Tsk. Porque't gwapo ang cashier, pagkakaguluhan?

Wala na akong nagawa dahil mukhang naakit sila ng kagwapuhan ni Oliver. I couldn't blame him though. Hindi naman niya kasalanan kung bakit pinagkakaguluhan siya ngayon.

"'Sensya na. Napagod ako," uminom ito ng tubig habang ako ay matamlay na napairap. May favoritism rin kasi minsan ang customers, eh.

"Pilahan ka ba naman."

Tumawa ito at ginulo ang buhok ko.

For me, I see him as my older brother. Kahit anong puri ng kagwapuhan nito ay hindi na nag e-exceed ang paghanga ko sa kanya. He's my kuya, not by blood but the way he treats me. Parang kapatid na rin minsan ako nito.

" Hayaan mo, kapag lalaki at mukhang interesado sa'yo, papipilahin ko na riyan," at sinamahan niya pa iyon ng tawa. Umiling na lang ako ulit bago ko napasyahang linisin ang kalat sa isang table. Parang dinaanan ng bagyo.

"Oh Ria? Pwede ba kitang mautusan sandali?" I gave a glance to the one who called me. Iyong boss namin at mukhang may kailangan.

Saglit kong tinapos ang pagpupunas bago ko tuluyang binigay ang atensyon dito.

She's a good boss. Kilala na ako nito at mukhang nasanay na ako ang inuutusan minsan.

"Sige po, Ma'am. Ano po iyon?" I wiped my hand as she handed me the paperbag.

"Pwede mo bang ihatid 'to kay Maverieck? May biglaang pupuntahan kasi ako ngayon kaya di ko maihatid. Dinner niya lang iyan, nagpapahatid doon sa school niya."

"Sige po!" she gave me the right amount of fare. Pasimple lang akong tumango ulit kay Oliver bago nagpalit ng damit at lumabas na para mag-abang ng jeep.

It's just few minutes away here. Kilala ko na naman iyong anak niya, college rin at minsan na rin kaming nagkita nun.

Nang makatapak na sa university na pinapasukan niya ay kaagad na akong pinapasok ng guard. I texted him since nakaregister naman ang number niya sa akin. His mom trusts me that much. Hindi ko rin naman ipinagkakalat ang personal information niya.

From:Maverieck

Head straight to the library.

Madilim ang campus nila. Kaya hinanap ko ang direction kung saan ba banda ang library nila.

It took me a couple of minutes before I finally found it. Nasa 3rd floor iyon. Kahit papaano ay may kakaunting ilaw na nagsilbing liwanag sa akin.

There's no much students here. Kaya nang makapasok sa library ay tanging ingay ng pagtipa ng laptop ang narinig ko.

There's a cup of coffee beside him while he's busy doing something on his laptop. He's wearing his specs which added to his cool aura.

Nang maramdaman ang presensya ko ay agad itong tumayo.

"Pinapadala po ni Mama niyo, Sir," I motioned the paperbag to him. Tinignan niya pa ang laman noon bago nilagay sa table at hinarap ako. "Sige po--"

"You went alone here?" before I could step back, he asked me that. I could see the hint of him of being concern to me.

Tumango ako bilang sagot.

He sighed as if it's too tiring to ask me that question. Ako naman talaga ang laging pinagkakatiwalaan ng mommy niya tuwing may ihahatid sa kanya kapag may biglaang pinupuntahan.

We're not that close. We barely talk to each other.

Kung may hinahatid sa kanya, doon lang kami talaga nag-uusap, ng walang ilangan kahit anak siya ng boss ko.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora