mo munang isantabi yang galit mo at tanggapin yang project na yan. Diba nag iipon ka para sa goal mo na makapunta sa Greece. Alam ko gustong gusto mong makita yung Parthenon and makakatulong din tong project na to"


I sighed. Siguro nga tama si Thalia, nag iipon ako and  para yun sa future ko at sa mga goals ko sa buhay. Hindi naman kasi habang buhay nakaasa lang ako kayna Mommy and Daddy. Kaya nga nag aral ako at nagtatrabaho ngayon para makabawi sa lahat ng ginawa nila para sakin.


"I think you're right, pero pag iisipan ko pa din. Kagaya nga ng sabi ni Kairox pag isipan ko daw muna ng mabuti"


Thalia just nod her head at me


"Ohhh shoot! Aalis nga pala ko ngayon!" Sabi ni Thalia habang nakatingin sa wrist watch niya



"Saan? Date na naman?"


"Oww yass"


"At talagang umaasa ka pa din na makakatagpo ka ng jowa ng dahil dyan sa Tinder ah?"


"Aba syemre naman! Subukan mo din kasing mag tinder paminsan minsan my dearest friend"


Talagang hinikayat pa ko ng gaga.


"Ewan ko sayo! Sige na dun na muna ko sa office ko at ikaw mag iingat ka dyan sa kung sino man yang kikitain mo ah"


"Yes Maam!" Sumaludo pa siya sakin


Tumayo na ko at pumunta sa sarili kong office.


Pagpasok ko agad agad akong umupo sa swivel chair ko


Parang ngayon lang nag sink in sakin lahat.


He's back. Kairox is back.


What the hell was happening?


Bakit sa dinami dami ng Interior Designer ako pa yung kinuha niya? Is he playing a trick on me?


I was really bothered kung bakit pa siya bumalik ngayon.


Sobrang tahimik na ng buhay ko. Wala na kong problema dahil kinalimutan ko na lahat but now that he's back everything came back to me.


The Lies Of Summer (Estaciones Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon