Chapter 1: Unexpected Visitors

149 33 15
                                    

Tahimik at nakatungo akong naglalakad sa hallway papunta sa classroom ko, ang paningin ko ay nananatili lamang sa sahig na aking nilalakaran. Hindi ko man i-angat ang paningin ko, ramdam ko na ang mga mata nilang nakatitig sa'kin. Mga matang wala namang ibang alam kundi ang manghusga at mangutya ng kapwa. Napuno ang paligid ng kanilang mga bulong-bulungan at tawanan. Wala mang magsabi, alam kong ako ang bida ng kanilang usapan pero hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Hindi pa ako nakakarating sa classroom may sumalubong na agad sa'kin na grupo ng mga kababaihan. Huminto sila sa harapan ko dahilan para mapahinto rin ako pero hindi ko pa rin iniiaangat ang aking paningin.

"Hey there, loser" Buong lakas na sinabi ng isa sa kanila dahilan para mapunta sa amin ang atensyon ng iba pang estudyanteng nagsisipasukan.

Hindi naman ako nag-audition sa kanila pero mukhang ako ang masuwerteng napili para gumanap na bida sa kanilang munting palabas.

"I said...Hey.Loser." Madiing niyang pagkakasabi sa tapat ng tenga ko. Ramdam ko ang pagyuko niya nang bulungan ako nito. Matangkad na nga siya, nakasuot pa siya ng 6-inch heels, nagmukha tuloy siyang poste dahil sa tangkad at kapayatan niya.

"Bingi ka ba?!" Bulyaw nito sa'kin at sabay hablot sa kwelyo ng blouse ko. Hindi ako nag-abala pang pansinin siya, tumalikod na lamang ako saka naglakad palayo. Dinig ang tawanan ng mga estudyante sa paligid dahil sa ginawa ko.

"You fucking bitch!" Dinig kong sigaw ng babaeng poste sa likuran ko. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay mayroong biglang humatak ng buhok ko.

Putangina. Ang sakit.

Buong lakas akong nagpumiglas saka ko pilit na hinihigit pabalik ang buhok ko. Hindi pa siya nakuntento at nagtawag pa ng mga bamboo stick n'yang alagad. Sabay sabay silang naglakad palapit at kanya-kanyang higit sa buhok ko. Parang gusto kong pumatay sa sakit ng bawat higit nila.

Nasulyapan ko mga estudyante sa paligid na tuwang tuwa sa nangyayari sa harapan nila ngayon. Wala man lang bang may balak tumulong o umawat man lang?

Nauubos na ang pasensya ko at talagang nanggagalaiti na ako sa inis. Buong lakas kong sinipa ang babaeng poste saka ko isa-isang binigyan ng sapak at sampal ang mga alagad niya. Natahimik ang buong paligid, tanging mga ingay ng kanilang pag-aray sa sakit ang madidinig.

Sorry not sorry, sinagad n'yo ang maiksi kong pasensya.

Kinuha ko ang ilan sa gamit kong kumalat sa sahig dahil sa ginawa nilang eksena saka ko ito inilagay muli sa bag.Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang buhok ko at nagdiretso ako sa paglakad paalis sa bahay tanghalan ng babaeng poste. Walang nagbalak magsalita sa mga estudyanteng nadadaanan ko maski ang tumingin sa mata ko ay walang may lakas ng loob.

"You'll p-pay for this b-bitch"

Halos wala na ngang hininga, nagagawa pang sayangin ang lakas para sa walang kwentang sasabihin niya.

"Yeah, whatever princess"

Looks like a princess but attitude came from the devil.

Oh well, nagkamali ka ng binangga mahal na prinsesa.

Huminto ako sandali upang tignang muli ang kalunos-lunos na kondisyon ng mga walang-hiya. Hindi maipinta ang mga mukha dahil sa sobrang lukot. Binigyan ko sila ng isang matalim na tingin bago muling naglakad sa ibang direksiyon. Patuloy lamang ako sa paglalakad at 'di alintana ang mga tao sa paligid ko nang may tumabing mukhang daga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Academia MajicaWhere stories live. Discover now