"Thanks Brix!...pwede ka ng bumalik sa klase mo"

"Your always welcome bro.
Sige iwanan ko na kayo...."

"Thanks Brix!"
Pahabol ko pa.

"Sige...."

"Hanep! Ikaw talaga magbabayad?"
Biglang tanong ni Nur.

"Kakasabi lang diba?"

"Ayyy....ang init naman ng ulo mo.Hehehe"

Pagkatapos nun ay pumunta na agad kami sa science lab.
Hindi naman nagalit si Ms.Guerrero sa'min dahil nagpaliwanag naman si Mr.Demon kung bakit kami nahuli....

'Ang bait niya ngayon ah??...
Heheheeh sana always!'

(╹◡╹)

(ʘ‿ʘ)

~Flash Forward....

REHEARSAL.

"Faster ladies faster!...Oh ayan nice nice sige oh ikaw!"
-si Ms.Yvano

"Ganyan nga....Nice.Sige ladies come closer muna at may sasabihin kami ni Ms.Yvano sa inyo..."
Sabi naman ni Ms.Diano.

Nakangiti akong lumapit sa kanila at agad din 'yong nawala ng biglang umirap sa'kin si Colleen...
Hindi ko nalang din siya pinansin at nakinig na sa mga sinabi ni Ms. Yvano and Ms.Diano sa'min.

Minotivate lang nila kami ng minotivate at sinabi na din nila sa'min ang mga dapat naming suotin at gawin pati narin ang categories ng pageant.

(For Ms.Campus)

1.Introduction
2.Talent
3.Sport's Wear
4.Denim Wear
5.Evening Gown
6.Q&A

(For Ms.University)

1.Introduction
2.Talent
3.National Costume
4.Swim Wear
5.Evening Gown
6.Q&A
7.still Q&A

At kung sino man ang mananalo bilang Ms.Campus. Automatic sina Ms.Yvano and Ms.Diano ang magiging trainor, makeup artist, hair stylist, and designer ng Gown and so as ng National costume!

Pagkatapos nun ay nag-break muna kami ng 15 minutes.

"Hi...Erika right?"
Biglang tanong nung kasama ko.

I nod.

"Ako nga pala si Lily, please to meet you..."

"P-please to meet you too..."
Pilit ang ngiting sabi ko rin.

"Ang ganda mo talaga noh? Alam mo mas gaganda ka pa siguro kapag magsusuot ka ng contact lense..."
Nakangiting sabi niya.
"Alam mo try mo kaya...I'm sure mas lalong aangat ang kagandahan mo na para bang nagliliwanag na bituin sa langit! Hehehe...."

Natuwa naman ako sa sinabi niya na napapamangha paring pinag-aaralan ang kabuuan ko.

"T-thanks..."

'Don't worry Lily...Susuotin ko din yun kapag sa mismong Ms.Campus na talaga....Tignan natin kung totoo nga yang sinasabi mong magliliwanag ako. Hehehehe!'

Pero....

"Don't say that Lily...Baka mag-asume siya ng sobra, at baka masaktan lang siya sa huli...."
Malumanay pero halata ang inis sa tuno ni Colleen.

'Edi wow parin!!
Kahit anong sabihin mo bruha ka edi wow parin ang sasabihin ko!
Dahil kung tutuusin mas matino ako kesa sayo, dahil kung papatulan lang kita hindi tatagal ay mauuwi lang sa patayan ang lahat!'

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now