Chapter 1: Unexpected Visitors

Beginne am Anfang
                                    

"Okay"

Ilang minuto na ang nakalipas at nasa daan pa rin kami. Tahimik lang kami ni Lucas buong byahe,wala ni isa samin ang nagbalak magsalita. Hindi naman na nakakapagtaka yun dahil hindi kami parehong mahilig dumaldal.Ilang sandali pa ang nakalipas at natatanaw na namin ang gate sa entrance ng Black Woods.

"Identification Card please" Sabi ng guard sa gate nang makarating kami dito. Agad naman namin itong ibinigay sa guard saka dumiretso sa parking area ng lugar.Hindi naman masyadong nahirapan sa paghahanap ng mapaparadahan si Lucas dahil sa kakaunti lang ang mga nakaparadang sasakyan at motor, karamihan kasi ng mga nagpupunta dito ay mga estudyante rin mula sa iba't ibang schools at dahil nag-cutting classes kami ni Lucas kaya wala masyadong tao ngayon.

Pagkatapos iparada ni Lucas ang motor niya, pumunta agad kami sa bar ng Black Woods. Malaki ang Black Woods, para 'tong subdivision tapos may mga mini malls kaya paborito itong puntahan ng mga mayayamang estudyante pagkatapos ng klase. Pinaka paborito nami'ng tambayan ang Bar na pagmamay-ari ng pinsan ni Lucas.

"Welcome to BarCode ma'am and sir" Ani ng isang boses sa likuran namin.

"Leon mahal kong pinsan" Bati ni Lucas sabay akbay kay Kuya Leon. "Palibre naman" Hirit pa nito sa pinsan niya bago siya sikuhin nito.

"Magbayad ka muna kung gusto mo ng libre" Bulong nito kay Lucas at saka siya naman ang umakbay dito.

"Anak ng! Paano naging libre 'yon kung magbabayad ako?"

"Exactly! Bawal libre dito" Maangas na pagkakasabi ni Kuya Leon na sinabayan pa ng pag-ngisi.

"Parang tanga lang"

"Hahaha just kidding, tara sa VIP room" Sabi nito saka namin siya sinundan papunta sa vip room ng bar.

Pagkapasok namin ay nabigla ako sa itsura ng kwarto. Ang dating black and gold na kulay ng kwarto ay naging green at silver. Napalitan din ang mga decorations pero kumpara sa dati mas gumanda ang VIP room ngayon.

"Woah" Ani Lucas.

"What do you guys think? Pinabago ko lang yung look ng room nagsasawa na kasi ako sa puro black" Tanong ni kuya Leon habang kumukuha ng mga naka-stock na wine sa malaking cabinet. Naupo kami ni Lucas sa sofa at saka pinatong ni Lucas ang paa niya sa small table. Kahit talaga napaka-kapal ng mukha ng lalaking 'to. Nakita naman siya ng pinsan niya kaya binato ito ng mansanas na nakuha niya sa fruit stand malapit sa kanya.

"Thanks bro"

"Gago" Sabi nito saka naupo sa harapan namin ni Lucas dala ang mga wine glass at ang bote ng wine.

"Hehehehe"

"So what are you guys doing here?" Tanong nito habang naglalagay ng wine sa wine glass niya.

"Wala naman tinamad lang ako pumasok" Sabi Lucas habang nginangatngat ang mansanas.

"Yeah, what's new?" Tugon nito sabay irap ng mata saka tumingin sa'kin. "How about you, Lyra? It's very unusual to see a good honor student in this place at this time."

"Hmm"

"What do you mean hmm?" Pang-uusisa nito saka ako pinaningkitan ng mata.

"Wala, tinamad lang din"

"Pffft" Narinig kong pigil na tawa ni Lucas sa gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"You're hiding something" Sabi nito habang prenteng nakaup sa sofa at nakasandal ang likod, may hawak na wine glass at saka diretsong nakatitig sa mga mata ko na para bang may hinahalungkat sa loob ng ulo ko. "I know you so well kaya I know when you're hiding something in your sleeves."

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Aug 27, 2021 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Academia MajicaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt