Nag mulat naman ng mata si Vandish at inosente itong nakatingin kay Almika pero alam ni Almika na kinakabahan narin ang anak niya.

"TANGINA MO IBALIK MO ANG ANAK KO SA AKIN!"

Ngumisi si Vandeon.

"Wanna die too?"

"FVCK YOU!"

****

FL03 (Story from the past)

"Are you sure about this, Almika? I can give you a job if you want."

"I'm okay, Kace. May inaplayan na akong trabaho ngayon, naghihintay lamang ako ng mensahe mula sa kanila,"

"Anong klaseng trabaho naman 'yan?"

"Secretary ni Miss Ladeo." Umatras naman siya bigla nang banggitin ko si Miss Ladeo, kilala niya kaya?

"Kilala ko siya."

"Talaga?" gulat ko namang tanong.

"Asawa siya ni Kiefer, isa sa mga kaibigan ko. She's a badass girl, I think both of you can work well together. Mabait rin naman iyon."

"Are you sure? Balita ko kasi mailap si Ma'am Ladeo,"

"Well she is. Pero kilala ko naman iyon, I can talk to her if you want..."

Magsasalita pa sana ako kaso pinigilan niya ako. "Nah, hindi kita tutulungan, kakausapin ko lang siya."

Ngumiti ako. "Thank you again, Kace."

"No worries!"

PINUNTAHAN KO ang university namin noon. Dito nagsimula ang love story namin ni Vandeon, kung saan masaya pa kami, walang problema at kaming dalawa lamang.

After I found out that I was pregnant, he disappeared. Hinanap ko siya, and I found out that his parents were dead. Dahil duon ay nagsimula ang kinatatakutan ko, he killed my parents and kidnapped me. Lucky, dahil nakaalis ako mula sa mga kamay niya.

Kace helped me escaped that day. Malaki na ang tiyan ko noon, wala siyang pakialam sa amin. He turned to a cold person, walang kinatatakutan. I was scared, I thought mawawala na sa akin ang anak ko.

Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay nang maramdaman ko ang init sa aking pisnge. May luha na palang dumadaloy.

"Almika? Is that you?"

Napahinto. "Ikaw nga, Almika! Kamusta kana?!"

Natigilan ako nang bigla akong yakapin ng isang babae. "Kamusta kana? Ang ganda ganda mo parin!"

Hinarap ko siya. "Entice?"

Gulat ang kanyang mukha nang harapin ko siya. Malaki ang pinagbago ni Entice, mas lalo siyang pumayat at kitang-kita na ang dark circles sa kanyang mga mata. Stress ba ang babaeng ito?

"Woah! First time kong makita ang totoo mong mga mata! Its beautiful."

"What happened to you?" imbes na pansinin ang sinabi niya.

Mabilis naman siyang umiwas ng tingin at pilit ngumiti. "Ano ka ba, ayos lang ako noh, kapos lang sa pera,"

Huminto noon sa pag-aaral si Entice nu'ng nasa 4th year college na kami. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya dahil pagkatapos nun ay wala na kaming balita sa kanya.

"Answer me."

"Ayos lang talaga ako, Almika,"

"Answer me, Entice!"

"Huminto ako noon sa pag-aaral dahil buntis ako at pinalayas ako ng magulang ko, Almika. Hindi rin ako tinanggap ng pamilya ni Jonas, hinayaan nila akong manglimos sa daan habang karga ko ang anak ko, Almika. Hiyang-hiya ako at naaawa ako sa sarili ko."

Umiyak siya sa aking harapan habang ako naman ay gulat ang reaksyon.

"Sinubukan kitang kausapin kaya lang hindi kaya ng konsensya ko. Ako ang may kasalanan kung bakit nabuntis ka ni Vandeon, Almika. Patawad."

"Why did you do that?"

"G-Gusto ko lang naman maghiganti kay Vandeon, hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa iyo. Hindi dapat ikaw 'yung babaeng kasama niya sa gabing iyon, hindi dapat ikaw ang aako sa kasalanan ko,"

"Thank you."

Mabilis na umangat ang kanyang ulo. Nagtaka sa sagot ko.

"Kahit na ginawa mo iyon ay nagpapasalamat parin ako dahil sa nangyari nabuo ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. May kasama akong mamuhay, hindi ako nag-iisa."

Kung wala si Vandish, wala akong kasama ngayon.

Ngumiti ako. "He didn't know that I was carrying his child that day. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang totoo. Hinanap ko si Vandeon, but I can't find him. He disappeared, and I found out that his parents were dead."

"When he saw me, galit na galit ang kanyang mga mata. Saksing-saksi ako kung paano niya patayin ang Mommy at Daddy ko, sobrang sakit nu'n. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Vandeon sa pamilya ko. Maganda naman ang samahan ng pamilya namin, pero bakit humantong sa ganu'n?"

"A-Almika, I'm sorry..."

"He killed them! At may balak siyang patayin din kami!"

"Almika..."

"Mabuti nalang nakatakas kami sa mula kanya, Entice. Tinulungan ako ni Kace. Akala ko duon na magtatapos ang buhay namin."

Naramdaman ko muli ang pagtulo ng mga luha ko.

"I'm still scared."

****

Hello everyone, sa mga naguguluhan parin, read the whole story po para maintindihan niyo po ang daloy. Medyo magulo po siya sa umpisa dahil iyon talaga ang nasa plano or daloy ng story ko. In order to find the purpose of this story, you need to dig deep and look for its ending. Happy reading!

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordWhere stories live. Discover now