Chapter 3

24 6 9
                                    

Iniinda ko ang sugat sa aking mga tuhod habang isa-isang pinupulot ang aking mga gamit,hindi ko narin mapigilan ang aking paghagulgol.

"Noon pa man sana'y pinalayas na kita,edi sana hindi na naaksidente pa si Lucas!."

"Nay.."halos magmakaawa ako dito.

"Sana hindi namatay ang asawa ko,sana hindi nalang ako pumayag sa pang-ampon niya sa'yo!."napailing-iling ako,hindi matanggap ang mga naririnig.

"Nanay tama na."awat ng aking Kuya Arvi.

"Anong tama na?!,kung hindi sana nagkasakit iyan edi sana ay hindi magkakandaugaga na maghanap ng pera ang tatay mo,hindi sana siya maaaksidente!."mas napaiyak ito,pagkatapos ay ibinato sa akin ang aking mga damit,nagtitinginan nadin ang mga kapit-bahay.

I hate seeing my mother crying.I hate her seeing hurt,ngunit hindi ba't ganoon din dapat ang isang ina sa kaniyang anak.

"N-Nay anak mo po ako.."

"Hindi kita anak!,ampon ka lang,patay na ang totoo mong mga magulang.At oo nang una tinanggap talaga kita kasi akala ko magdadala ka ng swerte sa pamilya namin e,kaso..malas ka!."napahagulgol ako,tinalikuran ako nito at pumasok sa loob ng aming bahay,agad naman akong dinaluhan ni Kuya Arvi.

"Tumayo ka na diyan Lety.. pasensya ka na kay Nanay,nadala lang siya ng pangungulila kay Tatay."nakatulala lamang ako sa semento,patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.

"Palagi kayong nariyan palagi para sa akin,palagi niyo akong inaalagaan,sinusuportahan sa mga bagay na ginagawa ko..ayaw niyo akong napapamahamak,i-iyong inaaway ng iba,at patunay iyon na pinapahalagahan at mahal niyo ako,pero..."iniangat ko ang aking paningin,tumulo ang aking luha kasabay ng pagtama ng aking paningin dito.

"Pero Kuya Arvin.?..ampon lang ba talaga ako?."matagal itong tumitig sa akin,yumuko,tumulo ang luha sa kanyang mga mata,napahikbi ako mas lalong napaiyak.

Kung minsan talaga,ang katahimikan bilang kasagutan ay siyang wawasak sa'yo na tila mas malalim pa ang maidudulot na sugat sa karagatan.

Idinikit ko na ang diploma sa isang parte ng aking kwarto,pagkatapos ay humiga ako sa aking kama.

I was grade-7 when I started to face what life is,I guess?,I was 13 years old that time,nang magsimulang isampal sa akin ang mapanakit na parte ng buhay.Umalis ako sa amin hindi dahil sa pinapalayas ako,hindi dahil hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal,hindi dahil nalaman kong ako ay ampo lamang,umalis ako,para hanapin ang aking sarili.

Tinanggap ko ng hindi ako makakapag-aral,hindi dahil nahihirapan din ako sa aking nararamdaman at pinagdadaanan, kundi dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin itaguyod ng ganon lang ang aking sarili,but then life plays the way we never expect,we meet people either a lesson or a blessing.

I met Señora Lucylia,pumasok akong katulog sa kanilang mansiyon,akala ko noong una maiingayan ako,na marami akong taong makakasalamuha,ngunit ng tumagal nalaman kong labis na malungkot din ang kwento ng kaniyang buhay.

Her husband died,at ang kaisa-isahang anak na tangi niyang inaasahan ay iniwan siya,ni hindi na nagpakita,hindi man lang nangamusta,bigla na lamang umalis sa kaayawang mag-alaga ng kaniyang tumatanda ng ina.

Galit para sa kaniyang anak,at awa at lungkot para sa katulad niyang ginampanan naman ang pagiging isang ina,ngunit ng tumanda na ay hindi man lang kinalinga.

Gustuhin ko man gawin iyon sa taong nagluwal sa akin ay imposible na,gusto ko man alagaan hanggang sa huling hininga ang tinurin ko ng ina ay mukhang ayaw sa'kin ipaubaya ng kapalaran,'pagkat siguro nga ang magpakita akong muli dito ay magbubuka lamang lalo sa sakit na dulot ng nakaraan na ang gasgas ay tiyak na hanggang ngayo'y hindi nawawala.

Scattered Fate In Our Stars (Completed)Where stories live. Discover now