Conquering Love Full of Adversities

26 12 0
                                    

"Anong oras na o! Hindi ka pa ba gigising?" wika ni Nadia kay chase na mahimbing ang tulog. "Yung mga empleyado mo araw-araw pumapasok tapos ikaw natutulog lang! Anong klase kang CEO?!"

Tinapik-tapik niya pa ito muli hanggang sa pinalo niya ito ng hindi kalakasan sa braso. Napagalaw ng kaunti si Chase ngunit hindi pa rin ito gumising. Tuluyan nang bumuhos ang luha ni Nadia.

"Mahal mo pa ba siya?" tanong kay Nadia ni Chase, ang CEO ng hotel na kanyang pinagtatrabahuhan at kapatid ni Philip. Secretary siya nito. Sa gulat ay 'di niya alam kung paano ito sasagutin kaya umiling na lamang siya.

"Good. Because I fired him."

"Nanlaki ang mga mata ni Nadia sa takot. "Dahil ba sa kapalpakan ko?" pagtukoy niya sa maling pagtrato niya sa isa nilang kliyente noong isang araw.

"Hindi mo kasalanan. Ayaw ko lang sa competition. Ngayon, pwede na kitang ligawan?"

"Bawal! Nasa company policy iyon," ani ko pero ngumiti lang siya.

"I'm the boss. I can change the rules whenever I want.

"Nahihibang ka na ba? Hindi mo ba natatandaan na ex na kita?" iritadong tanong ni Nadia.

"I know you still love me," seryosong sabi ni Chase.

"Paano mo nasabi? Matapos mo akong iwan sasabihin mo mahal pa kita? Matapos yung bigla ko na lang nalaman na may iba ka na pala?"

"That's not true"

"So ako na pala ang sinungaling ngayon?"

"H-hindi naman sa ganon" napa-iwas ng tingin si Chase.

"Sa ganon yon!"

"You know that my mother doesn't like you!" sigaw ni Chase dahilan para matigilan si Nadia. "She didn't even include my name in the name of this hotel! I'm surprised that I even become this hotel's CEO."

"Ano naman ngayon kung hindi ako gusto ng nanay mo?"

"She thinks that you're just using me because of our money."

"Chase kailan ba ako naging mukhang pera? Noong naging tayo wala naman akong kaalam-alam na mayaman ka pala! Kahit kailan wala akong naging interes sa pera dahil ikaw lang sapat na! Pero anong ginawa mo? Niloko at pinagpalit mo lang ako!"

"My mother threatened me na palalayasin niya kami ni Philip sa bahay. I was 20 that time and Philip was just 12. You know how much I care for Philip. Siya lamang ang naging kasundo kong kapatid. I was also about to graduate college but she---"

"Yeah. You lied to me that day." pagputol ni Nadia sa sinasabi ni Philip. Sa kaniyang kalooban ay umiiyak na siya ngunit pinipilit niyang maging matatag upang makita ni Philip na wala siyang pakialam sa nakaraan.

"Let me finish please?"

Napa-irap na lamang si Nadia. Nagpatuloy naman si Chase sa pagkukwento.

"Planado ang lahat. She said na pagbaba ko sa stage, pagkuha ko ng diploma ay yayakapin ko si Nicole. Para kapag nakita mo kami ay layuan mo na raw ako."

Biglang nanigas si Nadia sa kaniyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Nagsimula siyang manginig hanggang sa nagsimula na ring magbadyang tumulo ang kaniyang mga luha.

"Nadia mahal kita, mula noon hanggang ngayon. I will break that stupid rule if I must."

"I've been working here for more than 3 years tapos ganito? You know what? I'm out of here." sambit ni Nadia at nagtatakbo palabas sa opisina ni Chase. Pabalibag niyang isinara ang pinto.

Pinagsisisihan niyang sa hotel pa na ito siya nagtrabaho. Kung hindi dahil sa malaking pasuweldo nito at kung hindi lamang siya nangangailangan ng pera noon ay hindi siya kukuha ng trabaho rito.

Nagdalawang-isip pa siya kung ang elevator ba ang kaniyang gagamitin pababa o ang hagdan. Sa huli ay napagdesisyunan niyang ang hagdan na lamang ang gamitin.

Naging patakbo ang kaniyang pagbaba sa paikot na hagdan. Narinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Chase, tinignan niya ito sandali at nagpatuloy muli sa pagbaba sa hagdan.

"Nadia!" sigaw ni Chase.

Malapit na sa dulo ng hagdan si Nadia nang bigla siyang makarinig ng kumakalabog na ingay. Nakita na lamang niya si Chase na pagulong-gulong sa hagdan hanggang sa makarating sa pinaka-ibaba.

Ikinagulat ito ni Nadia ngunit lalo niyang ikinagulat nang biglang umagos ang dugo ni Chase sa sahig.

"I'm sorry Chase. Dahil sa akin ay tatlong buwan ka nang hindi nagigising. Bakit kasi hindi na lang ako yung nahulog? Bakit kailangang ikaw pa!" patuloy pa rin sa pag-iyak si Nadia habang kinakausap ang comatose na si Chase.

Sa tuwing nakikita ni Nadia ang mga bandage na nakabalot sa ulo at katawan ni Chase at ang oxygen mask na nasa bibig nito ay tila dinudurog ang puso niya. Tatlong buwan na ang nakalilipas ngunit puno pa rin siya ng pagsisisi.

"Happy 6th Anniversary Chase," lalong tumindi ang pag-iyak ni Nadia matapos niyang sabihin iyon. Ngayon sana nila ipagdiriwang ang kanilang ika-anim na anibersaryo kung hindi sila naghiwalay.

"February 14, 1965. Araw ng mga puso ngayon pero bakit durog na durog na ang sa akin?" bulong ni Nadia at yumuko sa tagiliran ni Chase.

"Happy 6th Anniversary my love," nanlaki ang mga mata ni Nadia matapos iyong marinig. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakita niyang nakatanggal ang oxygen mask ni Chase at gising na ito.

"Bakit mo ako pinakaba ng ganon! Ang sama-sama mo!" sigaw ni Nadia at bahagya pang pinalo sa dibdib si Chase. Napa-ngiwi naman ito dahil sa sakit. "Ay sorry sorry" paghingi ng tawad ni Nadia.

"You know what let's conquer this love even though it's full of adversities," anas ni Nadia.

"Together?" mahinang usal ni Chase ngunit sapat na upang marinig ni Nadia.

Nginitian lamang siya ni Nadia at biglang niyakap.

S.O.G.P.O. Hotel: Circle of LoveWhere stories live. Discover now