CHAPTER 7

14 1 0
                                    

Chapter 7


LIMANG araw na ang nakakalipas simula noong mangyari iyon. Hindi niya alam kung bakit hindi iyon mawala- wala sa isip niya, sumasakit lang ang ulo niya kakaisip dito kaya pinagsabihan siya ni Kedrux na pabayaan nalang daw dahil baka kusa lang itong babalik. Mas lalong lumalim ang pagsasama nila ng kaniyang amo, sa katunayan nga ay nagpre- prepara siya ng kaniyang mga lulutuin para sa kanilang dinner mamaya. Oo at natatakot siya na baka bigla nalang bumalik ang asawa ng lalaki pero wala na siyang pakialam. Tuluyan ng nahulog ang kaniyang loob sa lalaki at pakiramdam rin niya'y ganon ito sa kaniya.

Kasalukuyan niyang inihahalo ang egg yolk saka condense milk para gumawa ng leche plan na siyang paboritong- paborito niya nang biglang tumunog ang doorbell. Sa isip niya'y baka si Kedrux na ito kaya minabuti niya munang ayusin ang kaniyang itsura bago pumunta sa harap ng double door.

"Welcome home, Ked--" naputol ang nais niya sanang sabihin ng makitang hindi ang lalaki ang naroroon kundi ang isang mistisang babae na nakayapos sa isa namang morenong lalaki. Gulat ang rumihestro sa mukha ng dalawang panauhin habang nakamasid sa kaniya, habang puno naman ng pagtataka ang ibinalandra niya sa kaniyang mukha.

Wala namang nabanggit sa kaniya si Kedrux na may dadating pala itong mga bisita.

"Pasensya na po pero may kailangan po ba kayo dito? Si Kedrux po ba ang sadya niyo?" nakatitig parin ang dalawa sa kaniya ngunit kalaunay unang nakabawi ang babae.

"Ang kapal rin naman ng mukha mo eh no? Ikaw, anong ginagawa mo dito sa bahay ni Kedrux?" Galit na tanong ng babae sa kaniya.

"Ahmm ako po si Trixine, n-nagta- trabaho po ako kay Sir Ked--" hindi pa man siya nakakatapos sa sinasabi niya ay mabilis na sinugod siya ng babae at pinagsasasampal.

"Aray! M-ma'am, masakit po!"

"You deserve it, slut! Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo sa pamilya namin! Sinira mo kami, sinira mo si Kuya, sinira mo si Mommy! At ngayon ang kapal ng mukha mong bumalik pa rito sa bahay ni Kuya! Hinding- hindi ka namin mapapatawad, Trixine!" Iyak at pagsagang sa sarili lang ang tanging nagawa niya.

Wala siyang kaalam- alam kung bakit ganito siya kung tratuhin ng mga ito. Wala siyang ideya kung bakit galit na galit sa kaniya ang mga ito. Ni hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya dahil nga sa wala pa siyang maalala, ni sariling pagkatao niya ay hindi niya kilala.

Pakiramdam niya ay namamanhid na ang kaniyang magkabilang pisngi sa bawat sampal na natatamo niya mula sa di niya kilalang babae. Pati ang anit niya ay sobra ng sakit sa pagsabunot nito sa kaniya.

"W-wala po akong alam sa lahat ng sinasabi mo Ma'am! A-aray... ma'am maawa po kayo sakin." Patuloy parin siya sa pagmamakaawa ngunit parang walang naririnig ang babae, bingi ito sa pagmamakaawa niya.

"Hon, stop it! Nasasaktan na si Ate! Bitawan mo sya." Buti nalang at tumulong na rin ang nobyo nong babae. Nagawa pa siyang itulak nung babae ng pagkalakas- lakas dahilan para matumba siya sa sahig bago ito naihiwalay sa kaniya nung lalaki.

"I hate you! I hate you! I hate you! I can't believe na nagawa mo iyon kay Kuya! Pinagkatiwalaan ka naming lahat! Ipinaubaya namin si Kuya sayo kasi akala namin kaya mo siyang alagaan, but we were wrong! Iniwan at pinabayaan mo siya tapos heto ka't dito na naman nakatira? Ang kapal mo. Ang kapal kapal ng mukha mo. Hindi ka man lang nahiya sa lahat ng ginawa mo. Sobrang kapal ng mukha mo. Demonyo ka, Trixine. Isa kang manggagamit. Napakamanggagamit mo! Kung alam lang sana namin na ganon ang gagawin mo, sana di nalang naming itinuloy iyon!" Galit na umiiyak na ang babae, ramdam na ramdam niyang galit na galit ito sa kaniya. Parang mas lalong nadadagdagan ang rason niya upang maalala lahit ng pangyayari sa buhay niya.

Captured HeartsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant